Jennylyn Mercado undergoes tonsillectomy; manager says she's "in terrible pain" after operation

Actress Jennylyn Mercado went through a surgical procedure yesterday, February 25, to remove her tonsils. Her manager, Becky Aguila, said the actress won't be able to speak for the next two weeks because of the operation.


Sumailalim na sa tonsillectomy kahapon, February 25, ang young actress na si Jennylyn Mercado. Ang tonsillectomy ay isang operasyon kunsaan tinatanggal ang tonsils ng pasyente.

Ayon sa text message na ipinadala ng manager niyang si Becky Aguila sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, February 26, sa St. Luke's Hospital isinagawa ang operasyon kay Jennylyn.

"She's in terrible pain after the operation," sabi pa ni Becky tungkol sa kanyang alaga.

Hindi rin daw makakapagsalita si Jennylyn "for the next two weeks" dahil sa operasyon.

Sinabi rin ni Becky na ang pinakadahilan ng madalas na pagkakasakit ni Jennylyn ay dahil sa kanyang tonsils.

"Connected din pala sa heart niya 'yan other than the frequency of bronchitis and fever," dagdag niya.

Last month nga lang ay naospital muli si Jennylyn dahil sa viral infection, pagkagaling nila ng boyfriend niyang si Dennis Trillo sa bakasyon sa Hong Kong.

Pero siniguro naman daw ng doktor ni Jennylyn na walang magiging negatibong epekto ang operasyon sa boses ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN