Kris Bernal reunites with screen partner Aljur Abrenica as she joins the cast of Machete

"Marami na ring excited na mapanood ulit kami na magkasama. Masayang-masaya ang AlKris fans. Ang tagal daw nilang hinintay ito," says Kris Bernal on joining the cast of Machete, which is topbilled by her perennial leading man Aljur Abrenica.


Masuwerte si Kris Bernal dahil sa pagtatapos ng kanyang pinagbibidahang afternoon series sa GMA-7, ang Koreana, ay may panibago na siyang project agad. Papasok kasi siya sa cast ng primetime series na Machete, na pinagbibidahan naman ng kanyang perennial leading man na si Aljur Abrenica.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa pamamagitan ng e-mail kahapon, February 17, sinabi niyang masaya siya sa pagpasok niya sa Machete.

Pero inamin niyang nakakaramdam din siya ng pressure dahil additional character siya sa show at parang kailangan niyang mapatunayan na makakatulong ang pagpasok niya.

Noong una raw ipaalam sa kanya na magiging part siya ng Machete ay hindi raw siya makapaniwala.

"It's the least I expected kasi buo na ang cast ng Machete. Napapanood ko lang yun, tapos ngayon makakasama na ako. Nagkatotoo yung wish ko. God is so good! Talagang with Him, nothing is impossible.

"I'm excited, at the same time kinakabahan. But most of all, I'm very thankful. Salamat talaga sa tiwala ng GMA management," pahayag niya.

Dagdag ni Kris, "I have no script yet. But I heard that I'm a rich heiress being forced by my parents to marry a powerful man, tapos makikilala ko si Machete. My first taping day will be on Monday (February 21)."

TOGETHER AGAIN. Pagkatapos paghiwalayin pansamantala ng GMA-7 ang tambalan nina Kris at Aljur ay muli na naman silang magsasama. Ano ang feeling niya na balik-tambalan sila ng ka-loveteam niya?

"Of course, very happy and excited," sagot ng young actress.

"Kulitan blues na naman kami ni Aljur. Nakaka-miss din siya ka-eksena.

"Marami na ring excited na mapanood ulit kami na magkasama. Masayang-masaya ang AlKris fans. Ang tagal daw nilang hinintay ito.

"At siyempre, it's nice also to work again with Direk Don Michael Perez, na talagang nagtiyaga sa amin ni Aljur noong nagsisimula pa lang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, masayang-masaya naman si Kris sa patuloy na mataas na rating na nakukuha ng Koreana.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN