Hayden Kho Jr. seriously considering offer to co-host Paparazzi

"This is an option for me na iniisip ko kung gusto ko ba talagang pasukin ito, o gusto ko lang gamitin ito para masuportahan ko yung ibang gusto kong ma-achieve in my life. So, hanggang ngayon, iniisip ko pa rin. Sana maibigay sa akin ng Diyos ang tamang sagot," says Hayden Kho Jr. about the offer to be part of Paparazzi.


Aminado si Hayden Kho Jr. na ini-enjoy niya ang kanyang pagiging guest co-host sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi.

Nakakadalawang linggo na siya sa show kasama sina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Mo Twister. Mas kumportable na raw siya ngayon at hindi na siya nanginginig kumpara noong unang sabak niya sa show.

"Masaya, masaya kasi okay kasama sina Cristy, Ruffa, Dolly Anne, and of course kasama ko si Mo, na kaibigan ko. So, maganda, masaya siya.

"Natatakot lang ako minsan kasi bago ang isang segment, sasabihin 'eto ang kailangang gawin, minsan magbibigay ng isang pangalan, tapos magko-comment kami about them. Parang ako, 'Ano ba ang sasabihin ko?'" sabi ni Hayden.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Hayden pagkatapos ng Paparazzi kahapon, February 20.

Paano ba siya nagpe-prepare sa pagsalang niya sa Paparazzi?

"Ang ginagawa ko lang, nagdadasal lang muna ako bago ako sumalang. Kasi hindi ko alam kung ano yung pinakamagandang sabihin all the time.

"At saka hindi lang din sa sinasabi ko 'yan, e, depende rin sa nakikinig sa akin. Ang ipinagdarasal ko na lang, na sana yung mga nakakarinig at nanonood, tanggapin din kung anuman yung sasabihin ko.

"Yung appearance ko naman is something entertaining and nothing personal," aniya.

Tuloy na ba ang pagpasok niya as regular host ng Paparazzi?

"Magkakaroon pa lang ng meeting ang TV5 management at ang manager ko si Jojie Dingcong. Kasi hanggang ngayon, iniisip ko pa.

"Kasi noong una kong sagot kay Vicks [Dra. Vicki Belo, girlfriend ni Hayden] at sa iba ko pang advisers noong tanungin nila ako... Kasi hindi lang ako ang nagde-decide mag-isa, e. Ang sabi ko sa kanila, parang hindi pa ako ganun ka-comfortable, kasi yung nature kasi ng show na ino-offer, baka kasi marami akong masagasaang tao.

"So, ang advice nila sa akin, discernment lang while entertaining people. Although it's kind of hard, kasi minsan binabasa mo lang, tapos baka sa iyo magalit. Minsan it's not the message but the messenger. And I don't really see myself as the best messenger in this industry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit parang hesitant pa siyang tanggapin ang offer?

"E, kasi nga, medyo maayos na ang lahat sa buhay ko now. Okay naman ang business ko, maganda naman. Masaya naman ang lovelife ko. Masaya ang personal life ko. Matahimik ang pamilya ko. Tapos na ang mga kaso.

"This is an option for me na iniisip ko kung gusto ko ba talagang pasukin ito, o gusto ko lang gamitin ito para masuportahan ko yung ibang gusto kong ma-achieve in my life.

"So, hanggang ngayon, iniisip ko pa rin. Sana maibigay sa akin ng Diyos ang tamang sagot," sabi ni Hayden.


TARGET OF INTRIGUES. Hindi ba siya natatakot na mas magiging target siya ngayon ng intriga kapag tinanggap niya ang regular hosting job sa Paparazzi?

"I really can't say that," sagot niya. "Ang akin lang, I'm in a good place now, e. Salamat sa Diyos na medyo tahimik ang buhay ko ngayon. Ayoko namang isipin na tina-target talaga ako ng mga tao para lang intrigahin."

Lately kasi ay nasa gitna na naman siya ng intriga, lalo na ang tungkol sa isyu nila ni Sharon Cuneta. Hindi naman niya ikinaila na apektado siya sa mga issue at intriga sa kanya.

"Siyempre naman, kung tungkol sa akin yung isyu, apektado talaga ako. Pero gaya ng sabi ko before, I learned not absorb everything. Hindi lahat ng bagay is about me. Minsan it's just for entertainment. Minsan dahil walang mapag-usapan.

"Pero sa buhay kasi natin, we are all selfish in a way na minsan iniisip lang natin ay sarili natin. For me to think na may intriga na naman tungkol sa akin, baka 'eto yung iniisip ng ibang tao about me, ang pangit-pangit, ganyan-ganyan.

"The truth is they won't really think about me kasi meron silang ibang bagay na pinagkakaabalahan. And it would be egotistic of me to think na lagi nila akong iniisip na baka ganito si Hayden."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATRINA HALILI. Nagulat ba siya sa pag-appear ng picture ni Katrina Halili sa segment nila ni Mo na "Say Mo, Say Kho" kahapon?

"No comment," sagot ni Hayden.

Nag-"no comment" na rin si Hayden sa iba pang tanong na may kinalaman kay Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN