Laguna Governor ER Ejercito to star in Emilio Aguinaldo biopic

Laguna Governor ER Ejercito (left) on making the Emilio Aguinaldo biopic, El Presidente: "Sisiguruhin po natin na isang pelikula ito na maipagmamalaki natin sa global film market at pati na rin sa Hollywood. Nakakalungkot isipin na napakaraming pelikulang na-exhibit abroad tungkol sa prostitusyon, illegal gambling, corruption sa Pilipinas. Kaya ito ay isang feel-good film para maipagmalaki natin na tayo'y Filipino."


Naka-set na para sa Metro Manila Film Festival 2011 ang pelikulang El Presidente na tungkol sa buhay ni President Emilio Aguinaldo.

Ayon sa gaganap na bida rito, na si Governor ER Ejercito, 1998 pa lang daw ay sinisimulan na nilang i-conceptualized ang pelikula. So far, nakaka-20 percent na daw ang naisu-shoot nila sa movie.

"Mahaba e. Baka hindi pa tapos ang buwan ng November, post-prod pa kami. Kaya pipilitin namin bago mag-festival," ang kwento ni Governor ER.

Matagal nang nag-lie-low sa paggawa ng pelikula si Governor ER at nag-concentrate sa kanyang posisyon bilang mayor ng Pagsanjan, at ngayon naman, bilang governor ng Laguna.

Although in the last MMFF, he appeared in the movie, Si Agimat at Si Enteng Kabisote.

Kaya puwedeng sabihin na napaka-espesyal ng El Presidente sa kanya para maisipan niyang muli na gumawa ng movie.

"Gagawin namin dapat ito noong panahon ni [Pangulong] Erap [Estrada]. Kaya lang nagkaroon ng impeachment trial, nag-pull-out lahat ng investors. Ngayon, we have a pool of investors na naniniwala sa pelikula, kaya tuloy na tuloy na," aniya.

Dugtong pa niya, "More than 10 years ang paggawa ng script. We tapped the best Philippine historian sa National Historical Institute. We got all the books about Aguinaldo. We even spent a lot of money, millions of money to translate a Spanish manuscript into Tagalog and English. We tapped Direk Jose Roy Abellana, Roy Iglesia, Direk Tikoy Aguiluz, Jose Victor Reyes para maayos ang script natin.

"Sisiguruhin po natin na isang pelikula ito na maipagmamalaki natin sa global film market at pati na rin sa Hollywood. Nakakalungkot isipin na napakaraming pelikulang na-exhibit abroad tungkol sa prostitusyon, illegal gambling, corruption sa Pilipinas. Kaya ito ay isang feel-good film para maipagmalaki natin na tayo'y Filipino," ang sabi ni Governor ER.

The Laguna governor said he has the same first name as Emilio Aguinaldo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Emilio Ramon ako, e."

Kaya bata pa lang ay nandoon na raw ang paghanga at kuryosidad sa kauna-unahang Presidente ng Republika ng Pilipinas.

"Na-intriga rin ako, dahil hanggang ngayon, wala pa ring pelikula tungkol kay Aguinaldo."

Sa panahon ngayon, ano ang nakikita niyang role ni Aguinaldo?

"Isa siyang bayani na talagang mabigat ang pakikipaglaban para sa kalayaan ng demokrasya. Talagang masasabi na isa siyang survivor. After all those years, he died at the age of 95, nakapag-survive siya. Naitayo niya ang first Philippine republic, Philippine flag, national anthem, first Philippine Constitution."

INTERNATIONAL MARKET. Governor ER said they have plans to market El Presidente internationally.

"Yes, mapalad tayo because we have director Tikoy Aguiluz. Meron siyang Hollywood connection. He's a good friend of Quentin Tarantino, one of the best Hollywood directors."

May naka-lineup na rin daw silang mga film fests abroad na sasalihan ng El Presidente next year.

Aniya, "Sa tulong ni Direk Tikoy Aguiluz, palagay ko maraming parangal na matatanggap ang El Presidente."

Si Batangas Governor Vilma Santos ang ina-eye ni Governor ER na siyang gaganap na leading lady sa El Presidente. Nakausap na raw niya ito pero naghihintay pa sila ng sagot.

"I already talked to Governor Vilma Santos to play Maria Agoncillo who is also from Batangas. [Maria] is the second wife of Emilio Aguinaldo. Hinihintay ko pa ang kanyang go-signal. Mahirap ang schedule ng governor — hectic," aniya.

On the other hand, si Senator Bong Revilla, na isang Caviteño ay pangarap din daw sana na magampanan ang buhay ni Aguinaldo. Pero nagkasundo na ang dalawa na si Governor ER ang gagawa ng movie.

"Alam naman ni Senator Bong na matagal ko ng project ito. Na dream role ko ito 1998 pa. Hindi nga lang natuloy dahil sa impeachment, pero ngayon, full-circle na ang team ng El Presidente, " aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga 100 million pesos daw ang na-e-estimate niyang magiging budget ng movie.

"Initial pa lang 'yan, posible pa rin na maragdagan. So far, hindi na namin iniisip ang commercial viability ng film. Ang justification lang ay talagang napapanahon na para gawin ang pelikulang ito tungkol kay Aguinaldo."

THREE PRESIDENTS. Suportado rin daw ng dating Pangulong Joseph Estrada ang movie.

Aniya, "Si Pangulong Erap kasi, incidentally, was the centennial President. Kaya isa siya sa mag-e-endorse ng pelikula bago mag-umpisa ito. Aside from Pangulong Erap, si Pangulong FVR (Fidel V. Ramos) and PNoy ang mga mag-e-endorse ng pelikula."

Bukod sa El Presidente, gagawin din ni Governor ER ngayong taong ito ang Asiong Salonga (Kingpin ng Tondo). Ito ang ikatlong re-remake ng pelikula. Si Erap noong 1961, at si Rudy Fernandez naman noong 1978.

He said with proper time management, he would be able to shoot the film and fulfill his duties responsibilities as Laguna governor.

"Time management lang talaga. Kaya naman 'yan basta maganda ang schedule. And besides, we will shoot half of the film in Cavite and half in Laguna. Kasi, isa ang Laguna sa walong lalawigan na lumaban para sa rebolusyon at independencia ng Pilipinas."

Bukod pa rito, magiging sobrang hectic nga raw ang schedule niya dahil may pinaghahandaan pa silang Bangkero Festival sa Pagsanjan at La Laguna Festival sa Laguna.

Aniya, "Maraming ginagawa, halos wala nang pahinga, wala nang tulog."

Sa isang banda, may paniniwala na si Gen. Emilio Aguinaldo raw ang nag-utos na magpapatay noon kay Andres Bonifacio. Isa rin ba ito sa tatalakayin sa movie?

Ayon kay Governor ER, "Sa aking pag-aaral, hindi si Aguinaldo ang nag-utos ng execution ni Andres Bonifacio. Ang nagkusang pumatay kay Bonifacio at pati na rin kay Heneral Antonio Luna ay ang mga heneral ni Aguinaldo.

"Ang mga nakapaligid kay Aguinaldo ang gumawa ng mga bagay na ito at hindi niya ito inutos. Ginawang isyu ito noong siya'y tumakbo bilang Presidente laban kay Manuel L. Quezon. Yun ang unang inisyu sa kanya, na siya ang nagpapatay kay Bonfacio, pangalawa kay Gen. Luna, at pangatlo, na kumita siya sa pagbenta ng Pilipinas. Ipapakita po natin sa pelikula ito [ang totoong nangyari]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ang former Prime Minister Cesar Virata, ang pamilya Abaya, ang National Historical Institute, at National Commission for Culture and the Arts sa mga sumusuporta sa paggawa ng pelikula, aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN