Danita Paner defends ex-flame Kean Cipriano: "Hindi naman plastic na tao 'yan."

TV5 star Danita Paner will be reunited with ex-boyfriend Kean Cipriano in the Sunday afternoon teen-oriented program, Fantastik.


Hindi nakalagpas sa atensiyon ng marami ang pagsasama sa isang entablado nina JC de Vera, Kean Cipriano, at Danita Paner noong Lunes ng gabi, February 21, sa press launching ng Tanghaling Go-Go-Go! weekend block ng TV5.

Ginanap ang press engagement sa Broadway Centrum sa Quezon City. Dinaluhan ito ng mga artistang kabilang sa mga programang Pinoy Samurai, Lucky Numbers, at Fantastik—tatlong shows na magbubukas sa tanghaling timeslot simula sa Linggo, February 27.

Kabilang sina Kean, JC, at Danita sa teen-oriented program na Fantastik.

Pero bukod sa pagsasama sa isang show, meron pang isang bagay na nagbubuklod sa tatlong Kapatid stars—ang kanilang lovelife.

"Oo nga! Katabi ko nga si Kean at si JC—the past and the present!" pagbibiro ni Danita nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng formal presentation.

Matatandaang naging magkasintahan sina Danita at Kean subalit nauwi din sa hiwalayan ang dalawa.

Sa kasalukuyan ay malapit sa puso ni Danita si JC, at pareho namang nagpahayag ang dalawa ng kanilang paghanga at closeness sa isa't isa sa magkahiwalay na panayam ng PEP.

DEFENDING KEAN. Bago pa man ang Fantastik ay nagkasama na sina Danita at Kean sa defunct noontime program na P.O.5 kaya hindi naman masasabi na ngayon lang ulit nagkita ang ex-lovers.

Naikuwento ni Danita sa PEP na noong una ay talagang nagkaroon ng ilangan sa pagitan nilang dalawa ni Kean.

"Tapos nung tumagal na, naging okay na. 'Yong mga tao na yung nagiging awkward sa amin, kasi sobrang okay kami," sabi ng rocker turned actress.

"Kahit nung P.O.5 pa, sobrang naging okay kami. Ako kasi 'yong tipo na pag nalagay sa isang environment, lalo na trabaho ito, gusto ko okay lahat.

"Nagkataon lang na ex ko siya. Pero kapag magkasama kami, parang hindi kami mag-ex, parang wala lang, and parang magbarkada lang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Danita na hindi niya inasahan na papasukin din ni Kean ang mundo ng show business.

Bagamat bokalista ng mainstream band na Callalily si Kean, hindi naman ito nagpahayag sa kanya ng intensiyon na lumabas sa telebisyon bilang isang aktor o host.

"Sobrang hindi [ko in-expect]!" natatawang bulalas ni Danita.

"Tapos, nakita ko siyang naghu-host, sumasayaw, minsan kumakanta ng kung anu-ano, nag-a-acting. Pero people change, e. Kahit naman ako."

Pabiro naming tinanong kay Danita kung hindi ba nila napag-uusapan ng kapwa niya Kapatid stars na sina Arci Muñoz at Alex Gonzaga si Kean, considering na lahat sila ay nagkaroon ng kaugnayan sa young rocker.

"Si Kean, ganyan talaga, nami-misinterpret lang na playboy. Pero minsan kami ni Mona [palayaw ni Arci], nagkakabiruan kami na, 'Girl! Ano na? Ang haba ng hair ng lolo mo!'" masayang kuwento ni Danita.

Ipinagtanggol naman ni Danita ang dating kasintahan laban sa negative impression na nakuha nito noong una sa entertainment reporters dahil sa pagiging tila mailap nito sa pagsagot tungkol sa mga isyu na ibinabato sa kanya.

"Kasi naman si Kean, hindi plastic na tao 'yan. Hindi siya katulad ng ibang artista na pag dumating, 'Uy, hello, kumusta po?' Kung anong nararamdaman niya sa moment na 'yon, iyon ang ipapakita niya, which is mas okay kasi natural.

"Pero ngayong tumatagal na siya sa showbiz, at habang mas nakikilala siya, mas naiintindihan na siya siguro," sabi niya.

CAREER DIRECTION. Masaya si Danita sa kasalukuyang itinatakbo ng kanyang showbiz career sa ilalim ng TV5.

Napanood si Danita sa unang teleserye ng TV5 na pinamagatang My Driver Sweet Lover (DSL), na natapos noong February 4, 2011, matapos ang apat na buwang pag-ere sa primetime block.

"After nung My Driver Sweet Lover, meron kaming gagawing show ni Empoy, siya naman 'yong ka-love team ko, every Sunday siya, siya yung kapalit na show ng BFGF. And then after that, may isa pang show na winu-work out, pero hindi pa napapag-usapan," banggit ni Danita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Danita ang papipiliin, mas preferred daw niya ang mga projects na hindi heavy drama ang tema.

"Gusto ko 'yong mga romantic comedy na may konting drama. Pero 'yong hardcore drama, hindi ko alam kung kakayanin ko 'yong ginagawa ni Alex [Gonzaga sa Babaeng Hampaslupa] ngayon na every day iyak ka nang iyak. God! Pero kung may maibibigay, we'll see," ngiti niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN