Beauty queen Danielle Castaño joins Iskul Bukol cast; recalls defending Janina San Miguel against critics

Former Binibining Pilipinas-World Danielle Castaño had to audition first for her to clinch a spot in the modern remake of the iconic comedy sitcom Iskul Bukol.


Add former Bb. Pilipinas-World Danielle Castaño to the growing list of beauty queens who have decided to join show business.

Isa kasi si Danielle sa napiling cast members na magbibigay kulay sa remake ng Iskul Bukol—ang popular sitcom na pinagbidahan noon nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon at napanood sa IBC-13.

Kumpleto ang lead cast ng programa sa story conference na ginanap last Monday, February 14, sa TAPE Studios sa Central Business District sa Manggahan, Pasig City.

"Actually matagal na 'to, e. I auditioned, I think it was May or June of last year. But I went to the States ulit kasi dun yung family ko, e. Pagbalik ko dito tinawagan ako, sabi, "We want to talk to you. We have a meeting,'" kuwento ni Danielle sa PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng story conference.

"So I went and then they told me that I'm gonna be one of the characters. Siyempre I was so happy naman kasi they gave me an opportunity like this. Kahit na nagsisimula pa lang ako, at least nabigyan ako ng role na ganito. And siyempre, gagawin ko lahat ng makakaya ko para mapaganda itong sitcom."

ACTING EXPERIENCE. Meron na rin namang previous acting experience si Danielle kaya hindi masasabi na unang salang niya bilang aktres ang upcoming TV5 sitcom na mapapanood simula sa Mayo.

Ginampanan ni Danielle ang papel ni Gregoria de Jesus sa pelikulang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio na naging kalahok sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong nakaraang taon.

Nag-audition din si Danielle para masungkit ang papel ng bayaning si Gregoria de Jesus, na siyang maybahay ng Katipunerong si Andres Bonifacio.

Sinasabing si Angel Locsin ang original choice para sa role subalit hindi ito natuloy kaya nagpatawag ng audition ang direktor na si Mario O' Hara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din ng minor role si Danielle sa comedy film na LOL: Love On Line na pinagbidahan naman ni Vic Sotto at Paula Taylor noong 2009.

May participation din si Danielle bilang amazona sa 2010 Metro Manila Film Festival blockbuster entry na Si Agimat at Si Enteng.

Nakakatuwa namang isipin na ang ina ni Danielle na si Eppie Muriel ay nag-guest dati sa original Iskul Bukol.

"Well, I don't remember seeing the episode!" natatawang sambit ni Danielle.

Dagdag niya, "I've watched some of the clips kasi kanina pinakita. Siyempre, kakapanganak ko pa nga lang yata nun nung pinapalabas 'yong show, so hindi pa ko masyadong familiar. But as much as I can, gusto ko maging familiar talaga sa show and pag-aaralan ko talaga 'yong script."

REPLACING JANINA. Unang nakilala si Danielle ng publiko noong sumali siya sa Binibining Pilipinas noong 2008.

Isa si Danielle sa itinuring na crowd favorite during the pageant at naging matagumpay naman ang kampanya niya matapos na mag-uwi siya ng limang awards from the major sponsors at itanghal na 1st Runner-up.

Naging pambato ng Pilipinas si Danielle para sa Miss World na ginanap sa Johannesburg, South Africa matapos na mag-resign ang original title holder na si Janina San Miguel noong September 2008. (CLICK HERE to read related article.)

Nilinaw ni Danielle na magkaibigan sila ni Janina at nararamdaman niya na hindi naman nagtampo ang controversial beauty queen sa kanya nang maatasan siyang kumatawan sa bansa.

"I talk to her every time I see her... We're friends naman," sabi ni Danielle.

"Actually, nung pinalitan ko siya, hindi ko siya nakakausap. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.

"But they dethroned her because hindi niya magampanan 'yong responsibilities ng position niya—'yon ang sabi ni Ms. [Stella Marquez] Araneta. Ewan ko lang kung anong sabi ng press!" tawa ni Danielle.

Hiningi namin ang personal na opinyon ni Danielle kaugnay sa batikos na inani ni Janina matapos maging katawa-tawa dahil sa nerbiyos ang kanyang naging pagsagot sa question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The thing is, she's getting a lot of criticisms from people. Never ko talaga siyang nakausap and the only chance na napaabot ko 'yong message ko sa kanya is through Showbiz Central.

"In-interview ako ni Pia Guanio. Kasi she asked me kung ano 'yong message na gusto ko ipaabot kay Janina, and I said, like sana 'yong mga tao who are criticizing her, tigilan na nila kasi they don't know what Janina is going through.

"And let's just be happy for her, and pray for her, and wish her all the best," tugon ni Danielle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN