Dingdong Dantes and Marian Rivera on engagement rumor: "Hindi pa talaga."

"Ang masasabi ko lang, manggagaling sa akin ang mga importanteng bagay na 'yan. And siguro, I will hold a decent interview for that and definitely you'll know," says Dingdong Dantes on persistent rumors about his alleged engagement to Marian Rivera.


Naudlot ang pagse-celebrate ng Valentine's Day sa Hong Kong ng magkasintahang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Ayon sa report ng Showbiz Central noong Linggo, February 13, lumipad ang real-life couple patungong Hong Kong noong Biyernes, February 11, para doon sana mag-celebrate ng Valentine's.

But instead of flying back to Manila yesterday, February 14, which was their original plan, kinailangang bumalik agad nina Dingdong at Marian sa bansa noong Sabado, February 12.

Kinailangang bumalik ni Marian agad sa Pilipinas dahil sa production number ni Lovi Poe sa Party Pilipinas noong Linggo, February 13.

Nag-celebrate kasi ng kanyang birthday si Lovi sa programa at isa si Marian sa naging special guests niya, along with Ogie Alcasid and Solenn Heussaff, mga "kapatid" niya sa kanilang manager na si Leo Dominguez.

Magkasama sina Marian at Lovi sa sitcom na Show Me Da Manny.

"Andun ako bilang ate niya ako, at ako yung mga pinagsasabihan niya ng mga lahat ng gusto niyang sabihin, at andito ako bilang ate niya. So, sabi ko, importante namang mauwian ko yung bata," pahayag ni Marian.

Ayon naman kay Dingdong, "Kung ano yung kailangang gawin... And hindi naman talaga 'yon yung Valentine's plan..."

Maging si Dingdong ay may production number din sa Party Pilipinas noong Linggo with Ogie.

Ano ang ginawa nila sa isang araw nilang bakasyon sa Hong Kong?

Sabi ni Marian, "As in wala, nag-enjoy lang, kumain lang, at naggala. Iyon lang talaga."

Ayon naman kay Dingdong, "Wala masyado. Kasi yung mga pinuntahan namin, 'yon lang talaga yun. Enjoy talaga, e, [kahit] sobrang konti ng oras.

"May isang lugar lang talaga na specifically na gusto naming puntahan, which we did, and we spent almost the whole day there. So, para kaming mga bata na sobrang enjoy na enjoy. So, 'yon na yun."

SECRET ENGAGEMENT. Bukod sa napurnadang Valentine trip nila, isang malaking isyu rin ngayon ang kinakaharap nina Dingdong at Marian dahil sa patuloy na usap-usapan tungkol sa diumano'y lihim na engagement nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa interview ni John "Sweet" Lapus kay Marian sa Showbiz Central two weeks ago, naitanong sa aktres ang tungkol dito.

Nilinaw ni Marian during the interview na ang suot niyang singsing ay hindi engagement ring. Siya raw ang bumili nito at hindi pa sila engaged ni Dingdong.

But despite Marian's answer, hindi pa rin namatay ang isyu.

Lumabas naman noong February 9 sa column ni Ricky Lo sa Philippine Star ang umano'y posibilidad na engaged na raw ang dalawa.

Napansin daw kasi ng veteran columnist ang kakaibang sweetness nina Marian at Dingdong sa isang birthday party last February 6, na magka-holding hands pa rin habang nagdi-dinner.

Kapansin-pansin daw kasi ang isang singsing na suot ni Marian na pilit umano nitong itinatago sa tuwing kukunan sila ng picture ni Dingdong.

Paliwanag naman ni Marian, "Pilit kong itinatago? Hindi ko naman itatago. Pag meron talaga, ipapakita ko, kaso wala naman talaga. Lahat ng sinusuot ko, akin.

"Siyempre, bilang babae, dapat hindi itinatago yun, pero wala talaga. Enjoy lang muna kami."

Sabi naman ni Dingdong, "Hindi ko rin naman masisisi na may ganung klaseng speculations... It's not a bad thing, naiintindihan ko rin.

"Kasi, nangungulekta naman talaga siya [Marian] ng mga singsing, di ba? I mean, for personal use. Nagkataon siguro na nakitaan ng ibang interpretasyon, pero hindi...

"Ang masasabi ko lang, manggagaling sa akin ang mga importanteng bagay na 'yan. And siguro, I will hold a decent interview for that and definitely you'll know.

"Ito ay isang bagay na maganda na hindi mo dapat itago kahit ano pa. Pero kailangan lang ng konting clarification just so not to also preempt things that, you know, are not really there yet and para din, you know, just to be sure para sa kanya."

Pero at this point in their relationship, napag-uusapan na ba nina Dingdong at Marian ang tungkol sa pagpapakasal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Marian, "Palagi kong sinasabi, at kahit si Dingdong din naman, sabi niya din na hindi kami maglilihim kung if ever na mangyari yun. Na kapag dumating yung pagkakataon na yun, sasabihin talaga namin. Kaso, hindi pa talaga. Nag-e-enjoy pa kami sa kung anong meron kami."

Dugtong naman ni Dingdong, "May tamang panahon para diyan, e. For now, there are a lot of things that we have to settle and talk about first and I think that time will come."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN