Solenn Heussaff ignores brickbats thrown at her; narrates FHM cover shoot

Fashbook lead host Solenn Heussaff learned early in life that ignoring negative criticisms is sometimes the best defense to guard one's self-esteem.


"Dream project" para kay Solenn Heussaff ang programa niyang Fashbook na mapapanood simula ngayong gabi, March 2, 10 p.m., sa GMA News TV (Channel 11).

Mahilig manood si Solenn ng foreign makeover programs ngunit kakaiba raw ang kanyang show kung ikukumpara sa mga ito. Hindi lang panlabas na aspeto ang kanilang babaguhin kundi maging ang emotional at psychological mindset ng isang indibidwal.

"We have a team of makeup artist, stylist, and then a life coach. I think the life coach is the same psychologist we had for Survivor [Philippines Celebrity Showdown].

"Then, basically people can write to us if they want a makeover. But we also take into consideration their story. Not just anyone who wants a makeover—we want a story to go with it.

"So they can write to us at our Facebook page and then we give them a makeover inside-outside, and then we have a coming out party for their family. It's exciting!" kuwento ni Solenn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters kagabi, March 1, sa GMA Network Center sa Quezon City.

CITING FROM EXPERIENCE. Kung pagmamasdan si Solenn ngayon ay hindi mo aakalain na naranasan din pala niya ang maging tampulan ng tukso during her much younger years.

"When I was younger, I was big. I guess it was more like baby fat, and then I got really bigger, and then until the age of 13 people would call me Free Willy in school," kuwento ni Solenn.

"In the beginning I'd pay attention and cry. And the more I cry, the more they would insult me and then one day I just decided, if you don't pay attention to them then they won't feel the need to insult me. So, they stopped after a while.

Malaki ang naging epekto ng mga pambubuskang ito pagdating sa kanyang self-esteem.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya noong panahon na umalis papuntang abroad ang kanyang mga magulang ay sinubukan ni Solenn na mansanas lang ang kainin sa isang buong araw para makapagbawas ng timbang—na naging dahilan naman para maospital siya ng ilang araw.

"I did it the stupid way and I wouldn't recommend anyone to do it that way," pahayag ni Solenn.

Ngayong nasa showbiz na si Solenn ay patuloy pa rin niyang napapakinabangan ang mga life lessons na natutunan niya noon.

"I just learned, the more people, like even on Twitter, the more people say 'Ah, Solenn you're like this, you're like that. Why are you entering showbiz and you say you wouldn't?'

"If you reply to them, the more they'll send you hate notes. But if you don't pay attention, after a while they get sanay and then they just switch to someone else.

"Parang I learned that when I was on the chubby side, the more I pay attention to them, the more they'd want to call me Free Willy. It's like giving them their time of day," ngiti ng multi-talented makeup artist turned actress.

(Ang Free Willy ay ang 1993 Hollywood hit movie na ang pangunahing bida ay isang balyena.)

FHM COVER BABE. Si Solenn ang cover girl ng FHM Philippines ngayong buwan ng Marso at hindi siyempre maiiwasang mapag-usapan ang kanyang naging experience during the shoot.

"It was my first with FHM and I was a bit nervous. But the team I worked with, the photographer, hair stylist, makeup artist—I know them very well and I trust them with what they give me.

"Even before we shot it, we had a meeting and we talked about what I could and couldn't do. I felt safe naman and they're really nice. It was a fun shoot," sabi ni Solenn.

Originally ay beach setting daw ang gusto ng FHM team subalit nagpahayag ng pag-aalinlangan si Solenn sa dahilang pangkaraniwan nga namang gamitin ang dagat bilang background sa isang sexy pictorial.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa bandang huli ay napagkasunduan na sa Diliman, Quezon City area na lang gawin ang photo shoot. Ang napiling cover picture ay nagpapakita kay Solenn na nakasuot ng two-piece swimsuit habang nasa isang horse stable.

"On the picture, it looks okay. Pero the whole time I was like 'Hurry! Hurry! Hurry!' The horse is biting me pa because they put lotion on me so he's like smelling my body," natatawang kuwento ni Solenn.

Pero sa pangkalahatan ay masaya naman si Solenn sa naging resulta ng photo shoot.

"I'm really open to a lot of things as long as it is done in a classy way," pahayag ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN