John Lloyd Cruz on relationship with Shaina Magdayao: "Masaya kami, okay kami."

"Right now po, masayang-masaya po kami, walang problema, and okay kami," assures John Lloyd Cruz about his relationship with Shaina Magdayao.


Masayang-masayang nakilahok ang mga pangunahing celebrity endorser ng isang pizza chain na sina John Lloyd Cruz at Anne Curtis sa games at Q&A na inihanda para sa kanila nitong hapon, Pebrero 22, sa SM North Edsa, Quezon City.

Kasama rin nina John Lloyd at Anne sa media event ng Greenwich ang iba pa nitong endorser na sina Kelly Misa, Mikaela Lagdameo-Martines, at Lloyd Zaragosa.

Sa mala-quiz show na programa, ilan sa mga miyembro ng press ang nagtatanong kung magkakaroon kaya ng pagkakataong magkasama sa isang proyekto sina Anne at John Lloyd.

Nang tanungin ito ng media kay John Lloyd, makikita na sa kanyang sagot na nais rin niya itong mangyari.

Sabi pa ng three-time Box Office King, "Sana mabigyan kami ng pagkakataon. Sana mabigyan kami ng chance."

Nabanggit din ni John Lloyd na sana dumating din ang panahon na magkaroon ng proyektong bagay talaga sa kanilang dalawa.

"Sana magkaroon ng script na... Kami namang mga artista, karamihan sa amin, I'm sure si Anne mag-a-agree, kapag nakatagpo kami ng script na babagay sa aming dalawa, sana maisip kami ng Star Cinema or maisip kami ng kung sino ang may hawak."

"MASAYANG-MASAYA PO KAMI." Napag-usapan din sa event ang tungkol sa kanila ng kanyang girlfriend na si Shaina Magdayao.

Kinuha ni John Lloyd ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa mga taong nagpakita ng kanilang concern sa kanila ni Shaina.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, muli na namang naging laman ng mga entertainment headline sina John Lloyd at Shaina matapos aminin sa publiko ni Ruffa Gutierrez na nakatanggap siya ng tawag mula sa huli. (CLICK HERE to read related article)

Para naman patunayan na matibay pa rin ang kanilang relasyon, sinabi ni John Lloyd sa media na, "Masaya kami, okay kami."

Dagdag pa ng Imortal actor, "Ang masasabi ko lang, wala nang dapat ipagalala ang mga taong nag-e-express ng concern noong mga nakaraang buwan. Right now po, masayang-masaya po kami, walang problema, and okay kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit rin ni John Lloyd na ang mga intrigang dumadating sa kanila ay parte lamang ng mga pagsubok sa kanilang relasyon.

"Parang ang magpapatibay naman sa isang relasyon ay 'yong mga pagdadaanan ninyong pagsubok. Ayon, ito kami ngayon."

IMORTAL SUCCESS. Tuwang-tuwa rin sa John Lloyd sa mga taong masugid na sumusubaybay sa fantaserye nila ni Angel Locsin, ang Imortal.

Hindi bumababa sa top five primetime shows ang Imortal sa parehong AGB Ratings at Kanta/TNS ratings. Kahapon, Pebrero 21, pumalo sa 27.6 ang rating nito laban sa katapat nitong show na I Heart You Pare ng GMA-7 na may 16.4 percent lamang sa Kantar/TNS ratings. Sa AGB, nagtala ito ng 13.2 percent laban sa 11.3 percent ng kalabang programa.

"Nagpapasalamat ako dahil ang daming tumututok, ang daming nagsasabi kapag maganda 'yong episode. Like last night, ang daming nagte-text. Huwag muna kayong magalit. Pero nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nanonood, sumusubaybay, at tumatangkilik sa Imortal," pahayag ni John Lloyd.

Sa nakaraang episode ng Imortal, nagkaroon ng kissing scene sina John Lloyd at Angel. Ngunit agad naman dinepensa ni John Lloyd na hindi nagiging isyu ang ganitong eksena sa relasyon nila ni Shaina.

Aniya, "Trabaho 'yan, e. It's about work and talagang namang ibang paraan para hindi pabayaan 'yong respeto sa ginagawa. Kasi, trabaho 'yan, e. It's not like parang in-orchestrate mo na mangyayari 'yan."

Sa darating na Sabado, muli namang maipapareha si Shaina sa dati niyang onscreen partner na si Rayver Cruz sa weekly drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Sa halip na mabahala, inaabangan pa ito ni John Lloyd.

Aniya, "I can't wait to see the episode. Napakainteresting noong [episode] base sa narinig ko sa kanya. Kasi, parang may ginawa siya... Gusto ko nang mapanood."

Nang tanungin ng isang miyembro ng press kung may nararamdaman siyang selos, ngumiti ito at sinabi, "Sobra!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN