Regine Velasquez-Alcasid gets a Tiffany heart-shaped silver locket from Ogie Alcasid on Valentine's Day

"What I like about our relationship is that na-retain namin yung respect for each other. Kasi, di ba, pag mag-asawa na... I'm not saying na nawawala yun, pero you kinda have to be conscious na hindi mawala yun. Pag masyado nang familiar, medyo nag-o-overboard na yung whatever, so I like that we still have that, and we're best friends," says Regine Velasquez-Alcasid about her relationship with husband Ogie Alcasid.


First Valentine nina Regine Velasquez-Alcasid at Ogie Alcasid ngayon bilang mag-asawa.

Pero hindi sila magkasama dahil regular taping day ngayon ng Asia's Songbird para sa primetime series niya sa GMA-7, ang I ♥ You Pare. Kaya kahapon, February 13, sila nag-celebrate ng kanilang Valentine.

Kuwento ni Regine sa live interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central kahapon, "Well, since Valentine's Day is going to be a Monday, naisip niya na today kami mag-celebrate.

"So, meron siyang chef na friend at home right now cooking. Para pagdating ko, meron na kaming dinner.

"So, meron siyang special dinner na hinanda for me. He's really sweet."

Bumabawi naman daw sila sa isa't isa kapag mayroong okasyon na hindi nila maise-celebrate dahil sa kanilang hectic schedule.

"At saka kasi ngayon, hindi kami makapagreklamo kasi there was a time na we really couldn't even celebrate it together, we couldn't talagang be together.

"So, ngayon, we're just thankful na kahit papaano, kahit hindi yung araw na yun, na 13, e, happy na kami doon. 'Tsaka ano naman, e, every day naman is Valentine's day," pahayag niya.

OGIE'S GIFT. Bago magtapos ang Party Pilipinas kahapon ay inabot ni Ogie kay Regine ang isang light blue box from Tiffany & Co. na regalo ng singer-songwriter sa kanyang misis. Pero nabitin ang lahat dahil hindi nakitang binuksan ni Regine ang naturang box para i-reveal kung ano laman nito.

"Cash!" biro ni Regine nang tanungin ni Pia kung ano ito.

Eventually ay ipinakita ni Regine ang suot niyang heart-shaped silver locket na siyang laman ng box na ibinigay sa kanya ni Ogie.

"Tapos, may naka-engrave na 'Ba, I love you.' We call each other Baba, di ba?" banggit pa ng Songbird.

Wala pa raw laman na photos ang naturang locket.

"Wala pa, lalagyan ko ng lipgloss!" biro niya.


HONEYMOON IN ITALY. Totoo bang hindi na matutuloy ang honeymoon nila sa Italy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa hindi matutuloy, ano lang, medyo ide-delay lang namin ng konti. Kasi I'm still doing I You Pare and, I think, dapat matatapos yun siguro end of May.

"So, we're hoping na kung June or July, we will be able to go. Anyway, it's too cold there right now. So it's not a good time to go."

So, summer sila pupunta?

"Actually, gusto ko medyo pa-autumn na, e, kasi para medyo guminaw na ulit. So, bale sa April, on my birthday [April 22], kasi tatamaan yun ng Holy Week, we're going na lang to Australia para din magkita-kita kaming lahat kasama ang aming family."

Sa Australia nakatira ang unang asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimerem at ang kanilang dalawang anak na sina Leila at Sarah.

NOT YET PREGNANT. So, hindi dahil buntis ang Songbird kaya naudlot ang honeymoon nila sa Italy.

"Sabi?" tawa ni Regine.

Nagsalita raw kasi si Ogie in an interview na kapag hindi sila natuloy, it would probably because he got Regine pregnant already.

"Hindi pa, hindi pa," sabi naman ng singer-actress.

"Actually, marami ngang tumutukso sa akin kasi lagi nila akong nakikitang kumakain ng mangga, ng kung anu-anong sinasawsaw ko sa bagoong. So, pinagtatawanan nila ako. 'Buntis ka ba?' 'Hindi pa, hindi pa!'

"Weird lang talaga akong kumain, pati yata halu-halo nilalagyan ko ng bagoong," ang muling natatawang sabi ng Songbird.

"Hindi, pero kasi nung ano naman, nung nagsimula yung I You Pare, sabi ko sa kanya [Ogie], in-explain ko sa kanya, 'Baba, baka matapos ako ng mga ganitong month, pasensiya ka na.'

"Yung kahit alam ko na naiintindihan niya, I still... Parang feeling ko, kailangan ko pa ring i-explain, kailangan kong sabihin sa kanya na ganito-ganyan, para lang alam niya na aware din ako na hindi masyadong... Alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi siyempre, hindi lang ako mag-isa na, e. Partner ko na siya e, so..."

Thankful si Regine na very understanding ang asawa niya.

"And he's very patient. And palagi niyang sinasabi na, 'It's okay, it's fine, don't worry about it.'

"So, pag nagkakaroon kami ng time... Kaya nga meron kaming ano, paggising, meron kaming lambingan. Bago matulog, meron kaming lambingan lagi, yung ganyan. So, sana hindi matapos yun, 'no?" tumawang muli ang Songbird.

"What I like about our relationship is that na-retain namin yung respect for each other. Kasi, di ba, pag mag-asawa na... I'm not saying na nawawala yun, pero you kinda have to be conscious na hindi mawala yun.

"Pag masyado nang familiar, medyo nag-o-overboard na yung whatever, so I like that we still have that, and we're best friends.

"Kasi ako, nase-separate ko somehow yung pagiging kaibigan, e. Nagagawa ko pa rin yun ngayon, o hopefully ma-retain ko yun forever," asam niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN