Toni Gonzaga will do a movie with Eugene Domingo after aborted team-up with Vic Sotto

"Hindi naman ako nanghihinayang o nalulungkot, kasi hindi tayo dapat manghinayang sa mga bagay na hindi natutuloy. Kasi ibig sabihin nun, may ibang nilaan ang Diyos para sa atin," says Toni Gonzaga about her aborted movie with Vic Sotto.


Pagkatapos ng tagumpay sa takilya ng My Amnesia Girl, na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga, nabalita na ang follow-up movie ni Toni sa Star Cinema ay pagtatambalan nila ng sikat na comedian na si Vic Sotto.

Pero biglang-bigla ay hindi na tuloy ang pagsasama nina Vic at Toni sa pelikula. Ito ay dahil sa pagtanggap ni Toni sa bagong noontime show ng ABS-CBN, Happy, Yipee, Yeheey!, na katapat ng noontime program ni Vic sa GMA-7, ang Eat Bulaga!.

Sa launching ng Happy, Yipee, Yehey! last Saturday sa Ynares Sports Arena sa Pasig City, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Toni kung hindi ba siya nalungkot o nanghinayang man lang sa pelikulang pagsasamahan sana nila ng isa sa tinitingala sa larangan ng comedy.

"Hindi naman ako nanghihinayang o nalulungkot, kasi hindi tayo dapat manghinayang sa mga bagay na hindi natutuloy. Kasi ibig sabihin nun, may ibang nilaan ang Diyos para sa atin.

"Saka ang saya-saya ko dito sa Happy, Yipee, Yehey!, maraming magagandang blessings na dumating. So, imbes na mag-focus sa mga bagay na hindi natuloy, dun na lang tayo sa mga nandiyan na at natuloy," sabi niya.

Ang pumalit kay Toni bilang leading lady ni Bossing ay si Bea Alonzo. Ano ang reaksiyon niya na si Bea ang pumalit sa kanya sa pelikula?

"Bea is a good actress. Deserving siya sa lahat ng mga blessings niya at happy ako na siya ang pumalit. Bagay na bagay sa kanya yung role 'saka magaling talagang artista si Bea," sagot ni Toni.

Kung hindi man natuloy ang pelikula niya with Vic, isang pelikula naman kasama si Eugene Domingo ang gagawin ni Toni.

"Kasama ko si Ate Uge. It's one whole comedy film, so riot talaga. Under Star Cinema, and I'm really looking forward and excited to work with her," sambit ng TV host-actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ROBIN PADILLA. Guest noong Sabado sa Happy, Yipee, Yeheey! si Robin, na asawa na ngayon ng co-host ni Toni na si Mariel Rodriguez.

Tinanong ng PEP si Toni kung nagkaroon ba ng pagkakataon na nagkabatian sila ng aktor. Matatandaang hindi natuloy ang pelikulang pagsasamahan nina Toni at Robin, na naging dahilan din ng tampuhan ni Toni at ni Mariel.

"Oo, nagkabatian naman kami after few months ng di pagkikita. Bumati siya sa akin, bumati din naman ako sa kanya. Magalang naman," banggit ni Toni.

Bukas pa ba siyang magkatrabaho sila sa isang proyekto sa hinaharap?

"Mahirap magsalita ng tapos," sagot ng TV host-actress. "Tingnan natin kung ano ang mangyayari in the future. Ako naman, I'm open to working with anybody."

REUNION. Naging emosyunal naman ang pagsasama nina Toni, Mariel, at Bianca Gonzales sa isang production number ng Happy, Yipee, Yeheey! noong Sabado. Co-hosts sina Toni at Mariel sa programa, samantalang special guest naman si Bianca.

Aminado si Toni na nanibago siya at na-miss niya ang pagsasama nilang tatlo sa iisang stage.

"First time on stage. Nakakapanibago, nakaka-overwhelm, nakaka-miss yung pakiramdam na kasama ko yung dalawa kong kaibigan. Masarap lang sa pakiramdam na masaya ang lahat," sabi ni Toni tungkol sa kanilang "reunion."

ALEX AND KEAN. Guest din noong Sabado ang lead vocalist ng Callalily na si Kean Cipriano. Totoo bang nasaktan ang kapatid ni Toni na si Alex Gonzaga dahil natuklasan nitong may non-showbiz girlfriend daw si Kean Cipriano habang nanliligaw ito sa kanya?

"Wala akong tampo sa kanya [Kean], binati niya ako kanina. Ako naman, hindi ako namemersonal, trabaho lang naman ang lahat.

"Kung anuman ang ginawa niya sa kapatid ko, kung anuman ang nangyari sa kanila, wala naman ako dun.

"Ang sa akin lang, sinabihan ko ang kapatid ko na ang sarili niya, dapat lagi niyang pinoprotektahan. Dapat lagi niyang gina-guard ang puso niya sa mga taong makikilala niya," saad ni Toni.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN