"New and improved" Mark Herras ready to face the camera again

"Gusto ko kasi pag nakita ako at napanood ng mga tao, masasabi nila na may nagbago na, hindi na payat si Mark, na okey na ulit yung katawan ni Mark. Yun yung gusto kong marinig sa kanila," says Mark Herras.


Pagkatapos humingi ng tatlong buwan na pahinga ay handang-handa nang magtrabaho muli si Mark Herras.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mark sa GMA Network Studios noong Biyernes, February 18, ay sinabi ng young actor na nadagdagan na ang kanyang timbang pagkatapos niyang gawin ang huling soap niya, ang Langit Sa Piling Mo.

Aniya, "Ngayon, lumakas na ulit akong kumain kaya maganda na naman ulit ang katawan ko, tapos workout sa bahay, kaya happy na ako sa katawan ko. Ginawa ko talagang ayusin ang sarili ko para pagbalik ko sa trabaho, okey na okey na ako."

NEW & IMPROVED MARK. Bagamat tapos na ang bakasyon niya, wala pang bagong regular show si Mark sa Kapuso network, maliban sa weekly stint niya sa Party Pilipinas. Hindi ba siya naiinip?

"Medyo matagal-tagal na rin, pero ayaw ko na lang sabihin kung ilang buwan. Ako naman kasi, never naman akong nagmadali.

"Knowing me, hindi rin naman ako nagsasabi sa mga tao or sa mga big boss ng GMA-7 na bakit ako wala pang trabaho. Never talaga akong nag-demand. Alam ko naman kasing hindi ako pababayaan ng GMA-7.

"Tsaka dumating naman sa akin na sunud-sunod yung trabaho ko kaya nga ako nagkasakit. At ako naman yung humingi ng konting pahinga at nakapagpahinga at nakapag-recharge naman ako, kaya okey lang. Tsaka nung mga times naman na bakante ako sa trabaho, ang ginagawa ko, nagpalaki ng katawan.

"Pero kung tutuusin, hindi naman talaga ako nabakante kasi marami akong regional shows, mall shows, at guesting sa iba't ibang shows ng GMA-7. Napapanood naman ako linggo-linggo sa Party Pilipinas.

"Ngayon, bumalik na ako sa dati, malakas ang katawan at maraming energy, kaya nga handa na naman akong bumalik sa pagtatrabaho," saad ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor.

DANCESERYE. Pero hindi magtatagal ay magkakaroon na ulit ng soap si Mark. Ito ay ang kauna-unahang danceserye ng GMA-7 na magsisimula nang mag-taping sa March.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mark, handang-handa na siya sa muli niyang pagsabak sa harap ng kamera.

"Gusto ko kasi pag nakita ako at napanood ng mga tao, masasabi nila na may nagbago na, hindi na payat si Mark, na okey na ulit yung katawan ni Mark. Yun yung gusto kong marinig sa kanila.

"Ayoko naman kasing makarinig na nagpahinga nga ako ng three months, o sobra pa sa three months, pero wala naman silang nakitang improvement sa akin.

"At least ngayon, pag nakita nila ako, sasabihin nila na okey na ang katawan ko. Kaya inayos ko muna ang dapat kong ayusin bago ako bumalik sa paggawa ng soap."

Dahil isang danceserye ang susunod na gagawin ni Mark, hindi na raw niya kailangan ng masyadong preparasyon.

"Kasi forte ko yun, sayawan, kaya medyo hindi na ako ganun kabado," sabi niya.

"Ano lang, siguro excited na akong mag-start kasi ito bale yung kauna-unahang danceserye, hindi lang sa GMA-7 kundi sa Pilipinas. Kaya naman hindi maiaalis din sa akin na medyo kabahan ako.

"Tsaka lahat naman kasi ng naging shows ko, hindi naman naaalis sa akin na medyo kabahan. Every time na may bago akong show, kakabit na yung konting kaba, pressure.

"Alam naman kasi natin na iba yung expectation ng mga tao, kapag pinagkatiwalaan ka ng GMA-7 ng malaking proyekto. Pero so far, okay naman.

"Basta ako naman kasi, gagawin ko lang kung ano yung tama. Basta ibibigay ko na lang yung best ko, kung ano yung puwede kong ibigay para sa ikagaganda ng show.

"Ayoko naman kasing sabihin nila na hindi ako deserving sa ibinigay nilang trabaho. Mas gusto ko na sabihin nila na, 'Ayan si Mark, okey yan at karapat-dapat doon sa trabaho na ibinigay natin kasi pinagtatrabahuhan talaga niya.'

"Mas masarap kasi yung feeling na ganun yung maririnig mo. Kaya naman pilit kong ini-improve ang sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan lang naman kasing mag-concentrate talaga para maging maganda ang trabaho mo. Maging professional lang talaga, matiyaga, maayos umarte, at ini-enjoy mo ang ginagawa mo. Makikita at makikita rin ng mga tao yun," saad ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN