Kris Aquino on loving again: "Wala pa, hinihintay pa. But coming very soon."

"Friends na kami! Handa na nga siyang makipag-double date sa akin, e. Sabi ko, 'Ikaw meron ka nang ka-date, ako wala pa. Hanapan mo ako,'" Kris Aquino related when asked about the current status of her relationship with soon- to-be former husband James Yap.


Bago pa dumalo sina Kris Aquino at Dingdong Dantes sa 25th anniversary celebration ng Edsa People Power, nagtungo muna sila sa launch ng bagong Bench fragrances na Freedom sa Trinoma Activity Center, sa Quezon City kahapon, Pebrero 25.

Malugod na ibinalita ni Kris na ang ilang bahagi ng sales ng naturang pabango ay mapupunta sa proyekto ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong Dantes at sa classroom project ng kanyang kapatid na si Pinky Aquino-Abellada

Ang susunod na magiging beneficiary umano ng naturang proyekto ay ang lalawigan na pinamumunuan ng kanyang malapit na kaibigan, ang Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez.

Dagdag pa ni Kris, "She's been everywhere and she's been telling me na make time naman daw ako kasi ang fulfilling makita na mayroon kang naibabalik sa tao talaga."

"BEST FRIENDS." Hindi inaksaya ng mga miyembro ng entertainment media ang pagkakataong matanong si Kris tungkol sa mga lalaking nali-link sa kanya ngayon.

Habang pumipirma ng autograph sa mga bumili ng Freedom perfume, nilinaw ni Kris na walang katotohanan ang mga balitang nali-link siya kay Makati Mayor Junjun Binay at sa aktor na si Diether Ocampo.

Tulad ng nauna niyang mga pahayag, inulit ni Kris na hindi sila nagde-date ni Mayor Binay.

"He's my best friend," ani Kris. "O, di ba, ang ganda no'n. 'Tapos sasabihin niya sa akin, 'Kailan tayo naging mag-best friend?' Wala gusto lang kitang i-best friend."

Samantala, sa isyu naman ng naging leading man niya sa pelikulang Dalaw, ito ang naging pahayag ng host ng The Price is Right, "He's (Diether) really ano, he's really my best friend. Ang dami kong best friend!

"He's ano talaga, alam mo kasi, siya 'yong tao na kapag wala kang makasama, tawagan mo lang, nando'n.

"Wala talaga. Kasi si Diet, ang gusto niya super bata. So, 'yon, definitely ayaw niya ng ka-age niya. Okay na 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, nagtataka namang tinanong ng media si Kris kung bakit pagdating sa brodkaster na si Ted Failon ay hindi niya diretsahang nililinaw.

Paliwanag ni Kris, "Alam mo, ang hirap sagutin ng kay Ted. Kasi sinasabi ko sa kanya na dapat John Lloyd-Bea Alonzo, working tandem kami.

"Kasi, magshu-shoot na kami ng pilot ng talk show namin first week of March for preview ng management. 'Tapos linggu-linggo na kaming magkakasama so, mahirap.

"Kagaya nila Dingdong at Marian [Rivera] na nagkakaroon ng happily ever after, na nagsimula as a love team, di ba? So, ito, tingnan natin."

Nang tanungin muli kung talagang kaibigan lang niya ang tatlong lalaking nabanggit, paninigurong sagot ni Kris, "Oo. Kasi, kung talagang may darating, sasabihin ko naman."

FREEDOM TO LOVE. Matatandaan na noong nakaraang taon, naghiwalay ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap. Hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin ang kahilingan ni Kris sa korte na ma-nullify ang kanilang kasal.

Kaya naman natanong ng press kung may freedom na siyang magmahal muli. Napangiti si Kris at sinabing, "Wala pa, hinihintay pa. But coming very soon. Kasi lahat ng bagay na pinansyal naayos ko na."

Idiniin din niya na, "Walang umaaligid sa akin."

Samantala, tumanggi naman si Kris na magbigay ng update tungkol sa kanyang hiling sa korte kaugnay ng kasal nila ni James.

Gayunman, sinabi ni Kris na mabuti na ang relasyon nila ng dati niyang asawa.

"Bawal pag-usapan ang nilalaman ng case kasi may gag order. Pero we are at liberty to say na nagkaroon na kami ng malinaw at maayos na settlement. Kasi, bago ka pa humantong sa trial, hihingin na ng judge na lahat ng properties ninyo mahati na as amicably as possible. E, wala namang naging problema."

Para patunayan na walang problema sa pagitan nila ni James, sinabi pa ni Kris sa media, "Friends na kami! Handa na nga siyang makipag-double date sa akin, e. Sabi ko, 'Ikaw meron ka nang ka-date, ako wala pa. Hanapan mo ako.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At bago matapos ang panayam, ibinalita ni Kris na, "May mga hearing kaming parating. Hopefully by the middle of the year tapos na. Konti na lang, mga three to four months."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN