Dingdong Dantes prefers to stay in Yes public service and acting career rather than serve in government

Magdadalawang-taon na ang Yes Pinoy Foundation sa darating na Agosto. Ayon kay Dingdong Dantes, tumagal daw ito dahil sa dedikasyon ng mga volunteers.

"Siguro dahil consistent kami sa aming layunin, consistent kami sa aming passion, at patuloy kaming naghahanap ng mga partners para mas marami pa kaming matulungan. That's the whole essence of it. It's all about collaboration and communication," pahayag ni Dingdong.


"Honored" ang salitang ginamit ni Dingdong Dantes para ilarawan ang nararamdaman niya sa pagdalo ni Pangulong Noynoy Aquino sa isang event para sa Yes Pinoy Foundation kagabi, February 27, sa NBC Tent, Taguig City.

Matagal nang supporter ni PNoy si Dingdong. Matatandaang isa ang Kapuso actor sa mga artistang nagkampanya nang tumakbo ang dating senador bilang kandidato sa presidential race noong isang taon.

Nakasuporta rin ang itinatag ng aktor na Yes Pinoy Foundation sa mga layunin ng pamahalaang Aquino.

Pahayag ni Dingdong sa panayam sa kaya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), wala nang iba pang dapat magsulong ng kanilang mga proyekto kundi si PNoy mismo.

"Isang karangalan para sa akin. Ito ang matinding simbulo para magsimula na 'tong flagship project namin, kasi siya talaga ang nakikita namin na pinakamagaling na magmamaneho nitong bus na 'to patungo sa gusto nitong puntahan, di ba? Sino pa kundi ang pinakamataas na opisyal ng ating bansa?" saad ng matinee idol.

Ang flagship project na tinutukoy ng aktor ay ang Para Paaralan, kung saan maglalagak sila ng computer terminals sa loob ng mga bus. Iikot ang mga bus na ito sa buong bansa para matulungan ang mga kabataang nangangailangan.

Kagabi nga ay ginanap ang launching ng Para Paaralan sa NBC Tent upang humingi ng donation sa iba't ibang sektor ng lipunan.

Bukod kay PNoy, dumalo rin sa event ang ilang mga malalaking pangalan sa business at society circles.

Ayon kay Dingdong, ang girlfriend niyang si Marian Rivera ang naatasang mag-invite ng mga artista.

"Kasi sanay na siya dun sa pag-invite ng mga celebrity friends namin," banggit ni Dingdong.

Ilan sa mga artistang dumating ay sina Heart Evangelista, Daniel Matsunaga, Paulo Avelino, LJ Reyes, Paolo Contis, Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan at Kris Aquino.

Aminado si Dingdong na maliban kay Kris, na bunsong kapatid ni PNoy, ay puro Kapuso stars ang dumating sa kanyang event. Ayon sa kanya, nag-invite naman siya ng mga Kapamilya stars, kaya lang ay nag-abiso ang mga itong hindi makararating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mostly mga ASAP stars, e. Like I particularly invited Piolo [Pascual] and KC [Concepcion], of course, si Gary Valenciano. Marami, marami...

"Alam n'yo, nagkataon lang talaga na nasa Davao sila. Yun lang, di sila makararating nang nasa oras dahil I think the latest flight out is nine o'clock [p.m.]. Di aabot," saad ni Dingdong.

STAYING AS AN ACTOR. Ilan na sa mga artistang sumuporta kay PNoy noong eleksiyon ay nabigyan na ng posisyon sa gobyerno. Kasama rito si Ogie Alcasid, na ngayon ay na-appoint na miyembro ng People Power Commission.

Tinanong ng PEP si Dingdong kung may offer na ba sa kanyang posisyon sa gobyerno.

"A, wala pa naman," mabilis na sagot nito.

Dagdag pa ni Dingdong, okay na sa kanya na tumulong sa pamamagitan ng Yes Pinoy Foundation.

"Masaya na ako dun, dahil sa akin, I have this organization to really help this organization and the country. This is a public service, it's public service in its own right.

"There are different versions to it. At the end of the day, it's all the same. It's all about helping others, it's all about our commitment to nation-building," saad niya.

Nais din daw niyang manatili bilang artista. "More to it kasi siyempre, I'm more comfortable being an actor, so okay ako dun."

Hindi pa ba sumagi sa isip niya ang tumakbo sa susunod na eleksiyon?

"Again, mas kumportable ako sa pagiging artista, and dito ako tumagal. Ayoko namang pasukin ang bagay na wala akong kinalaman," sagot ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN