Sharon Cuneta never imagined that her name would be associated with Hayden Kho Jr.'s

"It's so convenient na huwag mong sabihin kung sino para ma-deny mo later. But kung sinabi nga sa 'yo na may ganoon, parang mapapaisip ka rin, mukhang ako nga yun," says Sharon Cuneta about Hayden Kho Jr.'s tweet.


Muling nagsalita ang Megastar na si Sharon Cuneta tungkol sa kontrobersiyal niyang billboard para sa Marie France.

Una nang sinagot ni Sharon ang naturang isyu sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa artikulong lumabas noong Miyerkules, February 9, dito sa PEP. (CLICK HERE to read related story.).

Sa live interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, February 13, sinabi ni Sharon na may duda siya kung saan nagsimula ang mga batikos sa kanyang billboard.

"Siguro kaya nagkaroon ng maraming reaction, yun nga, it's a big business. Ang beauty business, slimming business, mga hundreds of millions ang pinag-uusapan diyan.

"Let's just say na puwedeng competitor, puwede rin naman isang tao with an axe to grind.

"Wala, mahirap magsalita kasi parang ayokong pumatol sa isang hindi kapatol-patol," saad ng Megastar.

Ilan sa kritisismong lumabas sa billboard ni Sharon ay iba raw ang nakikita sa kanyang billboard at iba rin ang nakikita sa personal kaya hindi raw ito "truthful."

Sabi naman ni Sharon, "What do you think? Napakalayo ba ng hitsura ko doon sa billboard ko at sa after picture?

"Kasi, ganito 'yan, ang lahat ng pictorial namin sa Marie France, yung nakikita n'yo na before and after, yung naka-blue ako, naka-gown na best gift for my 45th [birthday], at yung mga lumalabas sa diyaryo, pati ang mga hindi pa lumalabas, isang pictorial lang po yun.

"Siyempre, namimili kami dahil meron namang nakikita pa ang konting bilbil ko. Siyempre, namimili kami na maganda naman ang ipe-present na hitsura ko.

"Pero walang dinaya do'n," diin ni Sharon.

"Bakit? Kasi po, it's a series of billboard na lalabas over coming several months. Yung progress ng weight loss ko at iba pang model ng Marie France, sinusundan nila.

"Yung first 20 pounds, after that, kukuha ulit ng litrato for the next 20 pounds. Hanggang yun, you reach your ideal weight. Para maipakita na it's working and it's gradual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi puwedeng agad-agad sirain. Feeling ko, ano yun, was it my angle or was it my pose? But I can assure you, God is my witness, those pictures were not altered to make me look good and thinner at that time."

Dagdag pa niya, "Ang sa akin lang, sentido kumon, you come out with the billboard like that and you see this girl in TV shows, like The Buzz or in Star Power, every week, kung nanonood sila, tapos parang iba ang hitsura. Ang laki-laki ko sa Star Power, pero sa billboard ng Marie France, ang liit-liit ko. Sino po ba ang magmumukhang tanga ro'n, di ba, ako at Marie France?"

"Parang sa dami ng ginawa ko, meron nga akong arte sa pagpili ng eendorsohin, di ba? I've always said that I'm in a position na puwedeng hindi ko patulan lahat ng offers ko. Pinapatulan ko yung hindi ako mapapahiya sa consumers, lalo na sa fans ko at supporters ko.

"When I endorse a product, I have to believe in it. Ilan pong milyon na ang na-turndown ko sa endorsement dahil ayaw ko, at hindi ako nag-e-endorse ng produktong ayaw ko. Hindi ako nambobola.

"Now, para gawin ito ng isang kumpanya na 25 years nang successful at walang bahid ang reputasyon, katulad ng Marie France, at isang artistang...starlet na more than 30 years na nasa inyo, nasa harap n'yo, nakita n'yo nang lumaki...

"Mula nang trese anyos, nag-e-endorse na ako ng produkto at serbisyo. Parang iri-risk ba namin ang reputasyon, pangalan namin para sa isang commercial, kampanya, billboard?

"Di ba naman, we're not naman stupid, di ba? Tapos, ang nangyari ito, yung comment na yun na tinuweet daw..."

HAYDEN'S TWEET. At this point, Boy interrupted Sharon by saying na ipinababa diumano ng Marie France ang naturang billboard. Pero mariin itong itinanggi ng Megastar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It never happened," sabi niya. "It didn't come from people na official na... You know, it's very important. When we do a commercial, you know, it's something, there has to be truth in advertising. Hindi puwede yung gagawa ka, tapos pala..."

Pagkatapos nito ay ipinasok na ni Boy ang tweet diumano ni Hayden Kho Jr. patungkol sa billboard ni Sharon: "There's a billboard ad in Edsa developed by advertisers who think consumers are stupid. Guess."

Alam ba ni Sharon ang tungkol sa tweet na ito ni Hayden?

"No. Until a reporter from E-Live interviewed me," sagot ni Sharon, na ang tinutukoy ay ang Saturday showbiz talk show ng ABS-CBN.

So, it was a question asked at walang ideya si Sharon tungkol dito?

"I have no idea," sabi niya. "Ang sinagot ko po, yung isyu sa billboard.

"Sa akin kasi, kaya masakit yun, kasi kinukuwestiyon mo, hindi lang ang hitsura ko. Yung hitsura ko, okay lang, e. Pero yung kredibilidad, integridad ko, parang ang sakit naman no'n. You don't even have to ask, I don't even have to justify and defend myself.

"Boy, yung tweet na yung billboard daw ni ganito, ni ganyan, stupid daw ang maniniwala. Obviously, kung tinanong ka, impression din ng bata [reporter], yung billboard ko na lumabas ang sinasabi.

"Nagkataon na lumabas yung tweet na yun, doon sa araw na lumabas din sa PEP ba or some sites, wherever... It looks on that same day na nag-tweet siya [Hayden].

Patuloy ni Sharon, "Merong lumalabas daw ngayon na sinasabing si Joel Cruz daw yata ang pinatatamaan, hindi raw pala ako. Pero, meron din namang nakapagsabi na yung billboard ni Joel Cruz na supposedly pinatatamaan niya... Sorry Joel Cruz, hindi ka kasali rito. Pero yung billboard na sinasabi niya [Hayden], July 2010 pa, bakit pitong buwan kung totoong yun ang pinatatamaan niya? Bakit pitong buwan bago ka mag-react?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At nag-presscon si Joel Cruz na parang, tutal lumabas na, totoo ba yun, na bago siya magpabango, bakit hindi siya nag-react then? So, kataka-takang nag-tweet ka kasabay ng news na yung billboard ko ibababa?"

KC'S INVOLVEMENT. Noong may nagsabi sa kanya about Hayden's tweet, ano ang unang naging reaction ni Sharon? Nagalit?

"Nagulat ako in the first place," sagot ni Sharon. "Actually, may I just say, noon kasi, noong lumalabas ang mga kontrobersiya sa kanya, talagang feeling ko, wala akong kilalang lalaki na gagawin yun, okay? Wala akong kilalang lalaki na tatratuhin ang mga babae na ganoon."

Ang tinutukoy ni Sharon ang ay sex-video scandal ni Hayden na pumutok noong 2009.

"I'm sorry, opinion ko lang 'to," dadag ng Megastar. "Tapos, lalong sumama ang loob ko at siyempre medyo nagalit ako nang pati ang pangalan ng anak ko [KC Concepcion], nadadawit.

"Alam mo, Kuya Boy, mabuti at nandirito ako, nang once and for all, masabi ko, di ba, yung isyu ng video, nadadawit. Once lang nakita ni KC ang taong 'yan [Hayden], dito pa sa The Buzz, remember? Once lang 'yan.

"Ang sinasabi yata ng tweet niya, he respects me so much, ironic. I don't understand that. What's ironic is because he respects me and I have to treat him like this?

"I'm not one to treat people in a bad way. I know how to protect myself. There are times kasi na kailangan tahimik ka lang. Pero there are times you have to fight and stand up for yourself kasi nobody will do it for you or at least not as well as you.

"Parang nagsawa na ko ng 30 years na kaka-'no comment.' Parang yung anak ko ngayon, going back to KC, if he [Hayden] respects me so much, bakit nadamay ang pangalan ng anak ko ro'n [sex-video scandal]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think at that time, palagi niyang tine-text ang anak ko. So, parang that time, he was telling everyone... I don't wanna rehash it anymore, pero... So, meron na 'kong konti. I never said anything, although alam ko naman ang totoo.

"Nakakainis ma-associate sa ganoong isyu," diin ni Sharon.

"Ang isang bata na alam mong pinalaki mo nang ubod ng disente, di ba? Alam mo, mga artists ang lolo niyan [KC]. Sila Juan Arellano, sila Oscar Arellano, sila ang gumawa ng Metropolitan Theater. Ang lolo niyan, si Pablo Cuneta, longest-running public servant. Mga magulang niyan, kami ni Gabby [Concepcion], si Kiko [Pangilinan]... I mean, hindi basta-basta saan galing ang anak ko.

"But I kept peaceful. I kept quiet. I didn't say my piece or anything.

"Noong lumabas ito, ang feeling ko lang, bakit kailangang may ganoon? And it wasn't nice because everybody knows he's associated with Dra. [Vicki] Belo. Sa Belo Clinic na napaka-successful naman through all these years. It's a competition na any slimming company like Marie France.

"Parang ang nangyayari, sinisiraan mo ba kami dahil meron kayong kumpanya rin? Parang feeling ko, why do you have to talk?

"Meron pa siyang guess kung sino? Kung si Joel yun, bakit di mo sinabi from the beginning, e, July pa yun?

"Yung billboard naman ni Joel ngayon... What can you say about lord of scent, that's his opinion. Siya ang kumuha ng line na 'yan. So, it's his prerogative kung gusto niyang gamitin. What is he deceiving, di ba?

"Parang pinapalabas niya, sino ang nangde-deceive, kami?

"Alam mo, ang masakit sa akin, Tito Boy, I have never in my wildest dream that I'll be associated even with his name," sabi ni Sharon.

"I mean, I don't need an issue like this. Nanahimik po akong nagtatrabaho.

"Yung mga nakakakita, sana po, you go to my Facebook fan page. Sometimes, I leave a message there. I was crying when I wrote that actually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang feeling ko, how can... May mga tao kasing ganoon. It's so convenient na huwag mong sabihin kung sino para ma-deny mo later. But kung sinabi nga sa 'yo na may ganoon, parang mapapaisip ka rin, mukhang ako nga yun."

SHARON'S FINAL WORDS. Ano ang final words ni Sharon para matapos na ang iyung ito?

"Ang masasabi ko lang, well, maraming salamat. Dahil sa inyo, napag-usapan nang bonggang-bongga ang billboard ko!

"Eto lang ang masasabi ko, palagay ko, noong lumabas ang billboard ko at nagkaisyu, wala namang pinupukol na puno na hindi nagbubunga.

"So, feeling ko, siguro, nagitla... Basta, pagkita ng billboard ko, parang nagkagulo kayo. So, maraming-maraming salamat at effective ang endorsement. Parang nataranta kayong lahat. Ang ganda!"natatawang sabi niya.

"Ako, I already explained my side. I don't wanna... Common sense na lang. Common sense na lang.

"I'm sorry, they feel that way. Yun lang, naglabas lang ako ng palaisipan ko.

"Tao lang ako. When I get hurt, kailangan ko rin lumaban. Nanay lang ako. Endorser ako.

"Hindi ako papayag na isang tao, kahit na sino pa 'yan, kahit na hari pa 'yan na sirain lang ang pangalan ko ng ganoon."

Sa huling bahagi ng interview ay nagbigay pa ng mensahe si Sharon tungkol sa isyu sa kanila ni Hayden.

Aniya, "Sana po, pagbigyan niyo naman kami na mamuhay at mag-hanapbuhay nang tahimik. Wala po akong gustong kaaway. Nagre-react lang po ako kapag merong nambabastos sa akin.

"Hindi po ako nag-uumpisa ng away kasi ang baduy-baduy po no'n. Ang tagal ko nang artista, dyusko, may ganyan pa pala, akala ko, graduate na ako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN