Luis Manzano not closing his door to possibility of ending up with "soulmate" Anne Curtis

"Siguro sa dami ng relationships na napagdaanan namin—from romantic, to best friend, to tampuhan—everything is parang there na. Kumbaga, nandoon ang mga sagot kung bakit hindi. Pero at the same time, kapag tinatanong, we have no guarantee or certainty of the future, e," says Luis Manzano on his relationship with Anne Curtis.


"Nudest scene to date" ang description ni Luis Manzano sa ilang mga eksenang ginawa niya sa pelikula nila ni Anne Curtis na Who's That Girl?, na co-produced ng Viva Films at SMDC.

"I hope hindi naman mae-MTRCB dahil sayang naman ang ginawa ko!" natatawang sabi ni Luis nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng Who's That Girl? sa City Best Restaurant, Tomas Morato, kagabi, February 21.

Hindi kaya ma-shock ang kanyang ina na si Governor Vilma Santos kapag napanood ang sinasabi niyang "nudest scene" niya?

"Yun nga, e. Mukhang kailangan kong magpalit ng apelyido, e. Kung sa Cosmo nga, nagalit siya, dito pa? Ewan ko! Hindi ko alam kung tanggap niya ang ginawa ko dito or matatanggap niya ang ginawa ko dito. Kaya ko ngang sabihin na the nudest scene," ani Luis.

Bakit ba naging "nudest"?

"Hubad! As in hubad!" natatawa niyang sabi. "E, kasi, nagawa ko na sa Cute ng Ina Mo na may pigsa ako sa puwet, pinakita na yun. So, siguro naisip ni Direk [Wenn Deramas], 'Ano pa ba ang puwedeng gawin dito kay Manzano? Kung napakita na niya ang puwet, hindi naman niya puwedeng ipakita ang harap niya. So, paano mahaharap ang balanse?' Nakagawa ng paraan si Direk Wenn."

SOULMATES. Noon pa man ay sinasabi na nina Luis at Anne na "soulamtes" sila. Hindi rin nila itinatanggi na there was a time na "exclusively dating" sila. Pero consistent sila sa pagsasabing never na naging sila o naging magkasintahan sila.

Kumusta sila ngayon pagkatapos nilang gumawa ng tatlong pelikula na sila ang magkapareha?

"Well, nandiyan pa rin ang kislap sa mga mata niya kapag nakikita ko," sagot ng actor-TV host. "And time and again, uulitin ko, kapag si Anne kasi ang tumitingin sa akin, parang langgam sa asukal. Ang lagkit!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sinabi naman sa akin na, 'Luis, you have to work through it.' Yung gusto niya sa 'yo, kung paano niya seryosohin ang mga kissing scenes.

"Kaya sabi ko, Direk, 'Kailangan bang i-rehearse yun sa standby area?' 'Hindi. Bakit?' 'Sabi ni Anne, gusto mag-rehearse ng kissing scene sa standby area.'

"So, nag-heart-to-heart naman. Sabi ko, respeto naman. Work is work. Dead na dead sa akin. Pero naiintindihan ko naman siya. Naiilang lang ako minsan kapag nagki-kissing scene dahil kini-kiss niya ako kahit wala," pambibiro ni Luis tungkol sa kanyang leading lady.

Afterwards, siya na rin ang nagseryoso at sinabing, "Actually, to be very, very serious, sinasabi na nga we're very, very unbelievably comfortable with each other. Talagang wala na, e. Wala nang ilangan. Kumbaga, hindi na yung, 'Okay, 'eto yung part na magki-kiss kayo.' Hindi na kami yung parang, 'Ay, patay, 'eto na...' Okay, kissing scene ulit."

Dahil kumportable na sila sa isa't isa, hindi ba sumagi sa isip nila na sana ay naging sila na lang?

"Siguro sa dami ng relationships na napagdaanan namin—from romantic, to best friend, to tampuhan—everything is parang there na. Kumbaga, nandoon ang mga sagot kung bakit hindi. Pero at the same time, kapag tinatanong, we have no guarantee or certainty of the future, e.

"Kaya nga when we're asked, as of now, we're perfectly content kung anuman ang meron sa aming dalawa, with respect to our personal lives din. But we have no idea kung anuman yun in the future.

"Siguro what we have now is the perfect, perfect foundation. Sinasabi nga nila na ang hirap na magka-girlfriend na hindi mo man lang naging kaibigan," saad ni Luis.

Ayon kay Luis, mga 18 years old daw si Anne nang ligawan niya ito.

So, umaasa pa rin siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, sinasakyan ko lang siya kasi siya ang umaasa. Ayoko naman siyang masaktan," biro na naman ni Luis.

Anne is now dating model-entrepreneur Erwan Heussaff.

ANGEL & PHIL. When it comes to his lovelife, kung dati-rati ay very outspoken si Luis sa aspetong ito, ngayon ay ibang-iba na. His lips are now sealed when it comes to his lovelife.

"Now, I decided to keep my mouth shut regarding my personal life. So, huwag n'yo nang tatanungin at wala kayong makukuha. Sayang ang laway!" natatawang babala niya sa press.

Ano naman ang masasabi niya sa pag-iimbita ng Azkals player na si Phil Younghusband sa ex-girlfriend ni Luis na si Angel Locsin?

"Yun pa rin... I was reading an article kasi kay Kevin Spacey [Hollywood actor]. Ang ganda ng sinabi niya, nakalimutan ko kasi ang exact word... 'No matter how popular you may be, no matter what you're doing in life, people will never, ever have the right to mess or interfere in your life.'

"Kumbaga, na-realize ko, I'm one of the very, very, few outspoken na artists. Tanungin n'yo ako, makikipagkulitan ako," sabi ni Luis.

Hindi ba't ito ang isa sa nagugustuhanng ugali niya ng press?

"Diyan papasok ang respeto at privacy. Not because I didn't count the times to do it over and over again, so that's one thing. Oo nga, 'no, you don't necessarily mean to be vocal about it in anything and everything. I believe na kaya mo talagang ihiwalay base sa mga nakikita ko sa mga artists," saad niya.

Masasabi niya bang mali ang pagiging open niya sa relationship nila ni Angel?

"No naman," sagot ni Luis. "I don't think naman that's a factor. But in that aspect, I want to start the whole new me.

"I don't think naman that's the factor sa amin ni Angel. Siguro minsan lang, ang dami ko nang nasasabi or I talk too much. Why not try keeping something for myself talaga?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, ano nga yung reaction niya sa pag-i-invite ni Phil kay Angel sa Twitter?

"Sinagot ko na 'yan sa ELive. Sabi ko lang... Sige, I'll give part of my answer, sabi ko, I'll keep my mouth shut."

Nang tanungin naman kung ano ang ginawa niya noong Valentine's day, sumenyas muna siya na tila nagsi-zipper ng kanyang bibig.

Pero aniya, "I don't think naman that it's a negative trait na ayaw mong pag-usapan ang personal life mo. I highly doubt. I would like to talk to that person kung meron puwedeng makapagsabi na negative ang hindi mo pag-share ng iyong personal na buhay."

MARIEL RODRIGUEZ. Kinumusta rin ng PEP kay Luis si Mariel Rodriguez, na nakatampuhan niya noon.

"We had one chance encounter noong ELive. Nag-guest po siya. Pero siguro, it could have been better. Kasi sa amin, first encounter namin yun. Hindi matatanggal yung ilangan pa rin," sabi niya.

Sino ang naunang nag-approach sa kanila?

"Well, technically naman, she had to approach me. Technically kasi nasa stage na ako no'n. Pero hindi kasi kami nakapag-usap behind the camera, so siguro yun ang mali namin."

Sa palagay niya ba ay maibabalik pa ang dating closeness nila, tulad na lang sa Twitter na nababasa ng lahat kung paano sila mag-asaran?

"Well, tulad nga ng sabi ko, kung paano sila ni Toni [Gonzaga], unang-una, mas malalim, kasi sila talaga ang sisters and everything. Tapos yung isyu na ibinato sa kanila, e, mas grabe. Naayos naman nila. So, ano ba naman yung sa akin lang na from the very start, e, tampong-pururot lang?" sagot ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN