Tatak EDSA 25 celebrates People Power anniversary with music and dance

President Noynoy Aquino (top photo) gives his speech during the Tatak EDSA 25 celebration last night, February 25. On the other hand, apl. de. ap (below) of the U.S. hip pop group Black Eyed Peas (BEP) ended the celebration performing BEP hit songs like "Bebot" and "Boom Boom Pow."


Dumagsa ang daan-daang tao kagabi, February 25, sa People Power Monument (PPM) sa Quezon City para sa Tatak EDSA 25.



Ang Tatak EDSA 25 ang inihandang concert ng People Power Commission (PPC) para ipagdiwang ang ika-25 anibersaryo ng People Power.



Ang People Power ay ang mapayapang pagkilos ng mga Pilipino noong 1985 na nagpabagsak sa rehimeng Marcos.



Ang singer-composer na si Ogie Alcasid ang commissioner ng PPC, kaya naman madali niyang naihanda ang concert tampok ang ilan sa mga malalaking pangalan sa showbiz ngayon.

Presidente din si Ogie ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).



Special guest din sa pagdiriwang ang Pangulong Noynoy Aquino, ang anak ng mga bayani ng People Power na si dating Pangulong Corazon Aquino at ang pinaslang na dating Senador Ninoy Aquino.



Nagsimula ang concert sa ganap na 7:00 p.m., at natapos bago maghatinggabi.



THANKING THE MUSIC. Pasada 10:00 p.m. na nakarating sa PPM si PNoy para magbigay ng talumpati.



Umabot nang halos na anim na minuto ang talumpating ito, kung saan sinariwa niya ang diwa ng People Power Revolution.



Binigyang-halaga niya rin ang nagaganap na concert, sa pagsasabing malaki ang koneksyon nito sa naganap na makasaysayang pag-aaklas.

Aniya, musika lang kasi ang nakalulusot sa censorship ng rehimeng Marcos noong mga panahong iyon kaya't dito lang naipapahayag ng mga Pilipino ang kanilang protesta.



Dagdag pa niya, malaki ang kahalagahan ng musika at iba pang sining sa tagumpay ng People Power.



KAPAYAPAAN. Ang mga naging host sa Tatak EDSA 25 ay sina Ai-Ai delas Alas, Ogie Alcasid, Dingdong Dantes, Ruffa Gutierrez, at Kris Aquino.



Ayon kay Kris, na kapatid ni PNoy, kapayapaan at reconciliation umano ang tema ng gabi.



Pinansin niya ang pagkakataong magkatabi sila ni Ruffa sa entablado. Matatandaang nagkaroon ng alitan ang dalawa noong Marso 2010. (CLICK HERE to read related story.)



"The day when Noy won, kinalimutan ko na 'yon. Ikaw, millions na kinikita mo. I'm sure kinalimutan mo na rin 'yon," pahayag ni Kris kay Ruffa, na sumang-ayon naman.



SONG AND DANCE. Nabusog ang mga manonood sa saliw ng iba't-ibang panoorin na ibinigay ng concert—mayroong sayaw, pagkanta, musical theater, ballet, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kasama sa mga naghandog ng sayaw ay sina Mark Herras, Elmo Magalona, Enzo Pineda, Rocco Nacino, Sef Cadayona, Julian Trono, at ang Moymoy Palaboy.



Kasama rin sina Winwyn Marquez, Yassi Pressman, Diva Montelaba, Rochelle Pangilinan, at Mayton Eugenio.



Naghandog din ng tribute para sa OFW ang Ballet Philippines.



Samantala, naghandog naman ng awitin sina Jericho Rosales, Noel Cabangon, Ogie Alcasid, Kuh Ledesma, Jaya, Kyla, Jamie Rivera, at Gary Valenciano.



Kasama rin ang Gloc 9, Point Blank, Lolita Carbon ng Asin, Duncan Ramos, Bugot Drilo, Laarni Lozada, Rita Iringan, Paolo Valenciano, Gretchen Espina, at Rhap Salazar.



Naghandog naman ng isang musical theater performance sina Frencheska Farr, Julie Ann San Jose, Geoff Taylor, Jay Perillo, at Brenan Espartinez. Inawit din nila ang EDSA theme song na "Handog ng Pilipino sa Mundo."



Si Regine Velasquez naman ang umawit ng isa pang EDSA theme song na "Magkaisa."



Samantala, si Freddie Aguilar pa rin ang kumanta ng "Bayan Ko," na pinasikat niya noong naganap ang People Power Revolution.



BANDA RITO. Bukod sa mga solo performers, may mga banda rin na naghandog ng tig-iisang awit para sa concert.



Kasama sa mga ito ay ang Salamin, Sandwich, Pupil, The Dawn, Aegis, 6 Cycle Mind, Callalily, Imago, at Nyko Maca.



Natapos ang gabi sa isang espesyal na solo performance ng Filipino-American performer na si apl. de. ap, na miyembro ng US hip pop group, Black Eyed Peas (BEP).



Inawit ni apl. de. ap ang mga kanta ng BEP na "Bebot," "Boom Boom Pow," "Rock Your Body," at iba pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN