Edgar Allan Guzman thankful to TV5: "Kahit papaano, e, napapansin po ako dito."

"Ang Eat Bulaga! pa rin is No. 1 sa akin. Doon po ako nagsimula at sila yung kumbaga, nagbigay sa akin ng pagkakataon para maging isang artista," says Mr. Pogi 2006 Edgar Allan Guzman, who is now a talent of TV5.


Bagamat mas madalas na napapanood sa bakuran ng TV5 si Edgar Allan Guzman, sinabi ng young actor na "non-exclusive" ang kontrata niya rito.

Two years daw ang kontrata niya sa Kapatid network na nagsimula noong April 11, 2010.

Dahil non-exclusive ang kontrata niya sa TV5, puwede siyang lumabas sa ibang networks. Sa katunayan, nag-audition daw si Edgar sa bagong soap opera ng ABS-CBN na ididirek ni Jeffrey Jeturian.

"Pang-hapon po 'ata," banggit niya. "Kasi si Direk Jeffrey po, direktor ko sa indie film ko. Entry po siya sa Cinemalaya, yung Bisperas. Para pong Tanging Yaman. Ipapalabas po siya sa June, pang-Cinemalaya. Drama po siya.

"Meron pang isa ulit, sa New Breed [category] naman, sexy-comedy po. Gagawin pa lang namin this March. Ligo Na You, Lapit Na Me ang title po, indie rin po. Novel po 'yan sa libro, naging successful, so ginawan ng script.

"Sa story po, ako po yung lalaki na hindi naman kaguwapuhan, pero may lumalapit sa akin na napakagandang babae, [played by] Lovi Poe."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Edgar sa launching ng mga bagong Sunday programs ng TV5 noong Lunes, February 21. Kasama ang binata sa cast ng youth-oriented musical program na Fantastik.

MR. POGI. Hanggang ngayon, hindi pa rin kinakalimutan ni Edgar ang pagiging produkto niya ng "Mr. Pogi" contest ng Eat Bulaga!.

"Ako naman, kasi po, actually, masaya ako. Ang Eat Bulaga! pa rin is No. 1 sa akin. Doon po ako nagsimula at sila yung kumbaga, nagbigay sa akin ng pagkakataon para maging isang artista.

"Sa akin po, bukas naman ako every time na halimbawa ige-guest po ako sa Eat Bulaga! Tinatanggap ko naman po."

Taong 2006 nang nanalong Mr. Pogi si Edgar Allan sa naturang toprating noontime show.

Matapos siyang manalo, isang taong naging mainstay ng Eat Bulaga! si Edgar sa show.

KAPATID TALENT. Sa ngayon, masaya si Edgar sa ibinibigay na exposure sa kanya ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"A, opo, sobra!" bulalas niya. "Kahit papaano, e, alam mo yung napapansin po ako dito. And yung grupo ko, yung Sakto, napapansin kami."

Ang mga kasama ni Edgar sa Sakto ay sina Rodjun Cruz at Lucky Mercado.

"Actually, may sitcom din kami na gagawin, yung Humanap Ka Ng Panget. Hindi pa namin nasisimulan, pero sinabi na sa amin.

"At least, kahit papaano, dito [sa TV5], naka-two shows ako. March 'ata, third week ng March ipapalabas ang Humanap Ka Ng Panget, parang ganun."

Hindi ba siya nalungkot na nawala ang P.O.5? Pinalitan ang naturang Sunday noontime variety show ng Fantastik, na mapapanood na simula Linggo, February 27, at 2:00 p.m.

"Nalungkot po kahit papaano. Kumbaga, one year... Akala ko nga aabot kami ng one year, naging 10 months lang. So, ako, parang ini-expect ko kasi mag-a-anniversary kami, ganun, may mga production numbers.

"Nakakalungkot, kasi iba po yung bonding namin sa P.O.5. Parang pamilya. Hindi naman sa kinu-compare ko. Iba lang yung samahan. Kahit EP [executive producer], kahit direktor, kumbaga, hindi sila yung alam nilang may posisyon sila, hindi sila ganun. Kumbaga, ang gaan, ang gaang katrabaho."

FANTASTIK. Sa tingin ba niya ay mas maganda ang magiging exposure niya sa Fantastik kaysa sa P.O.5?

"Opo," sagot ni Edgar. "Kasi dito, nakakapag-hosting kami e, nagsasalita kami, nakakapag-plug kami, tapos may sarili kaming prod. Kaya yung binibigyan kami ng Fantastik na pagkakataon, hindi naman namin sinasayang. Kumbaga, doble pa yung binibigay namin kaysa ini-expect nila."

Makakatapat ng Fantastik ang ASAP Rocks ng ABS-CBN at Party Pilipinas ng GMA-7. Ano ang sa palagay niya ang magiging bentahe ng kanilang programa kumpara sa katapat nilang shows?

"Alam naman namin na talagang magaling sila, kaya challenge. Kumbaga, sa akin po, hindi ko na lang nilalagay sa utak ko. Kumbaga, isinasapuso ko na lang yung show na ito at ginagalingan ko na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga, mas doble pa yung ibinibigay namin. Kasi, kumbaga, sa 2, may Rayver Cruz, may John Prats sa sayawan. Sa 7, may Mark Herras. So, nandun na sila, e, so kailangang sumabay ka rin," sabi ni Edgar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN