Angel Aquino sheds light on breakup with boyfriend of four years Lui Villaruz

"Si Lui and I meron na talaga kaming differences. In the course of the relationship, meron na kaming mga differences, but we would always just try to either shrug it off or work it out. Parang gano'n. Pero ito na talaga yung I know na hindi niya matatanggap. So, I did not force the issue on him na lang. Na parang he's a friend of mine [the businessman]. E, hindi niya talagang... I guess he can't live with it. He can't accept it," says Angel Aquino about her breakup w


Sinagot ni Angel Aquino sa presscon proper pa lang ng Us Girls 5th anniversary press conference kanina sa Cerchio, Sct. Limbaga, Quezon City ang tanong kung may third party bang involved sa paghihiwalay nila ng boyfriend of four years niyang si Lui Villaruz.

"Of course, in his part, maybe he's hurt about something. But as far as I know... and concerned, there's no third party involved. Wala po talaga. I'm not with anyone else. I did not have any relationship with someone else while with Lui," pahayag ni Angel.

ON AND OFF RELATIONSHIP. Sa solong pakikipag-usap ng 38-year-old model turned actress sa mga reporter pagkatapos ng presscon, nilinaw niyang hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na nag-break sila ng kanyang 33-year-old TV personality-businessman boyfriend.

"Kami ni Lui we would be on and off, in those four years, but we just wouldn't tell people. Kasi para sa amin, di naman kailangan, di ba? Parang... then when you meet someone and people seeing you with another person, that's it, and you want to talk about it, then you talk about it. Pero hindi na namin ia-announce na, 'O hindi na kami ni Lui.' Kasi you're inviting intrigue pa, e."

May nasulat na hindi raw kasi nagustuhan ni Lui ang Bottomline interview ni Angel noong nakaraang buwan (CLICK HERE to watch the clip). Nabanggit kasi ni Angel na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya at hindi niya kailangan ang kasal. Ito nga ba ang dahilan ng paghihiwalay nila?

"No, no, no, no," tanggi muna ni Angel. Pagkatapos ay tila tinimbang muna kung maaaring bahagi nga ito ng dahilan ng paghihiwalay nila ni Lui.

"I guess...I guess so. I think medyo masyadong nag-stick sa utak niya what was said there. And he knew that it was broadcasted to a lot of people. So, I guess, he felt conscious that people were thinking, 'O, wala naman pala siyang participation sa life ni Angel.' Maybe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But what I meant was, even if I were with someone or not with someone, I'd still be happy because I have my family and I have my kids. But at that time that Lui was in my life, he was making me laugh, he made me smile. Kumbaga, he was giving me things that my family and my children couldn't give me. So that was his participation in my life. And you cannot discount that....

May nagbanggit na kasama na siyempre, ang sex.

"Sex... Ay, 'wag na nating isama. I mean... No, no, we did not live together," medyo nahihiyang sabi ni Angel bago nagpatuloy muli.

"So, yun, may mga bagay akong nakukuha from Lui na I wouldn't get from my family and my children and even my friends. And yun nga yung sinasabi n'yo na someday, we'll grow old together. And you would appreciate all these things that we're doing. Now, obviously we won't grow old together," may ngisi sa dulong banggit pa niya.

TIRED OF WAITING? Sa mga nakaraang interview kasi kay Angel at sa kasintahan nito, very vocal si Lui sa intensyon nitong pakasalan siya. Baka naman napikon o napagod na si Lui sa katatanong kay Angel kung pakakasal na ito sa kanya?

"Maybe, also. Kasi lagi kong sinasabi sa kanya, parang, 'I don't know why you're sticking with me, when you're so young, there are a lot of young women na walang anak. You don't have to deal with these things. So I guess, finally, nag-sink in na rin sa kanya. He knows he can get a better deal," natawa pa si Angel pagkasabi nito.

Gusto raw talaga ni Lui na magpakasal na sila, sa kabila ng hindi pagkagusto ng mga anak ni Angel dito. Pero para kay Angel at gaya nga ng nabanggit na niya sa Bottomline, hindi na kailangan pa ng kasal para sa isang magandang pagsasama. Nanggaling na raw kasi siya sa isang relasyong dumaan sa kasal at nakita kung paanong nasira ito at kung paanong naapektuhan ang mga tao sa paligid niya, lalo na ang mga anak niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I've been in a marriage, and I know what would make a marriage work, and what are things that won't make it work. And I saw that, e. So, sabi ko, imagine if this happened and we were married? E di another broken marriage for me. And I didn't want that again.

"I didn't want my children to go through that. It's really my children that I am protecting naman. Kaya naman, I didn't want to get married again, and they'd see that it would be another failed marriage."

Lalo na ngayon na may college student na siyang anak, si Iana, na lumabas pa sa Bottomline bilang member ng panel na magtatanong kay Angel.

"My eldest is 17. You know, she'd be meeting boys, and she would be asked to be in a relationship, and maybe get married someday, I mean, she'll go through that. I've made mistakes and they've seen that. Ayoko na, na dire-diretso na hanggang ngayon gano'n pa rin ang nakikita nila."

In fairness daw kay Lui, naging mabuting boyfriend naman ito sa kanya. Nag-attempt din daw itong maging close sa mga anak niya.

"Yun pa, they weren't that close to Lui. But Lui reached out. He would say, 'Let me cook for the kids.' He would reach out. You know, he was good boyfriend. He was faithful."

RICH BUSINESSMAN. Pero may mga usap-usapan namang mayroon daw talagang third party na siyang nakasira sa relasyon nila ni Lui, sa katauhan ng isang mayaman at may edad na businessman.

"Ahm, may nanligaw talaga na businessman. But... hindi naman siya actually nanligaw. Pero naging mabait lang siya sa amin and then he became friends with the family. That's the whole truth to it. 'Tapos feeling ko, si Louie he should be the one in the family, not that man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumasok daw sa eksena ang mayamang businessman habang sila pa ni Lui. Kahit na kaibigan lang ang turing ni Angel sa lalaki, tila nakagatong daw ito sa mga personal differences nila ni Lui noon pa.

"Si Lui and I, meron na talaga kaming differences. In the course of the relationship, meron na kaming mga differences, but we would always just try to either shrug it off or work it out. Parang ganon. Pero ito na talaga yung I know ha hindi niya matatanggap. So I did not force the issue on him na lang. Na parang he's a friend of mine [the businessman]. E, hindi niya talagang... I guess he can't live with it. He can't accept it."

Kinumpronta pa raw siya noon ni Lui tungkol sa nasabing mayaman na businessman.

"He confronted me in a weird way," natatawang kuwento ni Angel. "In a very... It was very compromising for me nung time na yun, that's how I felt. 'Tapos that when he presented the 'evidences' na mga ganon. So I told him, I told him naman, I don't know why...

"Kasi nung time na yun, hindi na ako nagsalita. Kasi no matter... If someone believes so much in something, no matter what you tell them, hindi na talaga..."

Isang beses na lang din daw siyang nag-text kay Lui matapos nilang maghiwalay. Hindi na niya sinagot pa ang mga text messages nito.

"Ako kasi, I believe that words are very powerful. And once you let something out, mahirap na 'yan ibalik, e. So, I'd rather just not say anything. I don't know if it's bad, but until now, he's convinced... dun sa pinaniniwalaan n'ya. I believe that someday he will find out the truth."

Sa pinagdaanan ni Angel, sa pamilya niya muli siyang kumukuha ng lakas, lalo na sa mga anak niyang sina Iana at Thea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think that's also one thing that's keeping me peaceful and not so worried. Kasi I know that my kids know everything. I would talk to them, I would talk dun sa buong relationship namin ni Lui, nakita nila lahat. And they know how I feel about Lui, I know how they feel about him. Alam kong nothing can hurt them, because they know the truth. Yun lang naman yung kasasakitan ko, e. Pagka nasaktan yung family ko and my kids," sabi pa ni Angel.

DATING MISS EARTH. Sa ngayon, napapabalitang may idine-date daw na Miss Earth title holder si Lui.

"I heard also. He texted me, e. Ha-ha-ha!" tawa ni Angel.

Parang pinaalam lang daw sa kanya ni Lui bago pa raw niya malaman sa iba.

"Sabi niya, 'O, bago mo marinig sa iba, sasabihin ko na sa iyo na I'm dating Miss Earth.' And I'm happy for him. I'm very, very, very, very happy for him." Wala raw siyang ideya kung current o past Miss Earth title holder ang dine-date ngayon ng ex-boyfriend. Hindi na raw siya nagtanong at wala talaga siyang balak pang mag-text back dito.

Makakaramdam ba siya ng sama loob kung sakaling ito ngang dine-date ngayon ni Lui ang pakasalan nito?

"No, I won't feel bad. That's his life. You know, the whole time that Lui and I were together, I just wanted him to be peaceful and happy. Kasi I can sense na with me, he was so restless na in a way na, he was always worried about me, worried about me having a hard time with my family. Hopefully, right now, with his new relationship, it'll be so smooth and all love for him."

NO SUITORS FOR NOW. Wala munang gustong i-entertain na manliligaw si Angel.

"I'm not seeing anyone right now. Not for a long time siguro..." aniya pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At ang mayaman na businessman?

"Ahm... I told him because of what happened, I really have to keep my distance. Because people nga might think there's truth to what's going around, di ba? I just said na I don't want people to think na I'm making money off of you, o parang may sugar daddy ako. Ayokong isipin nila ng ganyan.

"Kasi ako, all these years, I've always just relied on my own. Never asked help from anyone, not even from the father of my kids, 'tapos biglang may darating lang na ganyan. That's unfair. That I think is very unfair."

NOT IN CONTROL OF OPINIONS. Tanggap naman ni Angel na hindi niya kontrolado ang mga magiging opinyon ng mga tao tungkol sa nangyari sa kanyang relasyon kay Lui.

"I don't think I have any control. Wala akong magagawa dun. Like kayo rin, I don't know what's going on in your mind," patungkol niya sa mga nag-i-interview na mga reporters.

"Ako I hold on to the truth. Yun lang, wala talaga akong magagawa dun. Of course, nung umpisa, that was the thing that was painful to me. Yung umpisa, talagang sabi ko, I've taken good care of my image, my personality in this business.

"Naniniwala ako na yung mga tao na nakakakilala talaga sa akin, wouldn't believe any... Because they think there's a rich man?

"Yung sa akin lang kasi, if I wanted that in my life, I would have done it a long time ago. There have been opportunities, chances. But hindi kasi yun ang importante sa akin. And I just wished he [Lui] trusted me when I said that. I don't know why he didn't."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN