Glaiza de Castro doesn't mind playing a supporting role in new epicserye Amaya

May mga nagsasabi na sana ay hindi tinanggap ni Glaiza de Castro ang Amaya dahil nakapagbida na siya sa Grazilda at naging top-rater iyon. Si Marian Rivera kasi ang bida sa Amaya at lalabas lang na support ulit si Glaiza rito.

"It will be my first time na makatrabaho si Marian at ipagmamalaki ko na gaganap akong kapatid niya sa series. Para sa akin, mas importante ang experience na makatrabaho s


Kasama sa malaking cast ng epicserye na Amaya ng GMA-7 si Glaiza de Castro. Gaganap siya bilang si Binayaaan, isa sa dalawang kapatid ni Amaya na ginagampanan ni Marian Rivera.

Mahirap daw tanggihan ang magandang role sa Amaya kaya tinanggap ito ng aktres. Natutuwa si Glaiza sa kanyang bagong role dahil pakakantahin siya rito. Siya kasi ang kapatid ni Amaya na may pinakamagandang boses.

May mga nagsasabi na sana ay hindi tinanggap ni Glaiza ang Amaya dahil nakapagbida na siya sa Grazilda at naging top-rater iyon. Si Marian kasi ang bida sa Amaya at lalabas lang na support ulit si Glaiza rito.

"It will be my first time na makatrabaho si Marian at ipagmamalaki ko na gaganap akong kapatid niya sa series. Para sa akin, mas importante ang experience na makatrabaho siya at pati na ang ibang artista na kasama sa bagong epicserye," ngiti pa ni Glaiza nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa story conference ng Amaya last Wednesday (February 16) sa 17th floor ng GMA Network Center.

In-assure daw ang aktres na hindi raw basta-basta ang role niya sa pinakamalaki at pinaka-expensive na primetime series ng GMA-7.

"Ayoko rin namang ma-lose ang chance na makasama sa malaking epicserye na ito," diin ni Glaiza.

"Kasi minsan lang darating ang ganitong klaseng series sa atin at gusto kong maging part ng cast. Wala namang problema sa akin kung si Marian ang bida. Si Marian Rivera naman yan kaya alam mong maganda ang kalalabasan ng project."

Kahit nakapagbida na si Glaiza sa Grazilda, hindi naman ibig sabihin no'n ay magiging choosy na siya sa mga projects. Kung ano ang dumating, basta maganda ang role ay gagawin niya.

"Never naman akong naging mapili sa mga roles na gagawin ko. Kahit anong dumating, okey lang. Basta ako, gagawin ko nang maayos ang trabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinapasalamatan ko ang GMA-7 sa pagbigay sa akin ng Grazilda. Malaki ang nabago no'n sa buhay ko. Hanggang ngayon, Grazilda pa rin ang tawag sa akin ng mga batang nakakakita sa akin," aniya.

"Kaya hindi tayo dapat maging choosy sa trabaho. Kung ano ang nandiyan, pagbutihin na lang natin para mas marami pang dumating."

Dapat ay dalawang pelikula ang gagawin muna ni Glaiza bago siya bumalik sa paggawa ng series. Pero hindi pa raw masisimulan ang mga pelikulang Aswang at Mahinhin vs Mahinhin.

"Wala pa kasi silang sinasabi kung kelan ang shooting. Gusto ko ngang mag-shooting na pero wala pa naman," diin niya.

"Ayoko namang nakatengga lang ako sa bahay o magbakasyon nang matagal. Nami-miss ko ang magtrabaho talaga. Buti na lang dumating itong Amaya kaya magiging busy na ulit ako. Sobra-sobra na ang pahinga ko kaya balik-trabaho na tayo."

May dalawang indie films na gagawin si Glaiza para sa Cinemalaya festival. Una ay ang Patikul ni Joel Lamangan, at ang pangalawa ay e-Libings ni Rommel Sales.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN