Ronnie Liang launches own fragrance; will release new album of revivals and love songs

Higit na nakilala si Ronnie Liang bilang mang-aawit ng mga sumikat na kantang "Ngiti, Gusto Kita," at "Iingatan Ka," na naging theme song din ng isang paboritong teleserye sa Dos. Dati rin siyang regular sa ASAP, ang Sunday musical variety show sa ABS-CBN. Late last year, nag-sign ng contract si Ronnie sa Regal Entertainment outfit ni Mother Lily Monteverde. This makes him a certified new Regal baby.


Parehong pinaglaanan ng panahon ni Ronnie Liang ang magkahiwalay na events, kamakailan, ng movie press people: Ang gift-giving project sa CHILD (Center for Health Improvement and Life Development) Haus, sa Quezon City, at ang Cosmetologie 2011 sa SMX Convention Center, sa Mall of Asia (MOA), Pasay City.

Maagang dumating si Ronnie sa CHILD Haus, noong February 18, sa imbitasyon ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Pinasaya niya ang mga bata sa nasabing institusyon. Nagdala pa siya ng mga regalo, at nag-lead ng Christian prayer para sa mga ito.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie Liang sa Cosmetologie 2011 on February 23. Ang taunang event ay organized by salon owners na miyembro ng PICA (Philippine International Cosmetologists Association, Inc.), na pinamumunuan ni Fanny Serrano. Kabilang sa nag-sponsor ng event ay ang Calayan Clinic nina Dr. Manny at Dra. Pie Calayan.

Sa venue ay mayroong boutique ang Calayan Clinic, na dito nakipag-meet-and-greet sa media at fans ang mga endorsers ng klinika, kabilang sina Ronnie Liang at Bangs Garcia, at mismong si Dr. Manny Calayan.

Ayon kay Ronnie, "Magtu-two years na po akong nag-e-endorse ng Calayan Clinic, at masayang-masaya po ako na naging part po ako ng Calayan Family Service Center.

"Dito po, sa Cosmetologie 2011, masaya po ako at na-invite ako," sabi pa ng kilalang endorser. "Parang nilo-launch namin, at pino-promote ang Calayan, na hindi lang po siya pang-high end... pang-masa na rin po.

"Ngayon, masusubukan na din nila yung mga ginagamit ng celebrities. Usually kasi, pag sinabing Calayan, iisipin nila, pang-mayaman, gano'n. Pero, at least, ngayon, na-reach out natin yung mga masa, para ma-inform sila na puwede rin nila itong i-try," aniya.

RONNIE'S SCENT. "Pino-promote ko po yung personal scent ko," nabanggit din ni Ronnie sa PEP. Ito raw yung perfume na taglay ang pangalang Ronnie Liang, for men and women.

Medyo may touch of controversy ang sumunod na sinabi ni Ronnie, "Available siya sa lahat ng mga Joel Cruz stores, nationwide."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasangkot ang pangalan ni Joel Cruz sa kontrobersiyal na word war between Sharon Cuneta at Hayden Kho Jr. na pareho ring may fragrance line.

PEP asked Ronnie kung ano naman ang masasabi niya tungkol sa naging sitwasyon, lalo't kapareho niyang perfume endorser si Hayden.

"I cannot comment," sabi niya. "Kasi, sila (Joel Cruz and Hayden Kho) na 'yon, e. Ang sa akin, I just want to promote my personal scent, Ronnie Liang. Mura lang siya. Merong cologne, 60 pesos; meron ding eau de toilette, 198 pesos. For men, for women."

Binanggit din niya ang iba pang endorsers ng Calayan, na sa anumang kadahilanan, ay hindi nakadalo sa Cosmetologie 2011.

"Well, ang kasama ko po, sina Kean Kazemi, Tito Boy (Abunda); sina Valerie Concepcion, Marvin (Agustin), si Kuya Germs (German Moreno)," aniya.

Kasunod na dumating ni Ronnie, at nag-stay sa Calayan Clinic booth si Bangs Garcia.

"Si Bangs, sa ABS-CBN po siya. Ako po, sa lahat ng istasyon," aniya.

ALBUM, MOVIES, TV. "Meron din po akong upcoming album under Universal Records," banggit ni Ronnie sa PEP.

"Iniisip pa lang po yung title [ng album], katatapos pa lang namin mag-record, so inaayos pa nila lahat. May mga revivals po, may mga originals, mga love songs, ballads..."

Higit na nakilala si Ronnie, bilang mang-aawit ng mga sumikat na kantang "Ngiti, Gusto Kita," at "Iingatan Ka," na naging theme song din ng isang paboritong teleserye sa Dos.

Late last year, nag-sign naman ng contract si Ronnie sa Regal Entertainment outfit ni Mother Lily Monteverde. This makes him a certified new Regal baby.

"Opo, pero we're still waiting," aniya. "Last year 'yon, I think, nung December."

Ilang movie projects ang gagawin ni Ronnie ayon sa kontratang pinirmahan niya?

"It's stated there, 8 movies," pagtukoy niya. "Pero wala pa siyang sinisimulang i-shoot na movie. "We're still waiting for instructions. I mean, di ba po, pag movie, hindi nagagawa 'yan kaagad? Minsan, one year before..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaaring mainstream feature ang nasa isip ni Ronnie, at walang naka-stipulate sa kontratang maaari siyang gumawa ng "pitu-pito" indie film (na ginagawa rin ng outfit ni Mother Lily).

What about TV?

"Right now, freelance naman po ako, and puwede po ako sa tatlong istasyon," sabi ni Ronnie, referring to ABS-CBN, GMA-7 and TV5.

"Nagkakaroon po ako ng guestings... latest was in ABS-CBN, at sa GMA-7 din..."

Dating regular sa ASAP si Ronnie at umaasa siyang magkakaroon uli ng regular show, na ma-u-utilize ang kanyang talent, either bilang singer o bilang aktor.

"Sana po... ipag-pray natin," marahang sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN