Candy Pangilinan denies dragging Ai-Ai delas Alas's name to her breakup with Direk GB Sampedro

"Wala naman akong kinakalat. Wala nga po ako alam. Sobra akong naging busy. Wala naman akong pinaparating. Kung may third party man, hindi siya," says Candy Pangilinan about the rumor that she was the one who named Ai-Ai delas Alas as the third party in her breakup with director GB Sampedro.


First time magsalita ni Candy Pangilinan tungkol sa breakup nila ng direktor na si GB Sampedro sa presscon ng pelikulang Who's That Girl? noong Lunes ng gabi, February 21, na ginanap sa City Best Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon kay Candy, may mga bagay silang hindi napagkasunduan ni Direk GB kaya sila naghiwalay noong December 1, 2010. Tumagal din ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

"Hindi lang kami siguro jibe or hindi nagkasundo," sabi niya sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi ba maayos ang paghihiwalay nila?

"Sabihin natin, tapos na naman, e. Okey na," iwas ni Candy.

Basta hindi raw niya isinisisi lahat kay Direk GB kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila. Sa isang relasyon, pareho lang daw may kasalanan at may pagkukulang ang dalawang tao kaya sila nagbi-break.

AI-AI DELAS ALAS. Nadawit ang pangalan ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa breakup nina Candy at Direk GB. Pero sa isang panayam ng direktor ay sinabi nitong walang kinalaman si Ai-Ai sa paghihiwalay nila ni Candy at magkaibigan lang sila. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang naramdaman ni Candy na ipinagtanggol ni Direk GB si Ai-Ai?

"I think karapat-dapat naman na i-defend niya, di ba?" tugon niya.

Lalo na kung hindi totoo?

"Oo," mabilis niyang sagot.

Sa palagay ba niya ay may namagitan kina Direk GB at Ai-Ai?

"Wala daw, e. At kung meron, wala na kami, e," sabi ni Candy.

Okey na ba sila ni Ai-Ai?

"Hindi ko nga alam kung bakit nagalit siya, e. Galit yata siya sa akin, e."

May balita kasi na siya raw ang nagkakalat na si Ai-Ai ang "third party" sa breakup nila ni Direk GB. Ano ang masasabi ni Candy rito?

"Wala naman akong kinakalat. Wala nga po ako alam. Sobra akong naging busy. Wala naman akong pinaparating. Kung may third party man, hindi siya," sabi ng comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nagsimula raw ang pagkakadawit ng pangalan ni Ai-Ai sa Twitter?

"A, hindi naman," sabi ni Candy. "Marami kasing tweet na nami-misinterpret. Kung minsan, inaangkin na, di ba?

"Hindi ko sinasabing bawal mag-tweet, pero ang natutunan ko dun ay 'wag mo na lang i-tweet yung mga nararamdaman mo dun kasi nami-misenterpret ng tao."

Dagdag niya, "Sa Twitter, nag-sorry kasi ako, kasi na-offend sila. Actually, it's not meant for them. Kasi that time, hindi ko pa nga alam ang tungkol sa isyu."

UNANSWERED TEXT. Never ba siyang nagsalita ng anuman laban kay Ai-Ai?

"Malaki ang respeto ko kay Tiyang Ai para pagbintangan siya of anything," sabi ni Candy.

Kung magkita sila, ano ang una niyang sasabihin dito?

"Babatiin ko siya. Actually, nag-text na ako, nagpaabot na ako sa kanya ng paumanhin. Nagsabi na ako ng 'Tiyang, wala po akong sinasabi ng ganun.'"

Two weeks ago raw siya nag-text, pero hanggang ngayon ay hindi pa siya sinasagot ni Ai-Ai.

Ni minsan ba ay hindi ba siya nagselos kay Ai-Ai?

"Hindi nga ako nagkaroon ng panahon na malaman kung ano ang nangyayari, e. Pinapaabot lang nila sa akin.

"At saka, parang hindi si Tiyang Ai ang tao na... Naiintindihan n'yo ang ibig kong sabihin? Parang hindi si Tiyang Ai yung mananakit, or alam niyang naghiwalay kami tapos... Hindi siya ganoon, e," saad ni Candy.

So, saan nanggaling yung isyung nagselos daw siya kay Ai-Ai?

"Hindi ko nga alam. Ngayon lang ako nagsalita ever. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko," aniya.

Pero may isyu na minsan ay nalasing daw siya sa isang bar, nag-ikot-ikot siya sa mga mesa at ikinukuwento niyang si Ai-Ai ang dahilan ng hiwalayan nila ni Direk GB. Totoo ba ito?

"Narinig ko rin 'yan," sabi ni Candy.

"Uminom talaga ako, pero hindi ako nagpalipat-lipat sa ibang table. At hindi ako lasing. Walang ganoon na sinabi kong si Ai-Ai ang dahilan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RECONCILIATION. Kumusta sila ni Direk GB ngayon? Nagkausap na ba sila?

"Walang pagkakataon dahil pareho kaming busy. Hindi ko talaga alam. Ngayong tinatanong n'yo sa akin, ngayon ko pa lang iisipin kung okey kami!" sagot niya sabay tawa.

Natawa rin si Candy nang tanungin kung iniisip ba niya ang salitang "reconciliation" sa kanilang dalawa ni Direk GB.

"Ayusin muna namin ang mga buhay-buhay namin. Mahirap kasi ang magsalita ng tapos. Hayaan na lang natin. Huwag nating i-predict. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future," aniya.

Masaya ba siya ngayon?

"Oo naman. Maayos naman," sagot ni Candy.

Naka-move on na ba siya?

"Oo naman. Hello po, positive! Positive lang tayo."

May lovelife na ba siya ulit ngayon?

"Meron akong anak!" tawa ni Candy. "Alone but not lonely.

"Siguro kailangan kong magpahinga. Lahat tayo siguro kailangan ding magpahinga. At saka marami akong ginagawa para isipin kung anu-ano."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN