Keempee de Leon to play "dual" role in the TV return of Iskul Bukol

Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg">

Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg">

For Keempee de Leon, nobody can replace the Iskul Bukol characters Tito and Joey Escalera. These characters were played by Tito Sotto and Keempee's dad Joey de Leon, respectively. "Yung Joey at Tito Escalera, nakatali na sa dalawa yun, e. Wala nang makakapalit pa dun... Maski ako, anak na nga ako, nagampanan ko man yun na younger version ng Escalera, iba pa rin yung Joey saka Tito, e. Sila yung unang-una at talagang nakatatak na sa kanila yun," h


Muling magbabalik sa telebisyon ang classic campus life comedy na nagpasikat noon sa comedy trio nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon—ang Iskul Bukol.

Pero sa pagkakataong ito, iba na talaga ang mga characters sa show. Wala nang Escalera Brothers, Ungasis, Ms.Tapia, o kahit na kamag-anak man lang ng mga ito, tulad ng lumabas na Toti at Widyo Sietepares na mga pamangkin nina Tito at Joey Escalera sa Iskul Bukol Book 2 (1989-90).

Sa story conference na ginanap noong February 14 sa TAPE Studio sa Central Business District Park, Pasig City, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga miyembro ng cast na si Keempee de Leon kung talagang ibang-iba na ang bagong Iskul Bukol sa show noon na nagpasikat sa kanyang ama at mga kaibigan nito.

"Medyo iniba namin ngayon," sagot ni Keempee, na gumanap bilang Widyo Sietepares noon sa Iskul Bukol Book 2. "Kasi kung ano yung mga uso ngayon... ang na-maintain is the Wanbol University.

"As for the characters, iba na talaga lahat. Mga bata na 'to. Na medyo halo ng Iskul Bukol, na Glee pero minus the singing, na How I Met Your Mother. Yung mga sitcoms sa States na medyo minix-up namin para sa panlasa ng tao."

IRREPLACEABLE ESCALERAS. Para rin kay Keempee, mahirap nang gumawa pa ng panibagong Joey at Tito Escalera.

"Yung Joey at Tito Escalera, nakatali na sa dalawa yun, e [Joey de Leon at Tito Sotto]. Wala nang makakapalit pa dun. In-explain na rin naman sa kanila [cast] yun nina Direk [Soxie Topacio at Dante Nico Garcia].

"Maski ako, anak na nga ako, nagampanan ko man yun na younger version ng Escalera, iba pa rin yung Joey saka Tito, e. Sila yung unang-una at talagang nakatatak na sa kanila yun."

Sino nga ba ang makakalimot sa mga pinausong salita nina Joey at Tito bilang bad boys ng Wanbol University na Escalera Brothers sa Iskul Bukol?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinauso nina Joey at Tito ang mga salitang tulad ng "palpak," "atse-tse-tse" at ang "Cha-cha Buena" dance step. Ginagaya ng mga kabataan noon ang hairstyle ni Joey at ang pagsusuot ng trucker caps, statement shirts, Jaworski basketball jerseys, at magkakaibang kulay na Converse Chuck Taylor shoes.

Pero positibo si Keempee na kaya ring makagawa ng sari-sarili nilang mga tatak ang bagong henerasyon ng Wanbol University students sa Archangel Media, Inc.-produced show na ito para sa TV5.

"Nasa tao na rin 'yan, e. Nasa paano mo ide-deliver yung lines mo, kung paano mo gagawin," sabi niya.

GAY AS USUAL. Kung bad boy na pamangkin ng mga Escalera ang papel ni Keempee noon sa Iskul Bukol Book 2, sa bagong Iskul Bukol naman ay "dual" daw ang character niya.

"As usual, kailangan ng mga 'neutral.' Ako yung isa sa mga anak nung dean ng university na maporma, na dual character, like before na 'closet.'"

"Closet" na ang ibig sabihin ay tagong-gay person na naman ang papel ni Keempee.

"Nagtataka yung ibang mga lalaki kung bakit sila, nag-e-effort pa, samantalang ako, maporma di naman ume-effort, pero lapitin ng mga babae. Hindi nila alam, mga kabarkada ko yung mga babae na alam yung totoong pagkatao ko.

"Kailangan nga tago kasi masisira yung kredibilidad nung dean kung malalaman na bading yung anak niya," kuwento pa ni Keempee tungkol sa role niya as Wacky.

Sa kanyang gay characters talaga mabiling-mabili si Keempee na nagsimulang pumatok sa televiewers nung gampanan niya ang Harold character niya sa sitcom na Bahay Mo Ba 'To? (2005-2006) ng GMA-7.

Sunud-sunod na gay characters tuloy ang dumating sa kanya na pawang patok din sa mga manonood ("Gary" in Lalola, 2008; "Harold" in Kung Ako Ikaw; "Paul" in All About Eve, 2009; "Von" in My Driver Sweet Lover, 2010).

Aminado ang 38-year-old na actor na wala na rin naman siyang choice kung doon siya mas nagugustuhan ng mga tao. Trabaho pa rin naman daw kasi ang mga roles na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At kung galing din naman sa pag-arte ang pag-uusapan, may Best Drama Actor award na rin naman si Keempee noon sa Star Awards for TV para sa kanyang pagganap sa Villa Quintana (1995).

Kaya nga obserbasyon ng karamihan, hindi nababakante si Keempee sa TV5 dahil kinikilala ng istasyon ang galing ni Keempee sa pagganap.

Tinanong tuloy ng PEP ang panganay na lalaki ni Joey de Leon kung nag-alok na ba sa kanya ang Singko ng kontrata para maging exclusive na talent nito.

"Wala pa. As of now, wala pa. Pero why not? Trabaho 'yan, e. Pero of course, siyempre, yung manager ko na ang bahala riyan. Sila na yung makikipag-usap diyan.

"Pero mas maganda pa rin siguro yung non-exclusive ka. At least you could work anywhere, at least open ka sa lahat," sabi ni Keempee.

Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg">


Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg"> Iskul Bukol" data-url="https://www.pep.ph/news/28323/keempee-de-leon-to-play-dual-role-in-the-tv-return-of-iskul-bukol" data-desc="The actor says Joey and Tito Escalera, the characters played by his dad Joey de Leon and Tito Sotto in Iskul Bukol, are irreplaceable." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/77062a7b2.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN