Sheena Halili tries newscasting with a twist in May Tamang Balita

Sheena Halili describes her new role as faux news anchor: "Medyo pormal, pero gimikera," she says.


Tila hindi nawawalan ng trabaho si Sheena Halili sa telebisyon.

Katatapos lang umere ng Bantatay last Friday, pero heto at nabigyan si Sheena ng bagong show.

Parte siya ng news satire program na May Tamang Balita na magsisimulang i-ere sa GMA News TV11 sa darating na Friday, March 4.

Makakasama niya dito sila Ramon Bautista, Maey Bautista at Janna Dominguez.

Ayon sa aktres, masaya naman siya sa bago niyang project.

"Kailangan makontento sa ibinigay sa akin," pahayag ni Sheena nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, February 22, sa isang Italian restaurant sa Quezon City.

"Kahit papaano naman e, may sumusunod na magandang character or role. Hindi ko lang na-imagine na magiging ganito [ang role ko]," aniya.

Naghahanda na raw si Sheena para sa panibagong role na ibinigay sa kanya.

"Kailangan ko pag-aralan ang mga kilos ng mga news anchors. Iba na sila ngayon. Dati kasi nuong bata ako, ume-emote-emote na ako na parang nagbabalita," aniya.

Balak rin niyang lagyan ng unique "flavor" ang kanyang pagiging mock news anchor.

"Ako kasi makulit. Mahilig ako gumamit ng facial expressions. Kapag humihirit ako, makikita sa mukha ko kaya nakakatawa daw ako. Pero gusto din nila ng medyo mahinhin.

"Makikita n'yo na talaga kung ano ang magiging resulta kapag nakapag-taping na ako," ani Sheena.

Sa March 2 ang unang taping day nila, dagdag pa niya.

Isa din sa pinaghahandaan niya ang maging updated sa mga balita.

"Nanonood na ako ng Saksi at 24 Oras. Pinapanood ko ang iba't ibang news anchors like si Vicky Morales."

She's hoping that viewers will like her as a fake news anchor.

"Ayoko na lang magsabi ng mangyayari. Maganda na abangan nila yung gagawin ng bawat isa sa amin dito sa bagong programang ito," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN