Kean Cipriano and his Callalily band sign contract with Viva; movie with Vice Ganda is among planned projects

Present at the contract signing this afternoon, February 15, were Kean Cipriano and his bandmates in Callalily, their manager Darwin Hernandez (extreme left) and Veronique del Rosario of Viva (extreme right).

Also present was Tutti Caringal of the band 6Cycle Mind (third from left), who also signed a contract with Viva.


Kaninang tanghali, February 15, ay pumirma ng co-management contract sa Viva Artists Agency ang bandang Callalily sa opisina ng Viva sa Pasig City. Kasama nila ang manager nila na si Darwin Hernandez, na nagmula sa Soupstar Entertainment.

Ayon sa bokalista ng grupo na si Kean Cipriano, ang kontrata sa Viva ang magbubukas ng pinto sa mundo ng showbiz para sa banda.

Isa kasi sa mga project na naka-line up na para sa Callalily ay ang isang pelikula, kasama ang komedyanteng si Vice Ganda.

Nakita na ng mga manonood ang kakayahan ni Kean sa pag-arte dahil sa role nito sa BFGF ng TV5. Kaya naman tinanong ng press si Kean kung marunong ding umarte ang mga kasama niya sa banda.

"Maarte din kasi sila, e. I mean, umaarte din sila," pabirong sagot ng singer-actor.

Dagdag niya, excited ang buong band na makagawa ng pelikula under Viva.

"Kasi magkakasama kami," sabi ni Kean. "Pag kami naman nina Vice, excited kami na magkakasama sa lahat. Nagkaroon kami ng series of tours dati. Tapos, masasaya lang kami, kami nina Vhong. Pag may show siya, masaya kami na magkakasama kami. Tapos itong movie, kaya mas masaya."

RELATIONSHIP WITH VICE. Naintriga naman ang press kung ano ang magiging role nina Kean at Vice Ganda sa pelikula. May love angle kayang magaganap?

"Secret," mabilis na sagot ni Kean.

Follow-up ng press, papayag ba si Kean kung sakaling may kissing scene with Vice Ganda?

Hindi nakasagot nang diretso si Kean. Aniya, "Okay lang, kasi, ano 'yan, e, a, wala, yun yun, e. Di ba? Wala namang, di ba, wala namang... As long you have respect for the person, it's fine."

Pagpapatuloy niya, malapit daw silang magkaibigan ni Vice. Magkasama pa nga raw sila kahapon, Araw ng mga Puso.

"May show si Vice sa Metro Bar, tapos we were there na masaya lang. Maraming tao. Guest ako... Maganda 'yan. Valentine's nga, e, magkasama kami ni Vice, e, kahapon. Marami namang lalaki 'yan, e, pero masaya ako na ano, magkasama kami. Alam mo 'yon?" sabi ni Kean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ibinigay ba siya kay Vice Ganda?

"Binigyan ko siya ng flowers, pero yung flowers na ibinigay ko sa kanya, kasama yung nagbebenta," biro ni Kean.

Aniya, white roses ang ibinigay niyang mga bulaklak kay Vice, simbulo ng "pure" nilang pagkakaibigan.

RELATIONSHIP WITH ALEX GONZAGA. Itinanong din ng press kung kumusta na si Kean at si Alex Gonzaga, na kapareha nito sa BFGF.

Sagot ni Kean, hindi sila nagkikita ni Alex dahil abalang-abala ang young actress sa taping ng Babaeng Hampaslupa. Hindi niya rin daw alam kung may follow-up project sila ni Alex.

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya sa mga naging tagahanga ng kanilang love team.

"I appreciate yung mga fans na sumusuporta sa team-up naman ni Alex," sabi nito. "I love them. I don't know them personally, but I love them.

"Yun nga lang, kahit walang project na magkasama kami ni Alex, hanggang ngayon, nararamdaman ko naman sila. And thankful ako dahil kung wala sila, hindi rin naman magwo-work yung ginawa namin."

Sino ba ang mas mahal ni Kean: si Alex o si Vice?

"Walang ganun. Para mo akong tinanong kung sino ang mas mahal ko, mommy ko o daddy ko. It's hard to answer," pag-iwas ng singer-turned-actor.

GOING SOLO? Bukod sa pelikula ay may iba pa raw na project si Kean sa TV5, tulad ng isa variety show na pinaplano na sa ngayon.

Kaya naman hindi pa rin matigil-tigil ang isyung tila iiwanan na ni Kean ang kanyang banda at magsosolo na ito.

Itinanggi ito ni Kean. Aniya, "I'm gonna do a solo thing, pero you know what's weird? Kasi kasama ko rin sila dun. It's a surprise, pero kasama sila dun."

Hindi niya rin daw iiwan ang music career para sa pag-arte.

"Music is the air I breathe. Alam mo 'yon? They're family. Kaya kung anuman ang ginagawa ko, ginagawa namin na iba, ano yun, e, parte siya ng libro ng Callalily. Na dumaan kami dun, or gagawin namin yun, or ginagawa namin siya. As long as we're happy with what we're doing, okay lang kami dun. Pero we'll never ever gonna give up music," pahayag ni Kean.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN