Arci Muñoz starts preparing for Binibining Pilipinas 2012 as early as now

"Ngayon pa lang kasi naghahanda na ako. Para next year, handang-handa na ako. Bata pa kasi ako gusto ko nang sumali sa Binibini," says Arci Muñoz about her plan to join Binibining Pilipinas next year.


Marami ang nakapansin na tila blooming, slim, at lalong gumaganda si Arci Muñoz nang makita siya ng entertainment press na dumalo sa presscon ng tatlong bagong shows ng TV5 tuwing Linggo—ang Pinoy Samurai, Lucky Numbers, at Fantastik—sa Broadway Centrum. Sa Fantastik kasama si Arci.

Ayon kay Arci, nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inspired lang kasi siya sa kanyang trabaho ngayon.

Dagdag pa niya, "Sa pamilya kasi namin, dumadating sa point na pagtagal, pumapayat talaga kami, as in payat talaga. Siguro na-reach ko na yun kaya sobrang slim na ako."

Inamin din ng young actress na kasama ang pagpapayat niya sa kanyang paghahanda para sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas sa susunod na taon.

"Ngayon pa lang kasi naghahanda na ako. Para next year, handang-handa na ako. Bata pa kasi ako gusto ko nang sumali sa Binibini," sabi ni Arci.

Anong korona ba ang gusto niyang masungkit kung saka-sakali?

"Siyempre, yung pinakamataas, yung Bb. Pilipinas-Universe," sagot niya. "Wala naman kasing masamang mangarap, di ba? Kaya nga ngayon pa lang, pinaghahandaan ko na.

"O kaya Miss World. Yun nga lang, sabi nila hindi na daw connected sa Binibining Pilipinas Charities ang Miss World."

WRONG MOVE? Sa paglipat ni Arci mula sa GMA-7 papuntang TV5 ay may nagsasabing lumamlam daw ang career niya. Noon daw kasing nasa Kapuso network siya ay isa na siya sa itinuturing na top young kontrabidas.

Ano ang masasabi niya rito?

"Ako naman kasi, before I made the decision na mag-transfer sa TV5, marami rin akong kinausap. Siyempre hiningi ko yung advice nila, siyempre hiningi ko yung advice ng parents ko. In every decision ko naman kasi, I consult my mom and my dad."

Paliwanag pa niya, "After kasi nung show ko na yung sinasabi nilang bonggang role ko sa Ngayon at Kailanman, medyo naging secondary kontrabida na ako doon sa mga next projects ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, during the time na nasa GMA-7 ako, hindi ko talaga alam kung saan nila ako gustong ilagay. Biruin mo kasi, from bongga, bigla na lang nila akong binalik bilang secondary kontrabida.

"Kaya naman sabi sa akin ni Tita [Annabelle Rama, her manager], tapos na naman yung kontrata ko, siguro this is the time na mag-explore naman ako sa iba dahil sila [TV5] naman yung may offer sa akin.

"Kaya naman I told my mom and dad about it. E, si Papa, pinsan niya yung isa sa boss ng GMA. Kaya sabi niya sa akin, sige, kausapin niya raw si Kuya Jimmy."

Ang tinutukoy ni Arci na boss ng GMA-7 ay si Mr. Jimmy Duavit, na siyang tumatayong President at COO ng Kapuso network ngayon.

Patuloy niya, "Pero ako naman kasi, parang ayoko namang humingi ng konting pabor. Mas magandang binibigyan nila ako ng projects kasi maganda yung performance ko. Kasi, trabaho na yun ng manager ko na hanapan ako ng magandang proyekto, at yun naman ang ginawa ni Tita Annabelle.

"Tapos, sinabi ko kay Tita Annabelle na, 'Tita, wala na akong work. Ano na plano mo sa akin?' Tapos sabi niya sa akin, 'Naku, 'Day, bakit hindi mo kaagad sinasabi sa akin. O, sige, gusto mo ba mag-TV5?' Tinanong niya ako agad. And then, sinabi ko sa kanya na, 'Sige, Tita, pag-isipan ko.'

"Kinausap ko yung parents ko. Sabi ko, 'Ma, what do you think?' Sabi niya, 'The choice is, you talk to Kuya Jimmy, ask for help, o lumipat ka sa TV5' on my own na.

"Ayun, napagdesisyunan namin na unahin muna ang TV5 kasi sila yung may offer. E, wala na naman akong kontrata [sa GMA-7] kaya tinanggap ko yung My Driver Sweet Lover as kontrabida din.

"Ako naman kasi," sabi pa ni Arci, "gusto ko lang mag-work. Workaholic kasi ako. 'Tsaka gusto ko talaga mag-explore. Kung artista ka, gusto mo ma-reach yung peak mo. Like Eugene Domingo is a good example. Siya, sobrang boom na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman, happy naman ako sa TV5 kasi binibigyan naman nila ako ng projects at hindi ako nawawalan. Like after My Driver Sweet Lover, may bago akong show. Ito yung Fantastik, kasama ang iba pang young stars ng TV5."

LAUNCHING PROJECT. Balitang ilu-launch na ng TV5 si Arci bilang bida sa isang primetime series. Totoo ba ito?

"Sana nga, pero wala pa talagang tentative title," sabi niya. "Ang working title niya is Halimuyak. Nag-iisip pa sila ng ibang title.

"Sana matuloy siya para masubukan ko rin namang magbida sa sarili kong soap. Pero sa ngayon, busy muna ako bilang isa sa hosts ng Fantastik at guestings sa iba't ibang shows ng TV5."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN