Piolo Pascual "kidnaps" KC Concepcion on their Valentine's date

"Ang pinakaimportante na ibinigay niya sa akin is his handwritten note and his time, yung time niya. He writes me. Kaya alam ko kapag ang flower, hindi galing sa kanya, because he writes [on] the card," says KC Concepcion about boyfriend Piolo Pascual.


Ikinuwento ni KC Concepcion sa The Buzz kahapon, February 20, kung paano naging espesyal at romantic ang Araw ng mga Puso para sa kanila ng kanyang boyfriend na si Piolo Pascual

Akala kasi ng marami ay ang muling pagpapahayag ni Piolo ng kanyang pagmamahal kay KC sa kanyang Valantine concert sa PICC ang pinaka-highlight ng kanilang unang Valentine bilang magkasintahan, pero meron pa palang inihandang sorpresa ang aktor para sa actress-TV host.

Noong February 15, Tuesday, nagpunta ng Subic sina KC at Piolo. During the trip, nakatulog si KC sa sasakyan. Pag gising niya, nasa Subic Yacht Club na sila.

Pinili raw talaga ni Piolo ang naturang lugar dahil mahilig si KC sa beach. Pareho raw na-enjoy ng dalawa ang isang romantic sunset cruise.

After the cruise, muli na namang sinorpresa ni Piolo si KC by reserving the yacht club bar para sa kanilang dalawa lang. Sa loob ng bar, Piolo made sure na ang mga paboritong music video ni KC ang ipinapalabas.

Hinayaan lang din daw ni Piolo na si KC ang mag-mix ng drinks nila dahil isa ito sa favorite hobbies ni KC.

PIOLO'S MESSAGE. Isang pre-Valentine message naman ang ipinahatid ni Piolo para kay KC na kahapon lang nito napakinggan sa The Buzz.

Sabi ni Piolo, "Thanks for bearing with me. Sa tinagal-tagal, sa dinami-rami ng pinagdaanan namin, I believe ang love talaga knows no boundaries. It's something you cannot define. Pakiramdam mo talaga, no matter what happens, when it's love, it's love. Hindi mo puwedeng kontrahin. Hindi mo puwedeng labanan.

"Thank you, thank you, of course, for this very first, special Valentine's date that we're gonna have this year and I pray for more. I pray that every year, we'll celebrate Valentine's together."

Pagkatapos ipalabas ang VTR interview ni Piolo ay muling tinukso ng kanyang mga co-host si KC. Ang haba raw ng hair ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


FIRST VALENTINE'S DATE. Ayon naman kay KC, ito raw ang kauna-unahan niyang Valentine's date.

"Ikukuwento ko lang that it's really my first Valentine's date. As in, with somebody na, okay, sabihin na natin that I'm in a relationship with.

"Siguro I had two serious relationships but they were both long-distance relationships. Literally. I was living in Europe and nasa ibang bansa sila.

"And kung meron man akong na-date na French, nuong doon ako nakatira, they don't celebrate Valentine's Day as a tradition. Yung iba ngayon, nagse-celebrate na."

First time niyang mag-celebrate talaga ng V-Day?

"Alam mo yun, first boyfriend ko rin na kasama ko rito. Na nandiyan lang, isang text lang. Mura mag-text, mura tumawag."

Tila kinikilig si KC habang nagkukuwento, kaya tanong tuloy ni Charlene Gonzalez sa kanya if she's overwhelmed.

"Nakakatuwa, para niya akong kinidnap!" nakangiting sabi naman ni KC.

"Di ba, noong gabi, Valentine concert niya? Then, paggising ko ng umaga, may text siya kung gusto ko raw mag-hang out? Sabi ko, 'Hang out? Sure!'

"Sabi niya, 'Sige, sunduin kita.' So, sinundo niya ako, nakatulog ako sa sasakyan. Noong natulog ako, nasa Manila pa kami.

"Noong gumising ako, nasa harap na kami ng building sa Subic. So, sabi ko, 'Anong meron dito?' Dumating yung parang manager doon, tapos noong binuksan nila yung door, sabi niya, 'Sir, your boat is ready.'

"Tapos, sabi ko, 'Teka, Subic, tapos hindi siya boat na bangka, white yacht siya.' So, Subic Bay Yacht Club. Tumalon-talon ako! Kasi hilig ko talaga ang beach at natutuwa ako na kinikilala niya ako."

Her co-hosts from The Buzz also urged KC na ipakita niya ang pictures nila ni Piolo from their date. Nagpaunlak naman si KC at ipinakita niya ang ilang pictures nila sa iPad na kuha sa yate. Makikita rito na may hawak na bouquet of flowers si KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay KC, special daw sa kanya ang flowers na yun.

"Special sa akin, kasi he writes me," sambit niya.

"Ipinagmamalaki ko lang na si PJ (palayaw ni Piolo), okay lang sa akin basta magkasama kami. It doesn't matter kung boat 'yan, kung yacht 'yan, kung kinidnap niya ako o hindi.

"Ang pinakaimportante na ibinigay niya sa akin is his handwritten note and his time, yung time niya. He writes me. Kaya alam ko kapag ang flower, hindi galing sa kanya because he writes [on] the card."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN