Shalani Soledad says relationship with Willie Revillame is limited to being "co-hosts"

"Lahat yata ng communication letters ko, para kay Willie. Either request na manood ng Willing Willie, or mga sulat para kay Willie asking for financial support, asking for medical help, mga ganoon. Parang extension ng Willing Willie yung opisina ko," relates politician-TV host Shalani Soledad.


Almost four months nang co-host sa TV5 variety program na Willing Willie si Valenzuela City councilor Shalani Soledad. Nagsimula siya sa show noong November 8, 2010.

Enjoy naman daw si Shalani sa hosting job niya.

"Of course, I really enjoy. Saka mababait lahat yung mga kasama ko sa show," sabi ni Shalani nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, February 23, sa dressing room niya sa Willing Willie.

Pero pinangarap ba niyang maging isang TV host?

"No! Not in my wildest dreams. Wala talaga," sagot niya.

"The offer came from Willie. It was through Robert, common friend namin ni Willie. And, of course, kay Nay Cristy [Fermin]."

NEW WORLD. Kumusta ang pagkakaiba ng mundo niya bilang isang konsehala at bilang siyang TV host?

"[Kailangan lang ng] time management siguro. Kasi dati, 24 hours, talagang focus mo Valenzuela, yung legislative work mo. Ngayon, nagka-cut off ka because you have to be at the studio an hour before. You have to be here the whole duration of the program. So, in terms of time management.

"Plus yung office ko... sisingilin ko na nga si Willie, e!" tawa ni Shalani.

"Kasi lahat yata ng communication letters ko, para kay Willie. Either request na manood ng Willing Willie, or mga sulat para kay Willie asking for financial support, asking for medical help, mga ganoon. Parang extension ng Willing Willie yung opisina ko."

Posible kayang pasukin na rin niya ang pag-aartista since napapanood na rin naman siya sa telebisyon?

"Naku, as of the moment, talagang ang focus is on Willing Willie. Wala namang nag-o-offer, so talagang sa Willing Willie muna ako," sagot ng magandang konsehala.

What if may dumating na offer sa kanya, tatanggapin ba niya?

Natawa muna si Shalani bago sumagot ng: "Naku, Willing Willie muna tayo!"

PALIPAD-HANGIN. Kapag nagkakasama sa isang segment ng Willing Willie sina Willie at Shalani ay laging nagpapalipad-hangin ang una sa huli. Parang nagpaparamdan si Willie na type niya si Shalani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon niya rito?

"Naku, si Willie, I think he's ano... [his] usual charming self. Ganyan naman yata si Willie," pagkikibit-balikat ni Shalani.

Once and for all, ano ba talaga ang real score sa kanila ni Willie?

"Co-host ni Willie, ayan!" natatawa niyang sagot.

May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"Actually, hinahanap ko. Wala naman!" tawa niya ulit.

Pero aniya, "May mga nag-i-invite naman."

May mga politician ba?

"Oo, meron. Meron naman. Pero hindi naman marami," sagot ng dating kasintahan ni Pangulong Noynoy Aquino.

E, artista?

"Ahh... wala yatang artista," sabi niya.

Masasabi ba niya na ready na siyang magmahal ulit pagkatapos nilang mag-break ni PNoy?

"Hindi mo naman masasabi 'yan. Siguro if it happens, it happens. You just pray na when it does, you can also commit 100 percent to the person," sagot ni Shalani.

Kung sakaling muling makikipagrelasyon at lalagay na sa tahimik, tuloy pa rin si Shalani sa pagtatrabaho. Hindi raw siya yung tipong babaeng pang-bahay lang.

"Siyempre kasi may gusto ka rin, di ba? Gusto mo rin maging productive ka. Gusto mo rin na may ginagawa ka. And as long as gusto mo yung ginagawa mo, masaya ka sa ginagawa mo, siyempre you want to continue doing what you love," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN