Sharon Cuneta on KC-Piolo relationship: "Anybody who makes my daughter happy, I will welcome with open arms."

"Basta ako, alagaan lang ang anak ko. Bigyan lamang ng mga... Kahit sino pa 'yang dumating sa buhay ng anak ko, basta alagaan siya, iparamdam palagi sa kanya na mahal na mahal siya. To treat her well lang," says Sharon Cuneta about the relationship of her daughter KC Concepcion with Piolo Pascual.


Wala rin daw ideya si Sharon Cuneta sa ginawang pag-amin ni Piolo Pascual two weeks ago sa The Buzz tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng anak ng Megastar na si KC Concepcion. (CLICK HERE to read related story.)

"I have no idea," sabi ni Sharon sa live interview niya sa The Buzz kahapon, February 13.

"Kasi, hindi ko pa nakausap si Kace no'n. So, ang initial reaction ko, 'Huh?'

"Hindi ko alam. I was in the States then. Pero apparently, KC was ano, nagulat siyang talaga.

"You know, it took them a while, mga two years. So, I was not lying when I said na, alam ko, wala pa.

"Siguro kasi, they've been through their own shares of heartaches. So, siguro they wanted to take it slow. Very responsible yung dalawa," sabi ni Sharon

Sabi ni Boy Abunda, tuwing mai-interview naman daw si Sharon, palagi niyang sinasabi that she likes Piolo.

"Always," pagsegunda naman ng Megastar.

"Alam mo, ang sa akin lang, ganito, my daughter, like I've said, hindi naman kung saan-saan pinulot 'yan.

"She's a very loving, lovely, lovable person. She's very strong. All of the women in our family are.

"And she's independent. I've never known her to be needy even to me, towards me.

"Basta ako, alagaan lang ang anak ko. Bigyan lamang ng mga... Kahit sino pa 'yang dumating sa buhay ng anak ko, basta alagaan siya, iparamdam palagi sa kanya na mahal na mahal siya. To treat her well lang.

"Huwag sasaktan emotionally or physically... Kung physically, gusto kong mambugbog! Pag yun, wala na akong pakialam no'n! Hindi na ako magno-no comment!

"But anybody who makes my daughter happy, because she grew up very happy, considering na she's from a broken family, you know, she's a good girl, she's a good kid. So, anybody that gives her the kind of treatment that she deserves, I will welcome with open arms."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VALENTINE WITH SEN. KIKO. Ngayong Valentine's Day, saan naman sila magpupunta o ano ang plano nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan?

"Naku, napakalayo!" bulalas ni Sharon. "As usual, sa bahay lang. Magpapa-cater lang po as usual. Hindi naman kami nagba-Valentine's date na wala ang mga bata. So, family affair pa rin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN