Lady Gaga recognizes 10-year-old Pinay's singing talent on YouTube: "She is the future"

"I love music that settles in the beginning but then BAM! Stuff makes you nod, and gets you dancing, you know? I love Michael Jackson so much. What's weird is that I never officially sang one of his songs. I was into music when I saw Beyonce. She's cool. And if you want to know, my first CD or tape was Barney of Raffi. I forget which was first, but yeah. Music is me. So me," says 10-year-old Maria Aragon on her YouTube page.


Isa na namang Pilipino ang gumagawa ng ingay sa Internet at sa music industry.



Ito ay si Maria Aragon, isang 10-year-old Canadian-Filipina, na nagpo-post sa YouTube ng kanyang mga performance ng ilang popular na awitin.



Si Maria ay naka-base sa Winnipeg, Canada. Ayon sa kanyang YouTube page (@rojuanearagon), parehong Pilipino ang kanyang mga magulang. Sa Canada na raw siya ipinanganak.



Nakilala ang pangalan ni Maria dahil sa pagkadiskubre sa kanya ng international recording artist na si Lady Gaga kagabi, February 17.



Napanood kasi ni Lady Gaga ang performance ni Maria ng kanyang bagong kantang "Born This Way." Dahil dito, ay sinulat niya sa kanyang Twitter account (@ladygaga) ang mga katagang "Can't stop crying watching this. This is why I make music. She is the future."



Kasama sa tweet ni Lady Gaga ang link sa video ng performance ni Maria. Mahigit walong milyong katao ang followers ni Lady Gaga sa Twitter, kaya naman mabilis na kumalat ang impormasyon tungkol sa video ni Maria.



Pinuri ng mga YouTube commenters ang magandang boses ni Maria, at ang galing nito sa pagtugtog ng piano.



Marami rin ang nagsasabing may pagkakataon si Maria na makilala, at pasikatin, ni Lady Gaga.



Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na tumataas ang hits ng video na ito sa YouTube. Sa records ng video-sharing website, No. 1 na ang video sa kategoryang Most Viewed (Today) - Canada, at Most Viewed (Today) - Musicians - Canada.



Samantala, No. 5 naman ito sa mga kategoryang Most Viewed (Today), at number two sa Most Viewed (Today) - Musicians.



Ayon sa impormasyon na nasa YouTube page ng batang singer, hilig niya raw ang pagkanta at pagguhit. Hindi rin siya gumagamit ng chords, at tumutugtog siya ng instrumento base sa kanyang pandinig.



Bukod kay Lady Gaga, kasama rin sa mga artist na nakaimpluwensiya sa kanya sina Michael Jackson, Beyonce, Alicia Keys, at ang classical pianist na si Yiruma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Matatandaang sa YouTube din na-discover ang teen sensation na si Justin Bieber noong 2008.


CLICK HERE to watch Maria's video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN