Mo Twister reacts to Ogie Diaz's blind item about "segment host" who was supposedly kicked out by a "TV host" from their show

"I'll just say that there's a lot of blind items that are false, made up. Obviously with Ogie, it's made up—that is kung ako nga yung tinutukoy," says Mo Twister about Ogie Diaz's blind item.


May mainit na sagutan na nagaganap ngayon sa Twitter sa pagitan ng radio and TV host na si Mo Twister at ng TV/radio host-talent manager na si Ogie Diaz.

Apparently, nagsimula ang lahat sa isinulat na blind item ni Ogie sa kanyang blog (ogiediaz.blogspot) kahapon, February 16, na may titulong "Ako, tsimoso?"

Ang blind item ay tungkol sa isang segment host na tinanggal diumano ng TV host sa kanilang programa dahil naasar ang huli sa sinabi ng una na "masarap siyang kaibigan, pero mahirap katrabaho."

Narito ang kabuuan ng blind item ni Ogie sa kanyang blog:

"Sino ang nagsabi nito: "Masarap kaibigan si ...(TV host), pero ang hirap niyang katrabaho!"

"Nakarating ito sa kontrobersyal na tv host, kaya ang naging desisyon nito: pagpahingahin ang segment host.

"Kaya ang alibi nito ngayon eh nagiging masasakitin siya lately, kaya magpapahinga muna siya sa show.

"Pero ang totoo, according to my source, na-offend at naasar sa segment host ang main tv host, kaya tsugi siya sa show nito.

"Kung mapapansin n'yo, ang sabi ko, source. Hindi ko sinabing 'reliable source,' dahil malay ko naman kung hindi ganito eksakto ang kuwento, mahirap na, di ba?

"O, at least, me benefit of the doubt ako. Hindi ko agad-agad pinapaniwalaan ang nakakarating sa akin, dahil una, wala ako doon.

"Pangalawa, malay ko ba kung iba ang dahilan, hindi pala itong nakarating na kuwento sa akin, di ba? Kasi, ang alam ko talaga, nagiging sickly ang segment host sa dami ng raket.

"Pero taklesa rin kasi siya, eh. Akala niya siguro, hindi makakarating 'yon ke kuya.

"Okay. Sana naman, okay ang naging paghihiwalay nila. At kung ito man ay totoo, sana ay may natutunan si segment host kung siya man ay nakapagdayalog nito.

"Mahulaan n'yo kaya ito?

"O, KAYO NAMAN. Baka meron kayong na-encounter na artista na may masamang inugali o pangit ang naging experience n'yo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Wag madamot. Kung juicy naman 'yan, i-share mo na!"

TWITTER WAR. Bagamat walang gaanong clues na ibinigay ni Ogie sa kanyang blind item, naniniwala ang marami na ang tinutukoy niya ay si Mo Twister.

Nabalita rito sa PEP kamakailan ang pagpapaalam pansamantala ni Mo sa TV5 variety program na Willing Willie dahil sa madalas niyang pagkakasakit. (CLICK HERE to read related story.)

Simula noong Lunes ay hindi na napapanood si Mo sa programa ni Willie Revillame.

Kaninang hapon, February 17, ay tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mo sa telepono upang kunin ang reaksiyon sa blind item ni Ogie.

Aniya, since it's a blind item, hindi dapat siya mag-assume na siya ang tinutukoy ni Ogie.

Kung siya man daw ang subject ng blind item, ani Mo, "I'll just say that there's a lot of blind items that are false, made up. Obviously with Ogie, it's made up—that is kung ako nga yung tinutukoy.

"The reason why I said it's made up, kung ako kasi yun, madali namang ma-prove. Puwedeng itanong sa lahat ng staff, they would know what happened. They would know kung ano ang totoo at masasabi nila if it's true or not."

Pero pagkatapos ng interview namin sa kanya ay naglabas din si Mo ng sarili niyang "blind item" sa kanyang Twitter account.

Narito ang kabuuan ng "blind item" ni Mo:

"Oh! Let's play the blind item game then! Sino 'tong showbiz personality/annoying reporter na tumakbong city councilor ng isang malaking city dito sa metro manila nung nakaraang elections. at isang araw, nakita ni reporter ang isang engliserong radio/tv host sa publiko, humingi siya ng tulong kay radio/tv host na kausapin ang isang senador na kaibigan ni radio/tv host para makakuha ng pera na halagang P500k pesos! pero diumano, binulong kay radio/tv host na wala naman siyang intensyon gamitin yung pera para sa campaign o para sa district niya. sa totoo daw, kailangan yung pera para sa downpayment ng isang bagong Honda Jazz for personal use ng reporter. Na-shock si radio/tv host at siyempre hindi na niya linapitan yung senador dahil sa masamang intensyon ng showbiz parasite na 'to. OH GEE, what a revelation!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ngayon ang nagtatanong kung si Ogie Diaz ba ang tinutukoy ni Mo sa blind item niyang ito. Base sa clues na ibinigay niya, tila ang Entertainment Live host nga ang pinatutungkulan ng Paparazzi host.

Tila nakumpirma na ang isa't isa nga ang tinutukoy nila sa kanilang blind items nang nagpasaring sina Ogie at Mo sa kanilang Twitter accounts.

Narito ang ilang entries nila:

Ogie: "Sa pagba-blind item, pag di ka sure, me benefit of the doubt. Pero pag gusto mong sirain yung tao, magpaka-'scientist' ka."

Mo: "The score so far is Gumatay:1, Asshole:0" (Ang tunay na pangalan ni Mo ay Mohan Gumatay)

Ogie: "kaya ko ring mag-imbento ng blind item para sirain ang isang tao, pero hindi ko kaya ang ginagawa ng iba, kaya pasensiya na po."

Mo: "I love how certain people now give "rules" to classless things, thinking their way advances society somehow. The commandments of idiots."

Ogie: "salamat sa mga naniniwala. sa naaapektuhan naman, naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo. ang importante, alam mo ang totoo. Mowah!"

Mo: "Wow, only losers RT their own tweet."

Ogie: wag maapektuhan kung hindi totoo. harapin ang isyu kung hindi totoo. ndi kinaya, ayun, para makaganti, nag-imbento. Mowah!!"


LEAVE OR RESIGN. Sa interview ng PEP kay Mo ay nilinaw niyang hindi siya nag-resign o tinanggal sa Willing Willie. Magpapahinga lang daw siya.

Aniya, "As you know, I have four shows a day. I have a morning show on the radio [Magic 89.9 DWTM-FM], Juicy and Willing Willie, parehong daily, at yung radio show ko sa gabi, at kapag Sunday, yung Paparazzi naman.

"And I'm a DJ, kailangan ko talaga yung boses ko. Hindi naman ako matinee idol na puwedeng tatayo-tayo lang.

"Hindi naman yung sakit talaga, but yun nga, yung boses ko minsan nawawala. So, my doctor advised me that I have to take a break."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ng radio-TV host, hindi naman daw siya puwedeng mag-break sa radio shows niya kunsaan sampung taon daw ang kontrata niya rito. Ang Juicy naman ay hindi naman nila tine-tape every day at ang Paparazzi ay tuwing Linggo lang. Kaya sa Willing Willie lang na daily show niya naisipang magpaalam.

Dapat sana ay magre-resign siya, pero hindi raw siya pinayagan ni Willie.

"I don't know actually if I'll gonna resign. But when I told that to Kuya Willie, siya yung nagsabi na, 'Huwag ka nang mag-resign, mag-break ka na lang. Mag-leave.'

"Ang bait talaga ni Kuya Willie. Sinasabi niya nga sa show, we're family. So, kung kailan ko raw gustong bumalik, bumalik ako.

Sabi pa ni Mo, si Willie rin daw ang may gusto na kung hahanap ng pansamantalang kapalit niya as segment host, siya na rin ang mag-recommend ng gusto niyang pumalit sa kanya.

"Gusto niya, ako ang mag-name ng replacement. Kasi nga raw, segment ko yun. So, ako yung magsabi kung sino ang gusto ko. You see, ibang klase, he's really mabait.

"It's not that I am big, big star sa show. Kung mawala ako, okay lang. It's not like kung si Willie Revillame ang mawawala sa show, wala na. Pero he made you feel na importante ka, even if it's Willie's show.

"So, I said, I'll take a break. At sinabi rin naman ni Willie kahit noong umpisa pa lang, 'Forever ka rito. Hangga't may show, nandito ka.'"

Marami na raw ang nagtatanong sa kanya kung kailan siya babalik sa Willing Willie simula nang mag-leave siya sa show last Monday.

"It's only this week, Monday, so four days pa lang. I really don't know kung kailan ako babalik. Maybe after two weeks, month... hindi ko pa talaga masabi.

"But you know, it's really nice to be part of the great team. Now I know kung bakit noong nawala si Willie sa ABS-CBN, ang daming umiiyak na staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit maliit na artista ako, he made me feel that I'm a big part of the program."

Sa ngayon, ayon kay Mo, si Sugar Mercado ang nakikita niyang puwedeng pumalit sa kanya.

"It's a running joke on the show. Kung may matatanggal, si Sugar ang kapalit. And she's very funny," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN