Dingdong Dantes urges everyone to be a youth advocate

"Malaking bahagi ng inspiration ko, nagmumula sa kanya. Nagbibigay siya sa akin ng such positive energy, such positive vibes, na gumaganda ang outlook ko, naging malinaw, at nakakapag-isip ako at plano ng mga bagay-bagay," says Dingdong Dantes about girlfriend Marian Rivera.


Isa sa abala at naglalaan talaga ng kanyang oras para sa selebrasyon ng 25th anniversary ng Edsa People Power ay ang founder ng Yes Pinoy Foundation na si Dingdong Dantes.

Noon ngang February 23, Miyerkules, halos buong araw ng aktor ay nailaan nito sa ilang activities kaugnay ng paggunita sa silver anniversary ng People Power. Noong araw rin kasing yun idinaos ang EDSA Youth Day.

Kinagabihan naman ay ginanap ang "EDSA Babies: Congrats Mga Sikat" sa SM City Skydome. Dito ay pinarangalan ang ilang estudyante mula sa iba't ibang high schools at universities.

Doon din nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong. Ikinuwento niya sa amin ang naging activities niya noong araw na yun.

"Kaninang umaga, we were in Rizal High School, the biggest high school in the world kunsaan we gathered two to three thousand students para mag-form ng human banner na nakalagay 'Edsa Baby Ako, Ako ang Bukas.'

"The President [Noynoy Aquino] was our guest and he was able to witness it. It was very successful at lahat ng estudyante nag-participate.

"And ako, I think it was a great kick-off para sabihin na itong Youth Day na ito, e, sabihing the spirit of People Power also lives on us," pahayag niya.

Dagdag pa ni Dingdong, "Ako, I believe everyone should be a youth advocate. You should fight for your youth. Kailangan, you should be proud of it. And we should all be part of nation-building.

"Ako, para sa akin, that's what I am doing. Nagkataon lang na I am given the opportunity to do more things and para sa akin, I won't let go of that.

"Marami tayong puwedeng gawin, especially as actors, singers. Kumbaga, lahat naman ng ginagawa natin ay para mag-entertain. We want to excel in our field.

"Sobra! Ako, lubos akong nagpapasalamat sa mga artists, singers na nag-participate ngayong araw. Ako, naniniwala na one of the most effective and powerful ways of conveying a message is through the arts, through songs, Ang mga narito kanina, talagang tinitingala sila ng mga kabataan, especially ang mga kids natin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, may reason kung bakit sila nandito ngayon at sobrang nagpapasalamat kami sa organization na pinaunlakan kami ng pagkakataong ito, na hindi nila maipagdamot ang kanilang talents. And, of course, it's all about the spirit of volunteerism at lahat kami, naniniwala sa cause."

PEOPLE POWER. Nang maganap ang People Power Revolution noong 1986 ay five years old pa lang si Dingdong. Kaya may konsepto na ba noon ang aktor tungkol sa People Power?

"Meron, pero five years old ako noon, going six. Hindi pa ganoon kaklaro, hindi pa ganoon kabuo ang konsepto talaga.

"Pero ako kasi, there's some sort of a rebirth, hindi lang para sa akin kung hindi sa stage ng lahat ng Filipino. Yun ang isang spirit na talagang hino-hope naming mabuhay, especially noong wala noong panahong yun, especially ang mga kabataan nga. Maraming naidulot sa atin ang People Power.

"Ako, ang bottomline, it's all about collaboration, it's all about unity. And with unity, nothing is impossible," saad ng aktor.

Dahil sa involvement ni Dingdong sa ilang youth activities ng kasalukuyang administrasyon, nagkakaroon na siya ng malawak na experience at exposure sa larangan ng public service.

Consistent siya sa pagsasabi noon na hindi niya naiisip ang pulitika. Hindi pa rin ba nagbabago ang pananaw niya rito hanggang ngayon?

"Actually, mas lalo pang tumitindi nga yung desire ko to remain as an actor," sabi niya. "In this field, I really can do so many things. Masaya ako kung nasaan ako ngayon at kuntento ako.

"Lahat naman ng learning, e, na-a-appreciate ko. At sa lahat naman ng mga taong nakikilala ko along the way, I learn so many things."

Kumusta naman ang naging reaction at pagtanggap ni PNoy sa mga ginagawa nilang activities?

"Well, from the looks of what happened this morning, he seems very happy dahil nakita niya clearly kung ano ang ibig sabihin ng unity and how it was exemplified by the students," sagot ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN RIVERA. Ang girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera ay nakiisa rin sa "EDSA Babies: Congrats Mga Sikat." Masaya raw ang aktor na nakakasama niya ang kasintahan sa mga ganitong gawain.

"Siyempre, thankful ako na nababahagi niya ang kanyang oras at ang kanyang talent. At siyempre, naniniwala rin siya sa cause.

"Nakakatawa nga dahil two years old pa lang siya noong mangyari yun [People Power]. In-explain ko sa kanya at pinag-usapan namin kung ano ba ang nangyari.

"Kanina, we were in one candle-lighting ceremony sa Ateneo, and parang kahit na maliit lang na grupo, na-feel namin ang sincerity ng bawat taong nandoon, at na-feel niya [Marian] on how [what it was like to be in that] situation 25 years ago," lahad ni Dingdong.

Aminado naman si Dingdong na isa sa naging dahilan kung bakit nabuo niya ang Yes Pinoy Foundation ay dahil kay Marian.

Aniya, "Ako kasi, naniniwala ako na lahat nanggagaling or nagsisimula sa inspirasyon. Parang kung nagsusulat ka ng isang kanta, nagpe-paint ka ng isang larawan, lahat yun, it comes from inspiration.

"At malaking bahagi ng inspiration ko, nagmumula sa kanya. Nagbibigay siya sa akin ng such positive energy, such positive vibes, na gumaganda ang outlook ko, naging malinaw, at nakakapag-isip ako at nakakapag-plano ng mga bagay-bagay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN