Bea Alonzo doesn't mind being the second choice as Vic Sotto's leading lady in new comedy film

"Kahit 10th choice pa ako, as long as na maganda naman yung proyekto, wala naman akong ginawa para masulot o mapunta sa akin, walang problema sa akin," says Bea Alonzo.


Wala raw kaso kay Bea Alonzo kung second choice man siya bilang leading lady ni Vic Sotto sa gagawing pelikula ng comedian sa Star Cinema.

Una kasing nabalita na si Toni Gonzaga ang magiging kapareha ni Bossing, pero bigla siyang pinalitan ni Bea nang tanggapin ng TV host-actress ang hosting stint sa bagong noontime show ng ABS-CBN, ang Happy, Yipee, Yehey!.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Bea, sinabi ng aktres na, "Kahit 10th choice pa ako, as long as na maganda naman yung proyekto, wala naman akong ginawa para masulot o mapunta sa akin, walang problema sa akin.

"Feeling ko, if it's meant you, it's meant for you, and siguro meant na mapunta sa akin yung project. Naniniwala ako na mas may maganda pang project para kay Toni. "

Nang hingan naman ng reaksiyon si Toni na pinalitan siya ni Bea, puro papuri ang binitawan ng aktres para sa kapwa Kapamilya star. Ano ang reaksiyon dito ni Bea?

"Happy ako na maluwag sa dibdib ni Toni na sa akin napunta yung role niya. Pero diyan ako kinabahan. Alam natin na napakagaling niya sa comedy. Basta ako, I'll give na lang my best."

BREATHER. Aminado si Bea na breather sa kanya ang pelikula nila ni Vic, lalo't malapit na rin niyang simulan ang panibagong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Guns and Roses, kasama si Robin Padilla. Isa pang drama movie rin ang nakatakda niyang gawin sa Star Cinema.

"Importante itong proyektong ito sa akin para makahinga muna ako bago umiyak," sabi ng young actress.

"Oo nga, kakaiba. First time ko na magko-comedy sa pelikula so it's something na excited akong gawin. Hindi siya mabigat, masaya lang.

"Pero ang role ko naman, hindi mo talaga ine-expect na magpapatawa. I think it's something situational. I think on my part, I will not try to make people laugh, yung situations lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka we'll be with Xyriel [Manabat] and Zaijian [Jaranilla]. It's really refreshing."

Masaya rin si Bea na binibigyan siya ng pagkakataon ng ABS-CBN na makapareha ang mga malalaking artista sa showbiz, gaya nga nina Vic Sotto at Robin Padilla.

"Biruin mo yun! Hindi ko akalain, ang sarap ng pakiramdam. I feel so blessed na after Robin Padillla, si Vic Sotto naman.

"Ang sarap ng feeling na nakaabot ako sa ganito. Sa henerasyon namin, hindi lahat nabibigyan ng ganitong pagkakataon na makatrabaho ko sila, to be with them in a film or teleserye," saad niya.

Isa raw si Bea sa mga artistang naging bahagi na ng kanilang buhay ang mga pelikula at shows ng comic trio na Tito, Vic & Joey.

"Nakakatawa ang mga pelikula nila. Saka sa shows na ginagawa nila ng ilang taon, parang kasama na sila sa kabataan natin, kasama na sila sa mga nakikita natin sa araw-araw.

"Yung mga pelikula nila, kasama na yun sa mga binabaon natin, lalo na kaming mga baguhang artista o yung mga mas nakakabata pa sa amin," saad ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN