Rare sighting of actress Nanette Medved in celebrity event

Sino nga ba pinakanami-miss ni Nanette Medved sa showbiz?

"Actually very unusual ito, you know, but I must say, since tinanong ninyo kung sino ang mga nami-miss ko, nami-miss ko si Inay Lolit [Solis]. Oo, actually! Siya ang matagal ko nang hindi nakaka-usap pero, I really miss her, ang saya-saya niya," she says.


Nanette Medved, magbabalik pa ba sa showbiz?

Naispatan ng Startalk TX si Nanette sa isang celebrity event at tinanong ang dating aktres kung may balak pa itong balikan ang pag-aartista.

"I decided to come [sa Generation Mega Young Designers Gala] because I just did the cover of Mega and they were so lovely and they asked me to drop by at this event, and since we have the cover this month, I decided to come," pahayag ni Nanette.

Mapapanood ba ulit siya sa telebisyon?

"Hindi siguro!" natawa siyang sumagot. "Unless it's just something like this. Kung yung mga TV shows or movies? Siguro hindi na."

Hindi na ba niya nami-miss ang showbiz?

"Of course, I mean there are such great people in the industry and it was such a great experience.

"And to that extent, surely I miss my friends. But siguro there's a time for everything and that period in my life — that was the time for showbiz.

"Pero siguro ngayon family muna," saad niya.

At sa tanong kung sino ang pinakanami-miss niya sa showbiz, ang sagot ni Nanette ay...

"Actually very unusual ito, you know, but I must say, since tinanong ninyo kung sino ang mga nami-miss ko, nami-miss ko si Inay Lolit [Solis].

"Oo, actually! Siya ang matagal ko nang hindi nakaka-usap pero, I really miss her, ang saya-saya niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN