John Estrada-Priscilla Meirelles wedding preparation not affected by Willie Revillame's tampo

Actor-TV host John Estrada and former beauty queen Priscilla Meirelles will tie the knot on February 26 at Poro Point in San Fernando, La Union.


Tuloy na tuloy na ang kasal ng actor-TV host na si John Estrada at ng Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles sa February 26. Gaganapin ang pag-iisang dibdib nila sa Poro Point, San Fernando, La Union.

Hindi naapektuhan ang preparasyon ng kanilang kasal sa sumulpot na tampuhan ng magkaibigang John at Willie Revillame. Nag-ugat ang tampuhan ng magkaibigan sa pagtanggap ni John sa bagong noontime show ng ABS-CBN na Happy, Yipee, Yehey!.

Ikinasama ng loob ni Willie ang pagtanggap ni John ng naturang noontime show dahil bukod sa kalaban ng host ang ABS-CBN, may niluluto rin daw siyang noontime show sa TV5 para kina John at Randy Santiago.

Dahil sa nangyari, umurong si Willie bilang best man sa kasal nina John at Priscilla. (CLICK HERE to read related story.)

WEDDING WILL PUSH THROUGH. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Priscilla noong Sabado, February 12, sa pilot episode ng Happy, Yipee, Yehey! sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kinumpirma niya sa amin na tuloy ang kasal nila ni John.

Ayon pa sa dating Miss Earth, dumating na sa Pilipinas ang kanyang ina at susunod na ang kanyang ama.

Hindi ba siya kinakabahan sa nalalapit niyang kasal?

"Wala," mabilis niyang sagot. "Ang kaba ko lang, yung distance, kasi medyo malayo [yung venue]. Nervous ako kung darating ba lahat.

"Pero aside from that, wala naman na akong nervous. Pero sigurado ako, I'm gonna cry a lot."

Ang kaibigan nilang designer na si Randy Ortiz ang gagawa ng wedding gown ni Priscilla, pati na ang suit ni John.

JOHN'S CHILDREN. Tiyak din ang pagdalo ng apat na anak ni John sa una nitong asawa na si Janice de Belen.

"Apat silang pupunta. Si Yuan, siya ang magiging best man. Yung tatlong girls, sila naman yung magiging bridesmaid," banggit ni Priscilla, na talagang pinipilit magsalita ng Tagalog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ng mga babaeng anak ni John?

"They're so cute, they're so excited when they tried their dresses. They're so excited kasi alam nilang happy na kami. Alam nila na, you know, it's something that we're preparing, not only for ourselves, but what is so important is para sa buong pamilya at sa buong friends namin," sabi pa ng Brazilian beauty queen.

JOHN'S EX-WIFE. Ngayong ikakasal na sila ni John, posible bang magkausap na sila ni Janice?

"Wala kaming problema ni Janice," sabi ni Priscilla. "Pero honestly, kung kaibigan siya at hindi ako kaibigan is different from me, e.

"Ang sa akin lang naman, kung magkakausap kami, siyempre ex-wife siya ni John, parang mas maganda naman. Mas maganda, you know, para sa friendship... Maganda yung relationship nila when it comes to their kids.

"As far I know, okey naman sila [Janice at John]."

Nagkita na ba sila ni Janice?

"Oo, dalawang beses," sagot ni Priscilla.

"Yung first time sa funeral... Actually, party yun ni Tito Douglas [Quijano, John's former manager]. She approached me and sabi niya, 'Oh, my kids talk a lot about you.' And then I told her, 'Wow, they're amazing kids naman!'

"Yung second time, sa bahay ni Goma [Richard Gomez]. So, doon siya. Then, we're like in the same table. Kasi yung mga boys, nandoon sa isang lugar. Kaming mga girls nasa isang table.

"Okey naman, e, walang problema."

Ayon pa kay Priscilla, wala siyang rason para magkaroon ng masamang pagtingin kay Janice kaya pawang magaganda ang sinasabi niya sa ex-wife ng kanyang mapapangasawa.

"Kasi I have nothing against her at all. She treats me nicely naman kahit alam ko na ex siya ni John.

"Okey naman kami ng mga anak nila ni John. Masaya naman lahat. Yun ang importante, yung mga anak nila masaya rin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY TALK. Wala pa raw sa plano nina Priscilla at John ang magkaroon kaagad ng anak.

Kung si Priscilla ang masusunod, gusto niyang pagkatapos pa ng dalawang taon saka siya magbubuntis. Gusto raw muna kasi niyang i-enjoy ang pagiging mag-asawa nila ni John.

Isa pa, may mga anak naman na raw si John na malalapit naman sa kanya.

May tatlong taon pa rin daw kasi si Priscilla sa kanyang medical course na nais niyang tapusin muna.

Matatagalan pa bago maging isang doktor si Priscilla, pero desidido siyang i-practice ang kanyang pinag-aralan.

Parehong dalawa ang gustong maging anak nina Priscilla at John. Pero ang gusto ni John ay parehong lalake, samantalang si Priscilla ay isang babae at isang lalake ang pangarap niya.

JOHN'S REPUTATION. Pinasinungalingan din ni Priscilla ang mga nag-aakalang ibayong pang-unawa at pagtitiis ang pinagdaanan niya sa piling ni John dahil sa diumano'y pagiging babaero ng actor-TV host.

Mula raw nang maging magkasintahan sila hanggang ngayon ay naging mapagmahal at maasikaso si John sa kanya.

Gaya ng normal na magkasintahan, may mga isyu rin silang pinagtatalunan. Pero sa kabuuan ay normal lang daw ang kanilang pagsasama ni John.

"John is a nice person. Alam n'yo na ang gusto niya, sa bahay lang. Ako rin, gusto ko talaga sa bahay lang. Hindi naman ako mahilig lalabas ng bahay.

"And alam n'yo, na ang dream ko talaga is to have a family, take care my husband and my kids. Alam 'yan ni John," sabi ni Priscilla.

Sa mga hindi raw nakakaalam, hindi lang mabait na kasintahan si John kundi gumagawa raw talaga ito ng paraan para patuloy na maging maayos ang kanilang pagsasama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN