Keempee de Leon misses doing drama but is willing to do gay role again

"Ako naman, very open naman ako diyan, nandiyan yung work. Nandoon din naman yung request ng management na kung puwede kong gampanan. Sige, gawin ko," says Keempee de Leon about portraying another gay character.


Dalawa ang magiging shows ni Keempee de Leon sa TV5. Una ang remake ng Iskul Bukol at pangalawa ang Sunday franchise game show mula sa Europe na Lucky Numbers kunsaan co-host siya ni Eugene Domingo.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Keempee noong Lunes, February 21, nilinaw niyang kahit saang TV network siya magpunta, malaya siyang makakapagtrabaho sa alinman.

"Hindi naman ako under contract or anything. Ako naman, e, kung saan may trabaho at kung saan may offer, I go for it," sabi niya.


NOT EXCLUSIVELY KAPATID. Nilinaw ni Keempee na wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa TV5, pero bukas siya sa oportunidad na maging contract talent ng Kapatid network.

Pero ngayong dalawa na ang shows ni Keempee sa TV5, malabo na siyang gumawa pa ng ibang shows sa ibang networks gaya ng GMA-7.

"Ang puwede lang sa akin, or yung show ko lang sa kabila ay ang Eat Bulaga! which is under TAPE Inc. naman. So, walang conflict doon.

"Alam naman ni Tita Malou [Choa-Fagar, SVP of TAPE Inc.] na may gagawin akong show sa TV5. And nagpaalam din naman ako sa isa mga PM [production manager] no'ng bago in-offer sa akin yung Lady Dada. Tapos, nabigyan uli ng show sa TV5, yung My Driver Sweet Lover," saad ng actor-TV host.

Matagal daw nabakante si Kempee sa GMA-7 kaya tinanggap niya ang alok ng TV5.

"Kasi, after no'ng last kong ginawa sa GMA na Full House nina Richard Gutierrez and Heart Evangelista, mga five or six months din akong walang ginawa.

"Hindi naman ako yung nanghihingi ng project. Kung ano lang yung in-offer sa akin, doon lang naman ako nagbi-base, e," sabi niya.

May dalawang linggo pa lang daw ang nakalilipas mula nang inalok kay Keempee ang Lucky Numbers.

"Last minute lang nga siya actually," aniya. "Yun nga, no'ng malaman ko na si Eugene Domingo yung host and they came up with an idea na magkaroon sila ng male co-host, tinawagan ako ng TV5. 'Sige, okey. Walang problema.' Then, ipinaalam ko kay Daddy [Joey De Leon]. 'Sige, trabaho naman 'yan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung Iskul Bukol, sabay na in-offer sa akin. Ako naman, happy naman ako. Kasi kahit paano, nandoon yung concern nila na mabigyan ako ng trabaho. Okey naman."

ANOTHER GAY ROLE. Panibagong gay role na naman ang gagampanan ni Keempe sa Iskul Bukol.

"Parang closet siya, e," simula niyang kuwento tungkol sa kanyang character. "Anak siya ng dean ng university na ayaw niyang ipaalam sa lahat na bading siya. Ang nakakaalam lang yung tatlong babaeng estudyante na kaibigan niya.

"Naiinggit naman yung mga lalake dahil sa dinami-dami ng mga lalake doon, sa akin close yung mga babae. Hindi nga nila alam na closet ako. Sila, papa-cute, papa-porma, pero hindi sila pinapansin no'ng mga babae. E, sa akin nakakapit talaga yung mga girls."

Wala na raw mairereklamo pa si Keempee kahit madalas ang paglabas niya ng gay character dahil ito ang trabahong ibinibigay sa kanya.

"Ako naman, very open naman ako diyan, nandiyan yung work. Nandoon din naman yung request ng management na kung puwede kong gampanan. Sige, gawin ko," saad niya.

Nami-miss din raw ni Keempee ang gumawa ng drama roles.

"Naging open naman ako after Lady Dada, nasabi ko naman sa EPs, 'Gumawa naman tayo ng drama kahit magkontrabida ako.' Sabi nila, hahanap daw sila na kung anong show na puwede. So far, 'eto pa lang naman yung ibinibigay. Waiting lang ako para doon sa drama."

Ano ang reaksiyon ng anak niyang babae sa walang tigil na pagpu-portray niya ng gay character?

"Noong una, medyo nag-aalangan siya. 'Yuck, Dad! You're so gay!' Mga 10 years old siya that time. Sabi niya, 'Yuck! You're so kadiri! You're so gay!'

"Sabi ko, 'That's work. That's how I feed you. It all comes from there.' Naiintindihan naman niya. 'Yuck! You're gay again?' Pero okey naman, lagi siyang nanonood. Pinapanood naman niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fourteen years old na raw ngayon ang kanyang anak na babae, si Sam.

May apprehensions pa rin ba ang anak niya sa pagpu-portray ni Keempee ng gay character?

"Okey lang naman sa kanya, e. Kasi nabibili ang gusto niya!" natatawang sabi ni Kempee.

DADDY KEEMPEE. Spoiled ba ang anak niya sa kanya?

"Medyo, medyo," pag-amin niya. "Pero naku-control ko naman, e. Kung ano yung kailangan niya for school."

Naibili niya na ba ng sasakyan ang anak niya?

"Hindi pa. Fourteen pa lang siya. Ang mga naibibigay ko pa lang sa kanya, cell phones.

"Tapos, papabili ng laptop. Sabi ko, 'Hindi. Gamitin mo na yung laptop ko.' Kung ibibili ko siya, mahirap na baka manakaw pa 'yan. E, ilang cell phones na rin ang nawala sa kanya, na nanakaw sa kanya."

Napabuntung-hininga naman si Keempee nang sundan namin ng tanong kung mamahalin ba ang mga cell phone na ibinibigay niya sa anak.

"Okey lang," tugon niya na nasa hitsura niya na tila kinukumpirmang mamahalin nga ang cell phones na ibinibigay niya sa anak.

Plano ni Keempee na bilhan ng sasakyan ang anak pagsapit nito ng kanyang 18th birthday.

"Okey na yung age na yun para may sarili siyang driver o kaya makakapag-drive siya. Pero I prefer na may driver siya, mahirap na, kasi maraming loko sa daan, e. Kung ano lang ang driver niya, ako na ang magda-drive para sa kanya," sabi niya.

Hindi kapiling ni Keempee ang anak dahil sa lola nito sa mother side nakatira ang bagets. Pero kuwento ni Keempee, gusto nitong pumunta sa tinitirhan niya ngayong linggo. May maliit na tirahan si Keempee sa likod ng bahay ng ama niyang si Joey sa Valle Verde.

Aminado naman si Keempee na very protective siya sa kanyang dalagita.

"Ngayon ko nararamdaman na hindi lang sa edad... Kasi nakita ko rin sa ate ko [Cheenee de Leon] kung paano niya i-handle. Actually, yung isang anak ng ate ko, halos kasing-edad niya, babae rin. Two to three months lang ang pagitan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, ang daming umaaligid. Ano pa kaya yung anak ko? Kaya lagi kong nire-remind dahil mahilig siyang mag-mall. Magpapaalam siya sa lola niya na, 'Mama, I'm going to the mall after school.' O, sige. Oorasan ko siya kung anong time siya babalik. Like an hour.

"Pag lumagpas ng 10 minutes, sasabihin ko, 'Why are you late?' Hindi naman ako mahigpit. Medyo nag-aalala lang ako kasi may mga nanliligaw na rin kasi. Pero sabi niya, 'Yuck! I don't entertain boys.' Sabi ko, 'You better not right now. You should study first.'

"Hindi naman ako gaya ng ibang magulang na maya't maya, remind lang ako. Nanonood lang siya ng mga concert. Nagugulat nga ako, nagpapaalam, may concert daw siya, manonood daw kay Taylor Swift.

"Aba, wala akong alam sa mga nangyayari! Ang kausap niya, ang stepmom ko, si Tita Eileen [Macapagal]. Nakikita ko na lang sa Facebook na may mga ticket na manonood na ng concerts!

"Nakakaaliw lang kasi barkada ko. Pag lumalabas kami, napagkakamalan lagi, 'Kapatid mo, Sir?' 'Hindi, anak ko.' 'Hmmm, nagbibiro lang kayo.' Walang maniwala na anak ko!" natatawang kuwento ni Kempee.

Hindi apelyido ni Kempee ang dala-dala ng kanyang anak kundi ang sa ina nito. Ipinanganak daw kasi si Sam sa U.S.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN