Geoff Eigenmann surprised by his team-up again with girlfriend Carla Abellana after just one show

"Hindi ko lang akalain na ganito kabilis, just after one show. I thought she'll be gonna paired with someone else also, pero hindi na nangyari yun. Kami na ulit. Surprise nga na pinagsama kami ulit," says Geoff Eigenmann about being paired again with Carla Abellana in Magic Palayok.


A day before Valentine's day ay nag-dinner ang magkasintahang sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa isang hotel. Pero kasama raw nila ang kapatid ng young actor na si Ryan Eigenmann and his wife, gayundin ang pinsang si Gabby Eigenmann and his wife.

Other than that, ayon kay Geoff, wala na silang ibang selebrasyon ni Carla noong Valentine's day mismo. But it doesn't mean daw na wala siyang effort para sa girlfriend kahit pa first V-day nila this year bilang magkasintahan.

"It doesn't have to be Valentine's to surprise your loved ones. Happy naman kami," sabi ni Geoff nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa presscon ng Magic Palayok last Tuesday night, February 22, sa Studio 7 ng GMA Network.

Kuwento pa ni Geoff, binigyan din niya ng white roses si Carla na ang ibig sabihin daw for him ay "purity and love."

FIFTH SHOW TOGETHER. Kumusta naman ang working relationship nila ni Carla sa Magic Palayok ngayong magkasintahan na sila?

"We're doing good. We're very happy. Wala na yung away-away, wala na," sagot ni Geoff.

"Although, once pa lang kaming nagkakasama sa set. Pero as much as possible, hindi kami sweet. Kasi, may mga kids din. Delikado."

Pang-limang shows na raw nila ni Carla ang Magic Palayok, na magsisimula na sa Lunes, February 28. Pero bago ito ay napabalitang paghihiwalayin muna sila, tulad nang naipareha si Geoff kay Glaiza de Castro sa Grazila, at si Carla naman ay ipapareha sa ibang Kapuso actor.

Posible kayang ang pag-amin nila sa kanilang relasyon ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang paghihiwalay muna nila onscreen?

"Hindi naman," sagot ni Geoff. "I did Grazilda and while I'm busy doing Grazilda, si Carla naman was busy doing movie. She did Shake, Rattle and Roll for the filmfest at may mga commercials din siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko lang akalain na ganito kabilis, just after one show. I thought she'll be gonna paired with someone else also, pero hindi na nangyari yun. Kami na ulit. Surprise nga na pinagsama kami ulit."

TITA CHERIE. Natutuwa rin si Geoff na magkasama ulit sila ng kanyang tita na si Cherie Gil sa Magic Palayok. Una silang nagkasama sa Grazilda.

"Kapag may scenes nga kami together, kinakabahan ako kasi bigla siyang nagbabago. Kapag action na, 'Hindi si Tita Cherie 'to, a!' May ganoon, she's really into the character. Nakakagulat.

"Kasi sa Grazilda, hindi kami masydong nagka-conflict sa mga scenes namin. So, nakakagana to do better for the show," saad ni Geoff.

Hindi ba siya nai-intimidate kay Cherie kahit tita niya ito?

"She's very, very intimidating. Iba, e...iba talaga. Hopefully, masabayan ko siya," sagot ng young actor.

CARLA'S DAD. Nang tanungin naman tungkol sa relasyon nila ngayon ng ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, sinabi ni Geoff na wala na raw problema sa kanila.

"Okay naman," nakangiti niyang sabi.

"Actually, yung isyu na yun, parang may nasabi siya, hindi ko naman napanood or nabasa. And, I think, hindi naman direkta to me. I think, he was just saying anyone in showbiz. I think, he grew up in show business."

Nakapag-heart-to-heart talk na ba sila ng ama ni Carla?

"Hindi naman heart-to-heart talk but when we saw each other, he apologized for it actually. Sabi ko, 'Tito, it's no problem, I understand naman.'

"And he was so happy na magkakasama kami noon. Nandoon ang mga anak niya and pati kami," kuwento ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN