Nadine Samonte says relationship with boyfriend Emerson Chua became stronger after their near-breakup

Young actress Nadine Samonte stars in GMA-7's new afternoon series, My Lover, My Wife, where she plays a doctor.


Balik sa afternoon soap ang young actress na si Nadine Samonte sa My Lover, My Wife na magsisimula nang mapanood sa GMA-7 sa Lunes, February 28.

Ayon kay Nadine, hindi ito ang first mature role niya.

"Mature na ang role ko dati sa Tinik sa Dibdib, e. Siguro mas ano ito, kasi first time na...kasi doktora ako dito," sabi Nadine tungkol sa kanyang character na si April.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa presscon ng My Lover, My Wife noong Miyerkules, February 23.

Dito sa bago niyang afternoon soap ay may kissing scenes daw siya kina Marco Alcaraz at Luis Alandy, na nagawa na naman niya in the past.

"Sa Tinik sa Dibdib, meron din, madami! Tapos sa Kung Mahawi Man Ang Ulap, meron din. At saka sa Maging Akin Ka Lamang, meron din."

Sa Magic Palayok sana dapat kasama si Nadine, pero dito siya sa My Lover, My Wife siya inilagay at happy naman siya.

"Mas challenging ito, e, at saka mas iba yung role, e," aniya.

May pagkasalbahe ang role ni Nadine dito.

"Medyo, parang kasi sa story, kung titingnan mo, parang kinukuha ko lang talaga yung akin, e. Kasi asawa ko siya [Marco], e. So kinukuha ko lang. Gagawin ko ang lahat para maibalik ko yung asawa ko sa akin, ganun," kuwento ni Nadine.

Gagawin ba niya yun sa tunay na buhay?

"Ay, hindi, a! Kung ayaw mo na sa akin, ayoko na rin sa 'yo," tumatawang reaksiyon ni Nadine.

Hindi siya maghahabol para sa isang lalaki?

"A, hindi ha, hindi! Life is too short, 'no! Kung ayaw na sa 'yo, maghanap ka na lang ng iba. Kung saan ka magiging masaya," sabi niya.


NADINE'S BOYFRIEND. Kumusta na sila ng boyfriend niyang si Emerson Chua? Nagkaroon kasi recently ng balitang muntik na silang maghiwalay.

"Okay naman kami," mabilis na sagot ni Nadine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala nang problema, ayos na sila?

"Ayos na. Siyempre may mga problemang dumarating..."

Ano ang pinakadahilan, na sabi nga ni Nadine sa isang interview ay si Emerson ang may kasalanan? May third party ba?

"Ay, hindi, wala! Wala, wala talaga," tanggi niya.

So, ano ang dahilan?

"Hindi ko rin alam, e, honestly!" at napatawa ang young actress. "Hindi, kasi may mga bagay na ano e, na... Basta complicated masyado, basta ganun na lang."

Sino ang nakipag-ayos o umayos ng problema?

"Siya rin, oo, siya rin," sabi ni Nadine. "Tapos siyempre, nag-agree na rin ako. Kasi siyempre, sa five years namin, no breakup, no cool-off, wala, e. Wala talaga, e. First lang talaga.

"Pero ngayon, parang mas naging stronger kami sa isa't isa, mas naging... Yung parang barkada na lang kami, pero to the point na... Mahal namin talaga ang isa't isa, yung ganun."

Kapag inulit ni Emerson ang kung anumang pagkakamali nito, papatawarin pa ba ulit ni Nadine?

"Hindi na," sagot niya. "Kasi, parang sa akin kasi, once na ginawa mo na, dapat hindi mo na uulitin, di ba? Pero pag twice na, para sa akin, puwede mo pa palang ulitin."

Ayaw talagang sabihin ni Nadine ang rason ng muntik na nilang paghihiwalay.

"Huwag na, basta. Masyadong personal na," sabi niya.

Pero definitely, wala raw involved na ibang babae.

"Wala, wala kahit sino, walang involved."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN