Startalk TX does recap of word war between John "Sweet" Lapus and Jobert Sucaldito

Choice cuts: "Sabi ko nga hindi naman ako pikon na tao, kaya lang parang this time parang over na. Na you know, itong pagdedemanda ko sa kanya is not just for me, not just for my family, my fans but this is also for the people na sinulatan niya ng maling artikulo," says John "Sweet" Lapus (above).

To this, Jobert Sucaldito responds: "Ang nakakaloka sa kanya yung mga pasaring niya na mga 'Katiting mong kredibilidad ay huwag mong sira


"Sweet Nagwala Sa Bar!"

Ito ang headline na lumabas sa isyu ng Bandera noong February 19, 2011 na inalmahan ni John "Sweet" Lapus. Si Jobert Sucaldito ang sumulat ng artikulo.

Bukod umano sa pagwawala, nambastos din daw ang lasing na si John sa isang lalaking nagngangalang Kiko.

At sa Startalk TX kahapon, salitan na ipinalabas ng naturang showbiz-oriented talk show ang taped interviews nila kina John at Jobert.

John: "Nagwala daw ako, nambastos daw ako ng isang lalaki doon, na yung lalaki daw sa sobrang pikon halos hampasin na daw ako ng bote. Na ako daw ay pag nalalasing nag-iiba ang pananaw sa buhay."

Jobert: "Kiko told me yesterday na he texted Philip [Lazaro] at sinabi niya kay Philip na 'Six or seven years na tayong magkakilala, ngayon lang ako nabastos ng ganito.'

"For the man to say... na muntik na nga niyang kunin yung bote ng Fundador para hatawin siya, e. Puwede niyang gawin e, sa sobrang galit."

John: "O sige aakuin ko na. Binibiro namin siya [Kiko], yung lalaki na yun. Yung guy pinapili pa namin, 'Sinong pipiliin mo sa tatlong bakla?'"

Jobert: "Sabi nga niya [Kiko], 'Hindi mo naman kailangang igalang ako bilang kaibigan, e. Igalang mo naman ako bilang tao man lang, irespeto mo man lang sana ang pagiging tao ko.'"

Dahil umano sa maling ulat, nakatakdang magsampa si John ng kasong libel laban kay Jobert, at pati na ng publisher at entertainment editor ng Bandera.

John: "Hopefully either end of this week or by next week. Sabi ko nga hindi naman ako pikon na tao, kaya lang parang this time parang over na. Na you know itong pagdedemanda ko sa kanya is not just for me, not just for my family, my fans but this is also for the people na sinulatan niya ng maling artikulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And all of them are actually happy for me, for doing this."

Jobert: "Magsama-sama kayo! Kasi ako, hindi ako titigil. As a journalist... as a journalist, kung ano ang nakikita ko, kung may pupurihin ako na dapat kapuri-puri, pupurihin ko.

"Pero pag may pupunahin ako, nobody can stop me. It's my job! At ilan lang kayo, lima?"

John: "Alam mo, to be honest, hindi na ako nagagalit kay Jobert, sanay na sanay na ako. Sanay na sanay na ako sa lahat ng ginagawa sa akin ni Jobert."

Jobert: "Ang nakakaloka sa kanya yung mga pasaring niya na mga 'Katiting mong kredibilidad ay huwag mong sirain!' I'm sorry John, I don't quantify credibility; it's either you have it or you don't have it at all."

Hindi naman bubuweltahan ni John ang source ni Jobert—ang mismong lalaking naglahad ng kanyang kuwento sa kolumnista.

At ayon pa kay Jobert: "Tingnan natin, one day kung sinong mapapahiya dito. Once the guy talks, and once this tape... if this is admitted in court, if this is admissible in court... sabi ng lalaki he will stand by his story.

"He will stand by my story because siya ang nagsabi na binastos siya, e. Nasaktan daw siya, kaya kung kinakailangan siya sa korte, he will appear."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN