Child actor Buboy Villar returns to television in epic-serye, Amaya

Naging abala si Buboy Villar sa kanyang pag-aaral kaya ilang buwan ding namahinga ang career ng child actor.

"Wala po akong show noon kasi po nag-aaral po muna ako, kaya hinabol ko muna mga grades ko," he explains in a taped interview sa Startalk TX.


Ayon sa report ng Startalk TX kahapon (February 19), pagiging abala sa kanyang pag-aaral ang dahilan kung bakit ilang buwan ding namahinga ang career ni Buboy Villar.

"Wala po akong show noon kasi po nag-aaral po muna ako, kaya hinabol ko muna mga grades ko," says Buboy sa isang taped interview sa kanya ng Startalk TX.

At ngayon raw, balik na siya sa pagiging isang abalang artista.

Isa sa mga proyektyo ngayon ng mahusay na child actor ay ang epic-seryeng Amaya. Mismong ang bidang si Marian Rivera [na gaganap dito bilang warrior princess] ang nag-request na makasama si Buboy.

"Na-miss ko rin po talaga yung mga kasamahan ko, na-miss ko rin po yung mga nasisilawan ka ng mga ilaw, nami-miss ko," aniya.

Kahit musmos, hindi nakaligtas si Buboy sa mga intriga.

Kabilang na dito ang umano'y balik taghirap daw ang kanyang pamilya.

Muntik pa nga raw ma-repossess ang kanyang nabiling sasakyan.

"Ay yun po talagang hindi po totoo! Pinapagawa po yun, pinapagawa po yung sasakyan namin.

"Ganun pa rin naman po ang buhay namin, tsaka hindi rin naman po kami pinapabayaan ng GMA."

Hindi raw totoong ipinangsusugal ng kanyang ina ang kinikita niya.

"Naku hindi po totoo talaga yan, hindi po talaga. Yung Mama ko, kahit humawak ng baraha, hindi marunong yun."

Maayos raw ang kanyang finances.

"Maayos naman po, kumbaga may trust fund po na hindi nagagalaw talaga."

Ang nakakatwa namang isyu, ginaya raw ni Buboy ang hairstyle ni Justin Bieber.

"Hindi po talaga, yung buhok ko talaga yung side lang po talaga [ang kapareha]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN