John Estrada's wedding to Priscilla Meirelles: His second... and last?

"We're not a perfect couple. We fight, we argue. But we know how to approach each other. Yun bang alam mo na hindi pa ako puwedeng kausapin, so she will not try. Hindi siya makulit, di ba?" says John Estrada about future wife, Priscilla Meirelles.


Live na nag-guest ang malapit nang ikasal na sina John Estrada at Priscilla Meirelles sa The Buzz kahapon, February 20.

Bagamat stressed na sila pareho dahil hands-on sila sa pag-prepare ng kanilang kasal, hindi naman daw ito halata ayon sa host na si Boy Abunda na siyang nag-interview sa kanila.

SECOND AND LAST. Gaano nga ba sila ka-hands-on sa kanilang kasal na gaganapin on February 26, Saturday, sa Poro Point, San Fernando, La Union?

"Naku, lahat ng detalye alam ko. May trabaho araw-araw," sagot ni John, na isa sa mga host ng daily noontime show na Happy, Yipee, Yehey!

Ayon naman kay Priscilla, "Excited na kami because it's a dream come true for both of us. At the same time, mahirap, kasi kaming dalawa, we really want to be part of every detail. We really want to pick everything. Medyo mahirap."

Tinama naman ni John ang sinabi ni Boy na "minsan" lang daw ito mangyayari kaya hindi sila masisisi.

"It's my second," sabi ng actor-TV host, na unang ikinasal sa aktres na si Janice de Belen.

Singit naman ni Priscilla, "And your last. Dapat lang!"

Bakit February 26 ang napili nilang date ng kanilang kasal?

"Ako kasi, ang dream ko, beach wedding," sagot ni Priscilla. "Kasi, dapat, sabi ko sa kanya, we should choose sometime within the year na hindi sobrang mainit. At ito suggestion mo [John], e."

Dugtong naman ni John, "At saka February kasi, love month. March kasi, summer na. Sobrang mainit."

STRONG PERSONALITIES. Base sa obserbasyon ni Boy ay parehong may strong personality sina John at Priscilla. Paano nila ito nama-manage?

Ayon kay John, "One thing I love about Priscilla, we really have good communication. Napakaimportante sa isang relasyon ang komunikasyon.

"We're not a perfect couple. We fight, we argue. But we know how to approach each other. Yun bang alam mo na hindi pa ako puwedeng kausapin, so she will not try. Hindi siya makulit, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's always communication. We talk about things. We don't really sleep with our problems."

Ngayong magpapakasal na sila, may mababago na ba? Ano ang view nila sa marriage?

"Parang wala naman," sagot ni John. "And I think, that's my way of saying that I truly, really love her."

Sabi naman ni Priscilla, "It's also my way of saying that I'm his. Pero alam niyang I'm already his. It's just that it's commitment na, you know, I love you and I'm really, really ready to go with you on the good, on the bad."

Inamin naman ni John na may pagka-OC o obsessive-compulsive siya. Tinatanong nga nito kung sakit daw ba ito since he wants everything in order at ayaw raw niya ng may dirt, lalo na sa bahay.

Paano nama-manage ni Priscilla ang pagiging OC ni John?

"Mahirap!" natatawang sagot ng Brazilian beauty queen. "Like ako, I have long hair. So, kapag may falling hair at papunta siya sa bahay, sasabihin niya, 'Babes, ano 'to?' Sige, sige na... long hair, garbage."

Sinubukan ba nilang may baguhin sa isa't isa?

Ayon kay John, "I don't know if that's right, pero siguro sa maliliit na bagay. Pero to totally change the person that you're in love with, I don't think that's right.

"Ako, for me, I don't know kung na-in love ako kay Priscilla na ganoon siya. Ngayon, kung makita ko man na apat lang ang daliri niya sa paa, e, tatanggapin ko na yun.

"Siyempre kung nakikita mo na lang na nag-iiba yung tao, siyempre ibang usapan na yun. But I cannot change her."

Kung yung ibang couples ay nagtatagal dahil pareho ng ugali, ayon kay Priscilla, sila ni John ay nagtatagal dahil magkaiba sila ng ugali.

"Marami... I can't point them out. Different in the sense like beliefs. But at the same time, we're both family-oriented. We're both prayerful people and we believe in God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When it comes to our values, he's a person, what is right, what is wrong, but we also believe in the same thing. Lalaki siya, babae ako. Mahirap talaga," saad ng dating Miss Earth.

THE CHILDREN. Ano ang naging reaction ng mga anak ni John kay Janice de Belen nang i-break niya ang news na pakakasalan na niya si Priscilla?

"Well, at first, siguro mga first weeks, may nakita akong medyo uncomfortability. May resistance ng konti. Siyempre naman, naiintindihan ko ang mga anak ko, siyempre.

"I asked them, I sat with them. Pinag-usapan namin at medyo ano sila, lalo na yung pangatlo kong anak na babae, medyo natatakot siya na baka magbago ang lahat," aniya.

"Sabi ko, 'Imposible. Ang mababago lang sa atin, madaragdagan kayo ng isang pamilya sa atin.' Yun lang ang mababago do'n, madadagdagan lang sila ng isang nanay. Pero sa amin, wala... imposible yun.

"This is one of the things... When I fell in love with Priscilla, when I saw her taking care of my kids, sabi ko, 'A, eto na yun.'"

On a scale of 1 to 10, how good a father is he?

"I think I would be biased kung bibigyan ko ng mataas na grado ang sarili ko. But rest assured, and my kids know this, that I tried my best. Kung nasa 8 ako or 9 ako, I want to be a 10. Yun ang gusto ko," sabi ni John.

INVITED GUESTS. Ang huling tanong ni Boy kina John at Priscilla ay kung meron bang malapit sa kanila na hindi makakarating sa kanilang kasal.

On Priscilla's part, ang pamilya niya from Brazil ay nasa bansa na raw.

"Yung family ko at yung childhood friend ko, galing Miami. At saka ibang friends ko, French siya, pero galing sa New York. So, sila talaga, you know. They are actually all here na," sabi ni Priscilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Patay tayo riyan!" natatawang sabi ni John, na nakuha agad ang ibig tukuyin ni Boy.

Aniya, "Alam mo, this is the time to be with your family, your closest friends. Pero kahit sa pamilya ko, may mga tao talaga na hindi makakapunta for some reason. Some are from Basilan. Some are from Zamboanga. I understand that completely.

"Sa mga kaibigan ko naman, it's not an obligation, di ba? You send an invitation. But if they cannot, at hindi sila makakapunta, I truly understand."

Dagdag pa ni John, "Para sa akin, ang pinakaimportante lang dito, si Priscilla. Kung hindi darating si Priscilla, walang kasal."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN