Kris Aquino on Mayor Junjun Binay: "If he's dating, it's not me he's dating."

"I don't want to invade mayor jun's privacy, but if he's dating, it's not me he's dating. I'm not dating or seeing anybody, nobody I'm aware of is interested in anything romantic w/ me. I'm not gonna say I'm happy, but I'm PEACEFUL," this was the Twitter post of TV host Kris Aquino this afternoon, February 24, with regard to rumors that she and Makati Mayor Junjun Binay are dating.


Muling pinabulaanan ni Kris Aquino na nagde-date sila ni Makati Mayor Jejomar Erwin "Junjun" Binay.

Sa kanyang personal account sa microblogging site na Twitter, sinabi ng The Price is Right host na, "I don't want to invade mayor jun's privacy, but if he's dating, it's not me he's dating. I'm not dating or seeing anybody, nobody I'm aware of is interested in anything romantic w/ me. I'm not gonna say I'm happy, but I'm PEACEFUL."

Bago ito, isa pang post ang nilagay ni Kris na nagsasabi, "My ate [Ballsy] was asked sa event nya today if I was steadily dating mayor jun binay- ate said we r good friends but not true."

Muling naging matunog ang usap-usapan na nagde-date sina Kris at Mayor Junjun nang pareho silang dumating sa birthday party ni Sen. Jinggoy Estrada noong Sabado, Pebrero 19, sa isang condominium sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. (CLICK HERE to read related article.)

Sa artikulong inilabas ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, February 27, si Kris ay dumating bandang alas-onse ng gabi kasama si Vice Ganda na nagmula pa sa concert ng American music artist na si Taylor Swift.

Ang bali-balitang pagde-date nina Kris at Mayor Junjun ay nagsimula noong second half ng 2010. Ngunit agad itong itinanggi ni Kris sa isang press conference.

Aniya, "Among everybody na nili-link sa akin, he's the only one I have been communicating with. Kaklaruhin ko po, hindi siya nanliligaw sa akin. Pero matalik ko siyang kaibigan. Nakilala ko siya when I was grieving for my mother. Nakilala niya ako when he lost his wife." (CLICK HERE to read related article.)

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Mayor Junjun sa isang panayam sa kanya ng SNN, na inilathala ng PEP noong August 18, 2010. (CLICK HERE to read related article.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN