Marian Rivera says it was Dingdong Dantes who told her about the spirit of EDSA People Power

"Si Dong na ang nagkukuwento sa akin na ganito pala noon sa EDSA at ito ang ipinaglaban ng maraming kababayan natin. Kaya mas naiintindihan ko ngayon yung sinasabi nilang diwa ng EDSA. Ito pala yung nagtutulungan kayo kahit hindi kayo magkakakilala. May damayan at pagpapakita ng malasakit sa kapwa mo. Kaya dapat lang na ipagpatuloy 'yan ng maraming kabataan natin. Hindi dapat mawala ang ipinaglaban ng maraming Pinoy 25 years ago," says Marian Rivera.


Kahit sobrang busy ang schedule ni Marian Rivera, hindi pa rin siya nawala sa event na pinangunahan ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes, ang "EDSA Babies: Congrats Mga Sikat," na ginanap kahapon, February 23, sa SM City Skydome.

Pinasaya ni Marian ang mga kabataan na dumalo sa naturang event na may kinalaman sa 25th anniversary ng EDSA People Power. Pinangunahan ni Marian ang pagkabit ng isang mensahe sa itinayong EDSA Freedom Wall. Inengganyo rin niya ang mga kabataan na maging masipag sa kanilang pag-aaral dahil sila ang magiging kinabukasan ng bayan.

Inamin ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na wala pa siyang kamuwang-muwang sa nangyari sa EDSA noong 1986 dahil two years old pa lang siya noon. Kadarating lang daw niya noon sa Pilipinas mula sa Madrid, Spain, kunsaan siya ipinanganak.

"Wala pa talaga akong alam sa kung anu-ano dahil batang-bata pa ako. Pero si Dong, mga five years old na raw siya noon at may mga natatandaan siya sa nangyari. Kaya si Dong na ang nagkukuwento sa akin na ganito pala noon sa EDSA at ito ang ipinaglaban ng maraming kababayan natin.

"Kaya mas naiintindihan ko ngayon yung sinasabi nilang diwa ng EDSA. Ito pala yung nagtutulungan kayo kahit hindi kayo magkakakilala. May damayan at pagpapakita ng malasakit sa kapwa mo. Kaya dapat lang na ipagpatuloy 'yan ng maraming kabataan natin. Hindi dapat mawala ang ipinaglaban ng maraming Pinoy 25 years ago."

May participation din si Marian sa mismong araw ng People Power anniversary bukas, February 25, dahil kasama siya sa mga tatakbo kahabaan ng EDSA.

"Magkakaroon ng parang Fun Run at sumali talaga ako," ngiti niya.

"Basta sa ganitong mga event na alam kong magiging malaking tulong ako kahit papa'no, sumasali ako. Siyempre, kapag pinakiusapan ako ni Dong, wala nang dalawang-isip, go lang nang go!"

Ipinagmamalaki nga ni Dingdong na may kinalaman ang girlfriend niyang si Marian Rivera sa kanyang desisyon na itatatag ang Yes Pinoy Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parati ngang sinasabi ni Dong sa akin na may kinalaman daw ako sa pagtayo niya ng Yes Pinoy Foundation. Nakakatuwa naman, kasi ibig sabihin, naging mabuting impluwensiya ako sa kanya. Naging inspirasyon kami sa isa't isa.

"In fairness naman, maraming naiisip na ganyan si Dong. Yung makatulong sa ibang mga tao, lalo na sa kabataan. Siguro isa lang ako sa instrumento kung bakit na-inspire siya na ipagpatuloy itong ginagawa niyang ito sa kabataan. Halos lahat naman nito, si Dong ang nakaisip at nandito lang naman kami para suportahan siya."

WORK, WORK, WORK. Naikuwento rin ni Marian sa PEP na magsisimula na siya ngayong araw ng kanyang first taping day para sa once-a-week series na Ang Spooky Mo! Presents Bampirella. Magsisimula na rin siya sa kanyang training para sa primetime series niyang Amaya kunsaan gaganap siya bilang warrior princess. At siyempre, patuloy pa rin ang taping niya ng Show Me Da Manny.

"Nagkakasabay-sabay nga ang mga gagawin ko sa mga susunod na weeks, pero lahat naman 'yan ay trabaho. Hindi tayo dapat mag-complain, di ba?" sabi ng aktres.

Dagdag niya, "Para sa akin kasi, blessings lahat ito at magpasalamat tayo sa lahat ng dumarating. Kung wala, magpasalamat pa rin tayo."

Mas pinaghahandaan ni Marian ang simula ng Amaya dahil sa sobrang laki ng project na ito. Ilang locations din daw ang pupuntahan nila kaya gusto ni Marian ay ready siya physically.

"Paguran kasi ito kapag nagsimula na ang taping. Wala pa naman silang nabibigay na schedule, pero pinagte-training na kami. More on sword fighting ako dito sa Amaya.

"Tapos nga, yung locations, marami. Malalayo pa raw kaya hinahanda ko na ang sarili ko sa ganyang magdamagang taping. Pero alam ko na magiging sulit ang lahat dahil maganda ang project."

Kung ang iisipin daw ng marami na mababawasan ang oras at panahon niya with Dingdong dahil magiging busy siya sa Amaya, hindi raw mangyayari 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-promise si Dong na kahit saan daw ang location ng Amaya, pupuntahan niya ako!" natatawang sabi ni Marian.

"Kahit daw sa pinakamalayo at liblib na lugar pa raw 'yan, mahahanap niya ako. Kasi mami-miss daw niya ako. Sabi ko naman, okey yun, basta may dala siyang pasalubong!"

SEN. BONG'S LEADING LADY? May balitang si Marian ang gustong kuning leading lady ni Sen. Ramon "Bong" Revilla para sa Panday: Ikalawang Aklat, na balak isali sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Nakarating na raw kay Marian ang balitang ito. Nagpapasalamat siya at na-consider siyang maging leading lady despite the fact nagkaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan ang aktres at ang senador noong MMFF 2010.

"Nakakatuwa namang isipin na kinu-consider ako. Pero hindi naman ako ang magdesisyon niyan. Nandiyan ang manager ko na si Popoy [Caritativo] at si Mother Lily [Monteverde] kasi may kontrata ako sa Regal Entertainment.

"Hindi ko masasagot kung papayag ako kasi may ibang mga magdedesisyon for me. Sabihin na nating gusto ko, kung hindi naman ako payagan din, walang mangyayari. Pero it doesn't mean na tinanggihan ko.

"Ang Regal kasi, parating may movie na binibigay sa akin tuwing MMFF. Like ngayon, may movie ako na sisimulan sa kanila, yung Temptation Island. Malay natin na baka sa MMFF pa 'yan o baka ibang project naman. Kaya depende sa magiging usapan, though nagpapasalamat ako sa balitang gusto akong kunin leading lady," saad ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN