Dennis Padilla, 49, "glowing" because of his 25-year-old Fil-Australian girlfriend

"Bahala na. Hindi ko alam. Basta I'm hoping for the best.. Forty-nine na rin ako, di ba? Kaya gusto kong maging happy sa future siyempre," replied Dennis Padilla when asked if his current relationship will end in marriage.


May rason kung bakit naggu-glow ngayon ang comedian na si Dennis Padilla. Ito ay dahil sa kanyang batambatang girlfriend na isang Fil-Australian.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong presscon ng Who's That Girl?, inamin ni Dennis na 24 years ang agwat ng kanilang edad ng kasintahan niya.

Forty-nine years old na si Dennis samantalang 25 pa lang ang girlfriend niya.

Linda Marie Gorton ang pangalan ng kasintahan ni Dennis. Filipina ang ina nito samantalang Australian naman ang ama.

Saan niya na-meet ang girlfriend niya?

"Dito [sa Pilipinas] ko siya na-meet. Nagpunta ako ng Australia then bumalik ako sa Manila para magtrabaho, then bumalik uli ako ng Australia... Mga tatlong beses akong bumalik ng Australia.

"Pero nandito siya, she's back to school," banggit pa ni Dennis.

Kumukuha raw ng Tourism course ang girlfriend niya.

MEETING OF TWO WOMEN. Ano ang sinasabi ng mga anak niya tungkol sa kanyang girlfriend?

"Okey naman sila. Sina Julia, sina Clauie... Okey naman sa kanila, may approval," sabi ni Dennis.

Tatlo ang anak ni Dennis sa dati niyang asawa na si Marjorie Baretto—sina Julia, Claudia, at Leon.

Ibinalita ni Dennis na nagkakilala na sina Marjorie at si Linda Marie. Pero hindi umayon ang komedyante sa mga nagsasabing magkamukha raw ang dalawa.

"Actually, hindi naman sila magkamukha. Pareho lang silang mestiza," sabi niya.

Dinetalye ni Dennis kung paano nagkita at nagkakilala sina Marjorie at Linda Marie.

"No'ng 2009, yung Christmas party ni June Rufino [talent manager]. Kasi every year, may Christmas party kaming mga talents ni June Rufino. So, nagkita naman sila [Marjorie and Linda Marie].

"Wala namang ilangan sa kanilang dalawa no'ng magkita sila. Ako nga yung natensiyon, e," kuwento niya.

Hindi naman nagbigay ng comment si Dennis tungkol sa napapabalitang boyfriend ni Marjorie na isa diumanong politician.

"Ay, hindi ko alam. Hindi ko alam," iwas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

AGE DOES NOT MATTER. May dalawang taon at apat na buwan na raw ang relasyon nina Dennis at Linda Marie.

Nagbilang muna si Dennis sa harap namin bago niya sabihin kung gaano sila katagal ang kasintahan. Baka raw kasi magkamali siya ng sabi at magalit ang girlfriend.

Aabot ba sa kasalan ang pakikipagrelasyon niyang ito?

"Bahala na. Hindi ko alam. Basta I'm hoping for the best.. Forty-nine na rin ako, di ba? Kaya gusto kong maging happy sa future, siyempre," sabi niya.

Wala raw nakitang problema si Dennis sa pamilya ng kasintahan niya nang makilala siya ng mga ito.

"Approved naman ako sa kanila dahil nakita naman nila na guwapo ako saka nakakatawa. So, approved naman!" tawa niya.

Ano ba ang naibibigay na kaligayahan sa kanya ng batambata niyang girlfriend?

"Well, siyempre yung mga pinapasyalan ninyo, yung mga pinupuntahan ninyo, mas bagets. Natututo nga akong pumunta ng... Ano ba yun? Republiq [disco bar in Pasay]. Hindi ko naman pinupuntahan yung mga gano'n, e.

"Siyempre, pupuntahan niya yung barkada niya. I have to join. Pag bagets ang girlfriend mo, parang bagets ka rin," nangingiti niyang sabi.

Hindi ba siya nahihirapang makibagay dahil sa batang edad ng kanyang kasintahan ay may tantrums pa ito?

"Wala, gano'n talaga," sabi ni Dennis. "Kailangan unawain mo ang tantrums ng bata. Pero hindi naman siya gano'n kabata. Mature na rin siya sa edad niyang 25.

"Kasi iba naman ang mga Westerners. Iba naman yung outlook nila. Sanay silang mabuhay sa ibang bansa. Yung maturity nila mas advance ng konti."

Paano ba siya binago ng girlfriend niya?

"Wala. Wala naman siyang binago. Ano bang mga binago niya sa akin?" tanong niya.

"Hindi naman niya ako pinapabata. Lagi lang niyang sinasabi sa akin na 'You take care of you skin. Kahit comedian ka, dapat yung skin mo maganda.' Lagi niyang sinasabi na huwag ko raw kalimutan yung mga cream. E, tinamad akong gawin yung mga gano'n, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dahil bata yung syota mo, kailangang sumabay ka. Yun lang ang maganda na when you have a young girlfriend, it makes you young."

Ang kasiyahan sa kanyang personal life ang itinuturong rason ni Dennis kung bakit siya masaya ngayon.

"Oo, saka I'm not getting any younger!" natatawa niyang sabi.

SHOWBIZ OVER POLITICS. Desidido si Dennis na balikan ang kanyang showbiz career at iwan muna ang pulitika. Matatandaang naging konsehal siya ng Caloocan City noon.

"Kasi no'ng time na public official ako, kumonti rin ang TV shows ko, kumonti rin ang movies ko. Pailan-ilan lang. Minsan, guesting pa. Hindi ako nagkakaroon ng regular show.

"Gano'n yata yun, e. Mahirap i-balance. So, no'ng hindi ako pumasok sa pulitika no'ng nakaraan, ang dami kong movies, tapos teleserye.

"Ngayon, I started my own radio program sa RMN sa DZXL. Every day yun, Monday to Friday.

"I'm very happy kasi ngayon lang ako nag-anchor ng radio program. Masarap, masaya. Kaya thank you kay Jake Maderazo. Siya ang kumuha sa akin.

"That is why I was talking to my mom the other day. Sabi ko, 'Mom, parang ayaw ko nang bumalik uli sa pulitika. Parang gustong bumalik na sa pag-aartista?' Sabi niya, 'E, diyan ka na lang muna dahil walang pressure,'" lahad niya.

Paano kung may lumapit sa kanya at alukan siyang sumabak uli sa politics?

"Sasabihin ko na hindi na muna. I want to be an actor again and later on, direct my own show, direct a movie, direct a commercial.

"At kung magdidirek ako ng movie, ang gusto kong idirek si Janno Gibbs. I want to work with him.

"Ang tagal na ring walang pelikula ni Janno, e. I believe si Janno Gibbs ang isa sa pinakamagaling na comedian dito sa Pilipinas," pagbi-buildup ni Dennis sa kaibigan.

Hindi ba siya nabahala sa mga bali-balita tungkol kay Janno kaugnay sa diumano'y pagdating ng late nito sa kanyang shows, at ang sabi-sabing depression daw nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, ang isang tunay na kaibigan, lagi 'yang tumutulong lalo na pag malungkot ang buhay niya. Mas masarap tulungan ang isang kaibigan pag malungkot siya. So, kung malungkot si Janno Gibbs, lalo ko siyang gustong tulungan.

"Lalo akong mapapabilib ni Janno Gibbs. Kasi kaya pa ni Janno Gibbs na magbida ulit. Magaling na komedyante yun," ulit ni Dennis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN