Queenie Padilla treats her stepmom Mariel Rodriguez as "barkada"

"Hindi porke't isang Robin Padilla ang papa ko, nakakatakot siya or mahirap siyang lapitan. Kasi yung papa ko, sobrang mabait at komedyante. At kung marespeto ka at i-introduce mo ang sarili mo sa kanya, at kausapin mo siya, hindi ka naman niya babarilin or susuntukin kung wala ka namang masamang intensiyon," says Queenie Padilla about her dad, Robin Padilla, and her suitors.


Tuluyan na ngang napamahal si Mariel Rodriguez sa mga anak ng mister niyang si Robin Padilla, partikular na ang panganay nitong si Queenie Padilla.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Queenie sa presscon ng pelikulang Tum, My Pledge of Love noong Sabado, February 26, sa Annabel's restaurant, puro papuri ang mga salitang sinabi ng young actress patungkol kay Mariel.

"Nagpapasalamat po ako sa kanya dahil ang papa ko dati ay sobrang lonely. Ngayon, parang pinasaya niya ang papa ko. Binigyan niya ng kulay ang buhay ng papa ko. At nakikita ko naman na totoong pagmamahal ang ibinibigay niya sa papa ko. Sobrang caring, thoughtful niya sa papa ko. I couldn't ask for a better tita," sabi ni Queenie.

BARKADA. Hindi raw stepmother at lalong hindi shopping buddy ang turing ni Queenie kay Mariel, kundi isang barkada.

"Hindi po kasi ako masyadong nagsa-shopping pag may kailangan ako. Yung kapatid ko [Kylie] ang mahilig mag-shopping. Mas homebody ako, gym junkie.

"Si Tita Mariel, we're parang barkada na kami. I can share anything with her, lagi kaming nag-uusap. Nagsi-share kami ng advice," sabi niya.

Paano sila nagkahulihan ng loob ni Mariel? Hindi ba naging mahirap sa kanila ang mag-adjust sa isa't isa?

"Kasi dati, medyo kinabahan ako. Kasi siyempre, nakikita ko siya sa Wowowee na naghu-host. Kinakabahan ako dahil isa siyang sikat na artista. Sobrang nirespeto ko siya. Parang na-starstruck ako na ewan. 'Hi, Tita...'

"Tapos, she started talking to me. Siya yung nag-effort na lapitan ako. Kasi pag hindi ko kakilala ang isang tao, talagang tahimik lang ako. She was very friendly, very-very friendly na kausapin ako.

"Parang lumawag yung dibdib ko. 'Ay, mabait pala si Tita Mariel!' Puwede akong magkuwento sa kanya tungkol sa mga bagay na, like my struggles in life na puwede niya akong pagsabihan or i-advise," kuwento ni Queenie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinatotohanan din ni Queenie na generous ang kanyang Tita Mariel.

"Sobra!" bulalas niya.

Nanlilibre ba si Mariel ng pagkain?

"Lagi! Kasi si Tita Mariel, pag kumakain, ayaw niyang siya lang. Gusto niya lahat ng mga tao ibibili niya. Tatanungin niya kami kung gutom na kami and pagod na kami. Talagang mabait siya."

Ang fashion jewelry para sa tapings at shootings ni Queenie ang ibinigay raw ni Mariel sa kanya.

"Pero no'ng Christmas, niregaluhan niya ako ng Michael Kors na red bag. Sobrang ganda. Generous siya [Mariel] kasi giving siya, not just because may special occasions," sabi niya.

Sa palagay niya ba ay si Mariel na ang tamang babae para sa papa niya, next to her mom Liezl Sycangco?

"Oh, c'mon! Kasal na sila. So, I'm hoping for the best and sana mag-last sila. I'm not expecting anything drastic to happen or anything. Kasi they look happy naman," sagot niya.

Umaasa rin ba si Queenie na magkakaroon siya ng bagong kapatid sa Tita Mariel niya?

"I don't mind, kasi every baby is a blessing. Pero wala pa silang sinasabi. Kung darating siya soon, I'd be happy para may kalaro na rin yung kapatid ko," sabi ni Queenie, na ang tinutukoy ay ang bunso niyang kapatid na si Ali.

QUEENIE'S LOVELIFE. Tungkol naman sa kanyang lovelife, tinanong ng PEP si Queenie kung pinayagan na ba siya ng kanyang ama na magkaroon uli ng bagong boyfriend. Ang una niyang naging kasintahan ay si PJ Valerio.

"Ahm...okey lang. Opo, puwede na. Pero lagi niyang sinasabi na sana raw huwag. Kasi bata pa raw ako. Gusto niya sumikat muna ako, magkaroon ng sariling pera, at huwag umasa sa mga lalake. Gusto niya yung tipo ng lalakeng kaya yung mga naibibigay niya."

Hindi ba naging protective ang papa niya kay Ejay Falcon na leading man niya sa Tum, My Pledge of Love?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po kasi magkatrabaho naman kami," mabilis niyang tugon.

Hindi ba talaga nanligaw sa kanya si Ejay? Nasabi kasi ni Ejay sa mga interview sa kanya na naiilang at nahihiya siya kay Queenie.

"Ewan ko sa kanya," sabi ni Queenie. "Hindi ko alam, e. Kasi marami siyang responsibildad sa buhay. Wala siyang time sa mga gano'n-gano'n. Pero close kami.

"Alam naman niya na sinusuportahan ko siya kahit hindi kami magka-love team sa isang proyekto. Lagi naman akong nandiyan para sa kanya. Susuportahan ko siya forever and nagpapasalamat ako sa tiwalang ibinibigay niya sa akin."

Mahirap bang maging anak ng isang Robin Padilla dahil yung ibang gustong manligaw sa kanya ay natatakot sa ama niya?

"Alam mo, may negative at positive side 'yan," sagot niya.

"Ang negative, yung ibang mga lalake diyan, sobrang dyina-judge ang aking tatay na sobrang mabait at protective sa akin. Tanggalin mo ang Robin Padilla, kahit sinong tatay, di ba? Magiging protective sa kanyang anak na babae, di ba?

"Hindi porke't isang Robin Padilla ang papa ko, nakakatakot siya or mahirap siyang lapitan. Kasi yung papa ko, sobrang mabait at komedyante. At kung marespeto ka at i-introduce mo ang sarili mo sa kanya, at kausapin mo siya, hindi ka naman niya babarilin or susuntukin kung wala ka namang masamang intensiyon.

"Yung positive naman, hindi ako maloloko ng mga lalake!" natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN