Matteo Guidicelli joins cast of Kapamilya noontime show; shoots two movies with Maja Salvador and Sarah Geronimo

Kung noon ay nag-atubili pa si Matteo Guidicelli sa pag-aartista, ngayon ay masasabi niyang enjoy na siya sa showbiz. "Ngayon, 110 percent sure na gusto ko na talaga ang showbiz," he says. Bukod sa regular hosting sa isang noontime show,busy din siya ngayon sa paggawa ng pelikula.


Sobrang happy ngayon ang car racer-turned-actor na si Matteo Guidicelli dahil sa pagkakasama niya sa bagong noontime show ng ABS-CBN, ang Happy, Yipee, Yehey!

Noon pa raw kasi ay dream na niya ang maging host ng isang noontime show.

"Talagang dream come true. Hindi po ako makapaniwala na kasama ako sa isang noontime show. Hindi ko talaga ini-expect, dumating lang. Salamat talaga sa ABS-CBN Star Magic, kay Joji Dingdong, kay Ms. Linggit Tan, maraming salamat po," ang sabi ni Matteo.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Matteo kahapon, February 12, after ng grand launch ng Happy, Yipee, Yehey! na ginanap sa YƱares Sports Arena sa Pasig City.

Kung noon ay nag-atubili pa si Matteo sa pag-aartista, ngayon ay masasabi niyang enjoy na siya sa showbiz.

"Ngayon, 110 percent sure na gusto ko na talaga ang showbiz," aniya.

Bukod sa regular hosting ni Matteo sa HYY ay busy din siya ngayon sa paggawa ng pelikula.

"Ngayon po nag-shooting kami ng isang pelikula [at] kasama ko si Maja [Salvador]. Basted yung title. Directed by Enrico Santos. Partners kami doon ni Maja. She inspires me a lot," ang sabi niya.

Sila na ba ni Maja kaya nasabi niyang "She inspires me a lot?"

"Hindi po. Hindi pa kami," tanggi ni Matteo.

"Ngayon, concentrate lang kami sa movie namin kasi siya, sobrang experience na niya sa showbiz. Ang galing niya umarte, tinutulungan niya talaga ako sa pagsasalita ng Tagalog, sa pag-arte, lahat. Yun po," paliwanag niya.

Nanliligaw ba siya kay Maja gaya ng napapabalita?

"Basta friends lang po kami. Sobrang close po kami, as in super close. Magkasama kami halos araw-araw dahil sa shooting. Pero close lang po talaga kami," sagot ni Matteo.

Baka naman may girlfriend na siya kaya hindi niya maligawan si Maja?

"Sino po ang may sabi?" balik-tanong ni Matteo sa PEP. "Wala, wala! Single po ako at ahh... happy, very happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero possible bang ligawan niya si Maja?

"Possible," aniya. "Maja is a wonderful person and ahh... sobrang beautiful."

Very vocal si Matteo sa pagsasabi noon na hinahangaan niya ang Pop Princess na si Sarah Geronimo. Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nawawala ang paghanga niya kay Sarah?

"Hanggang ngayon po, fan pa rin ako ni Sarah. I'm working with her sa isang pelikula niya with Gerald [Anderson]. Love triangle kami. Sobrang blessing din na nakatrabaho ko si Sarah. One week na kaming nagsu-shooting.

"Sobrang bait ni Sarah. She's comfortable to be with. Sobrang gaan niyang katrabaho," aniya.

Anong initial reaction niya noon nang malaman niyang makakatrabo at makakasama niya sa isang pelikula si Sarah?

"Sobrang masaya po as in another dream come true po talaga," ang sagot ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN