Marian Rivera on Dingdong Dantes: "Ang relationship namin, parang ang smooth talaga. May nagiging lubak man, napapatag pa rin."

"Mahirap din kasing i-please ang mga tao. Ang importante, kaming dalawa ay nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay na, alam mo yun, kaming dalawa ang nakakaintindi," says Marian Rivera about the intigues on her relationship with boyfriend Dingdong Dantes.


Larawan ng kasiyahan si Marian Rivera sa relaunching ng Yes Pinoy Foundation (YPF) na ginanap noong Linggo ng gabi, February 27, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City.

Bilang girlfriend ng founder at chairman ng YPF na si Dingdong Dantes, naipakita ni Marian ang buong suporta niya sa boyfriend at sa foundation nito.

"Siyempre, hindi lang ako, lahat kami ng mga taong naniniwala sa kanya ay sobrang proud. Alam mo yung nalagpasan ang expectation namin sa kanya," sabi ni Marian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Talagang naglalaan daw ng panahon si Marian para sa YPF tulad noong araw na yun.

"Hindi lang sa araw na ito dahil simula pa lang na inisip niya itong Yes Pinoy Foundation, nasa likod na niya ko at hanggang ngayon, siyempre, sumusuporta pa rin.

"Sabi ko nga, wala man akong maitutulong sa mga brainstorming nila, pero nandiyan yung love ko, prayers. At saka, ipinagluluto ko sila sa meetings nila. Sabi ko, yun lang talaga ang maitutulong ko sa kanila," pahayag ng aktres.

Tinanong ng PEP si Marian kung totoo bang siya ang dahilan kung bakit nabuo ang Yes Pinoy Foundation, gaya ng laging binabanggit ni Dingdong?

"Hindi lang siguro ako. Nasasabi lang siguro niyang ako, pero alam ko naman na mas maraming dahilan kung bakit niya ginagawa yun dahil napakabuti niyang tao. Yun ang totoong dahilan," sagot niya.

Nakita raw ni Marian ang pagiging hands-on at effort na ibinubuhos ni Dingdong para sa YPF.

"May mga araw 'yan na talagang nagte-text na talagang nai-stress na siya. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya from scratch," aniya.

Bilang girlfriend, sa paanong paraan naman niya naipapakita ang suporta niya kay Dingdong?

"Tine-text ko siya. Pinapadalhan ko siya ng mga sweet messages. At saka, palagi kong sinasabi sa kanya na, 'Kaya mo 'yan. Hindi ibibigay sa 'yo ni Lord 'yan kung hindi mo kayang gawin dahil alam niya na ikaw ang magiging way para tumulong sa ibang tao.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST LADY? Biniro namin si Marian na "very first lady" ang dating niya nang magkatabi silang sumalubong ni Dingdong sa panauhing pandangal noong gabing yun na President Noynoy Aquino, together with GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon at DSWD Secretary Dinky Soliman.

"Hindi!" bulalas niya. "Natatawa nga ako kasi yung pinaka-bodyguard ni President Noy, tinawag ako. Sabi niya, Ma'am, puwede po bang pumunta kayo sa entourage ni President?' Sabi ko, 'Ako, sasama?'

"Ang ginawa ko, nag-mingle pa ako, kasi yung mga friends ko, nandito. Nag-thank you pa ako na nagpunta sila rito dahil alam kong naglaan pa sila ng oras. It's a Sunday, it's a family day, pero nandito sila.

"Sabi ng bodyguard, 'Ma'am, we're running out of time. Let's go.' Ako naman, super heels ako, takbo tuloy ako! Sabi ko nga, bakit sinama pa ako? Nahihiya ako. Okay na ako. Nakakahiya.

"Pero para kay Dong talaga, gagawin ko naman talaga lahat."

Hindi raw sila sabay ni Dingdong na dumating sa venue. Mas nauna raw si Dingdong bilang punong-abala sa event. Kaya natawa si Marian at tila may ideya na kung ano ang tinutumbok ng aming tanong.

KILLER LOOKS. Puring-puri naman ni Dingdong ang kakaibang ganda ni Marian noong gabing yun. Ano naman ang masasabi ng aktres dito?

"Ang ganda-ganda ko raw!" natatawang sabi ni Marian. "Wala, nakakatuwa lang na every time naman na hindi kami nagkikita, at pagkatapos magkikita kami, manonood kami ng sine or magdi-date kami, palagi niyang sinasabi na, 'Ang ganda-ganda mo naman.'

"Kaya sinasabi ko, 'Ano ka ba, binobola mo naman ako! Palagi mo naman akong nakikita.' Pero ganoon siya, ganoon siya ka-sweet na tao. Sasabihin talaga niya."

MARIAN'S DONATION. Tinanong din ng PEP si Marian kung may pledge o plano na siyang i-donate sa project ngayon ng Yes Pinoy Foundation na Para Paaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, magdo-donate ako," sagot niya. "One hundred percent naman, e, magdo-donate naman talaga ako at magbibigay talaga ako. Sa ngayon, hindi ko pa sinasabi kay Dong kung ano yun."

Pero napag-alaman ng PEP na nauna nang nagbigay si Marian ng car sticker ng YPF at nagpagawa na siya ng marami nito.

"Oo, kasi noon pa niyang pangarap na magkaroon ng sticker sa kotse. Parang alam mo yung kumalat, parang yellow ribbon dati. So, gusto niya, may ganoon din siya.

"Naisip ko noong Valentine's day, yun ang gift ko sa kanya, isa sa mga gift ko sa kanya para kumalat. Nagpagawa talaga ako ng marami para ibigay niya sa mga friends niya at ilagay sa likod ng mga sasakyan nila," sabi ni Marian.

VALENTINE'S GIFT. Inamin din ni Marian kung ano pa ang ibang naging Valentine's gift niya kay Dingdong.

"Meron kasi siyang polo na ang tagal-tagal na niyang gusto, pero hindi pa rin niya binibili at nakalimutan na niya. So, na-surprise siya na nabili ko yun para sa kanya at naalala ko pa. Formal na polo kasi siya."

Si Dingdong, ano ang naging Valentine's gift sa kanya?

"Secret!" natatawang sagot ni Marian.

Pero dugtong niya, "Siyempre, yung mga dates namin and everything na effort niya. Dinala niya ako sa isang restaurant na hindi ko pa napupuntahan. Sa La Cocina de Tita Moning, na hindi ko pa talaga napupuntahan.

"Sabi niya, 'Susunduin kita riyan ng 8 o'clock.' Okay! Anong suot?' 'Kahit ano, formal, semi-formal, bahala ka.'

"So, ako naman, nag-dress ako. Tapos ako, 'Saan ba tayo pupunta?'May tongue twister kami na 'kusina ni Tita Moning,' paulit-ulit. Tapos , yun pala, doon niya ako dadalhin!

"Kaya nang makita ko ang pangalan, tawa ako ng tawa! Sabi ko, 'Kaya pala sinasabi mo sa akin, yun pala, doon mo ko dadalhin."'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Historical daw ang naturang lugar?

"Oo at saka hindi ko pa siya napupuntahan ever. At ang ambience niya, relax lang. Na-touch naman ako at saka siyempre, tawa ako nang tawa sa kanya.

"At saka may card din ako sa kanya. Binigay ko noong nag-date kami. Hindi mawawala ang card sa akin."

SMOOTH RELATIONSHIP. Kung titingnan sila Marian at Dingdong, at kung gaano sila ka-supportive sa isa't isa, napatunayan nga nila na walang katotohanan ang mga paninira sa relasyon nila at mas lalo pa itong nagiging matatag.

"Wala," nakangiti niyang sabi. "Mahirap din kasing i-please ang mga tao. Ang importante, kaming dalawa ay nagkakaintindihan kami sa mga bagay-bagay na, alam mo yun, kaming dalawa ang nakakaintindi. Parang sa car nga, sabi ko nga, 'Ang sarap ng ganito, 'no?'

"Ang relationship namin, parang ang smooth talaga. May nagiging lubak man, napapatag pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN