Young balladeer Gerald Santos finds new home in TV5's Fantastik

IMAGE 0

"Ang edge nito, ako, ang masasabi ko po, ang meron dito sa show na 'to, may puso po ang show na ito kasi talagang...yung iba yung team namin dito. Talagang iba yung samahan. So, kung may samahan, mas makakapagtrabaho po nang maayos bawat artista," says Gerald Santos about his new show, Fantastik.


Ang young balladeer na si Gerald Santos at ang Star Factor runner-up na si Morissette Amon ang singing duo sa bagong Sunday musical-variety show ng TV5, ang Fantastik.

"May segment po kami, ang title, 'Heartbeats,'" banggit ni Gerald nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Sunday block ng TV5.

Biniro namin si Gerald kung ganoon niya kabilis napalitan ang dati niyang kasamahan sa GMA-7 na si Jonaly Viray. Parehong winners ng singing search ng Kapuso network na Pinoy Pop Superstar sina Gerald at Jonalyn; si Jonalyn ang nanalo noong Season 1 at si Gerald naman noong Season 2.

"Hindi naman po!" tumatawang sabi ni Gerald. "Si Jonalyn, friends naman kami ni Jonalyn, e. Nagkaka-text-an pa rin, pag may mga shows, nag-i-invite-an pa rin kami to each other. Pero ganun na lang. Hindi na po nagkikita, e."

Baka biruin siya ni Jonalyn na ipinagpalit na niya ito kay Morissette?

"Okay lang!" at muli siyang tumawa. "Ano naman kami nun, e, kalog din naman kasi si Jonalyn, so ano lang yun, joke lang yun."

Sa ngayon, wala pang girlfriend si Gerald. Hindi kaya ma-develop silang dalawa ni Morissette?

"Older po ako sa kanya, e," sagot ng binata.

Fourteen years old lang si Morissette at 20 naman si Gerald.

Dagdag niya, "Tingnan po natin. Hindi po puwedeng magsalita ng tapos, hindi po ba? Ngayon, nasa getting-to-know-each-other stage pa lang po kami."

Pero dahil bata pa nga si Morissette, hindi raw siya nanliligaw dito.

FREELANCER. May exclusive contract ba si Gerald sa TV5?

"Hindi pa po. Wala pa po akong contract sa kahit na saang network," sagot niya.

Sa Fantastik lamang daw ang contract niya.

Bukod sa pagkanta, open din si Gerald sa acting projects.

"Actually, wino-workout po namin ng manager ko na maka-act na rin po ako," sabi niya.

Handa raw siyang umarte sa harap ng kamera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ready ako anytime, kahit na anong... Kahit saan po nila ako ilagay na bagong shows ng TV5."

FANTASTIK. Ano ang feeling niya na ang show na kinabibilangan niya ngayon ay katapat ng Party Pilipinas (dating SOP) kung saan regular performer siya noon?

"Okay lang po. Basta ang mahalaga po ngayon, ako, happy po ako. Kasi mae-explore ko ngayon yung talent ko both as a singer and as a performer.

"Kumbaga, mas ano yun, mas mae-explore ko talaga ngayon. And ganun lang po, trabaho lang po talaga, e. Trabaho lang, walang personalan," sabi ni Gerald.

May mga kaibigan ba siya from GMA-7 na nakakausap pa rin niya hanggang ngayon?

"Yung sila pa rin po, sina Jonalyn, sina Aicelle [Santos], sina Maricris [Garcia], sina Harry [Santos]... Yung mga ka-Pinoy Pop Superstar ko pa rin. Pero dun sa ibang artists, wala na pong masyado."

Malakas ang kalaban nila na Party Pilipinas at ASAP; ano sa palagay ni Gerald ang edge ng Fantastik?

"Ang edge nito, ako, ang masasabi ko po, ang meron dito sa show na 'to, may puso po ang show na ito kasi talagang...yung iba yung team namin dito. Talagang iba yung samahan. So, kung may samahan, mas makakapagtrabaho po nang maayos bawat artista," sagot niya.

Sa pinanggalingan ba niyang show ay walang samahan?

"Hindi naman po sa ganoon. Dito po, yun po yung number one na nakita ko sa show na 'to. Lalo pa at bago pa lang, kumbaga, napakagandang start po nun, yung may pagmumulan," paliwanag ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN