Mikee Cojuangco makes a comeback in fantaserye, Magic Palayok

Ano ang pakiramdam ni Mikee Cojuangco na aarte siya ulit sa harap ng kamera bilang isang Kapuso?

"Excited ako na kinakabahan," she says.


Balik showbiz si Mikee Cojuangco, ayon sa report kahapon, Sabado, February 19, ng Startalk TX.

Sa pamamagitan ng upcoming new fantasy series ng GMA 7, ang Magic Palayok ay mapapanood na muli si Mikee.

Sa interview sa kanya ng Startalk TX, tinanong si Mikee kung bakit sa Magic Palayok siya nag-desisyon na mag-comeback at harapin muli ang pagiging isang artista.

"Ah, oo. Bakit ba? Matagal na kasing hindi, e. Matagal ko nang hindi nagagawa ito. Yung last, Majika," unang pahayag ng actress/equestrienne.

Matagal na nga raw na hindi siya nakakaarte sa harap ng kamera.

"Nagkaroon na nga ako ng isa pang anak since then, na two years old na, kaya siguro time na, di ba?

Mabuti naman at pinayagan siya ng kanyang mister na si Robert "Dodot" Jaworski Jr. na muling mag-artista via Magic Palayok na pinagbibidahan rin ng balik-tambalan at real-life sweethearts na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

"Maganda naman yung role, e. Tsaka alam naman niya na maaalagaan din ako."

Ano ang pakiramdam ni Mikee na aarte siya ulit sa harap ng kamera bilang isang Kapuso?

"Excited ako na kinakabahan."

Buo ang tiwala ni Mikee sa direktor ng fantaserye na si Direk Joel Lamangan.

"Siyempre si Direk Joel Lamangan nandiyan, kaya yung buong tiwala ko nasa kanya. Sinabi ko nga sa kanila na sila na ang bahala sa akin," huling pahayag pa ni Mikee sa taped interview sa kanya ng Startalk TX.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN