Kris Aquino and James Yap exchange gifts; concert tickets for him, Louis Vuitton bracelet for her

Kris Aquino and James Yap (above) in better days. On February 13, the day before Kris's birthday, the ex-couple had dinner chaperoned by Joshua, Baby James and John "Sweet" Lapus.


James Yap, niregaluhan ng mamahaling bracelet si Kris Aquino!

Sa report ng Showbiz Central kahapon, February 20, sa gitna ng mga problemang idinulot ng kanilang hiwalayan, James took one bold step nang tanggapin niya ang alok ni Kris Aquino na mag-dinner sa isang restaurant para i-celebrate ang kaarawan ng TV host.

Naganap ang dinner last Sunday, February 13, although ang mismong petsa ng birthday ni kris ay February 14, Valentine's Day.

Sa nasabing pagtitipon, muling nagsama-sama sina James, Kris at ang kanilang anak na si Baby James.

Naroroon rin sa nasabing dinner ang panganay na anak ni Kris na si Joshua at ang Showbiz Central host na si John "Sweet" Lapus.

Naging masaya at maayos ang naging pakikitungo ng dating magkarelasyon sa isa't-isa.

Niregaluhan pa ni James si Kris ng Louis Vuitton na bracelet at sinuklian naman ito ni Kris ng dalawang tickets para sa Araneta Coliseum concert ng international star na si Taylor Swift na ginanap naman noong Sabado ng gabi, February 19.

In the end, James and Kris were able to settle their differences, at ang pagpapaunlak ni James sa imbitasyon ni Kris ay tanda lamang, sa ngayon, na magkaibigan na ulit ang ex-couple.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN